11

91 7 1
                                    

Tanghali busy na kami sa pagkain namin tapos binigyan ako ni Taehyung ng carrots kasi alam nya na favorite ko yun. Tapos binalik ko sakanya.

"Wag na." Tapos nag smile ako.

"Bakit? Diba favorite mo ito?" Nagtatakang tanong nya.

"Meron naman ako eh. Kainin mo na yan para lumakas ka." Tapos bumalik ulit ako sa pagkain.

"Oo nga pala uuwi na kami bukas." Pagpapaalam ni Jin.

"Sama ako." Sabi ko naman.

"Ha??!!!" Nagulat silang tatlo sa sinabi ko.

"Teka wag ka na saamin sumabay. Kay Taehyung ka na lang sumabay." -Lyka

"Oo nga tsaka may dadaanan pa kami ni Lyka." -Jin

"Kayong dalawa ha? Hoyy ikaw Lyka isusumbong kita kay Mommy. Saan kayo pupunta ni Jin?" Kebata bata pa kung saan saan na sila nakakarating ni Jin.

"Grabe ka naman Kristal. Magpapasama lang ako kay Lyka na bumili ng souvenir para sa mom and dad ko." Paliwanag ni Jin.

"Ohh eh yun naman pala eh. Isabay nyo na ako okay?" Pagpupumilit ko.

"Teka iiwan mo ako dito mag isa?" Tapos nag pout si V.

"Hahaha ikaw talaga. Nandyan naman si ano eh..." Tapos tiningnan ko sya ng nakakaloko.

"Sino?" Madali nyang sagot.

"Si...." Naputol sasabihin ko nang may kumatok.

Sino naman kaya yun? Ako na ang nagbukas ng pinto at pagbukas ko nakita ko si Sheila. Mala anghel ang mukha nya tapos ang mga ngiti ang ganda. Simple lang sya pero dyosa. Naalala ko tuloy si LJ hahaha.

"Ikaw pala. Pasok ka." At pumasok na sya sa loob.

"Ohh Sheila." Sambit ni Taehyung ng makita nya si Sheila.

Ohh diba ngiting ngiti pa sya, itong si Taehyung may feelings pa yan kay Sheila pero pakipot ang alien natin.

"Sheila kamusta na?" -Jin

"Okay naman. Tagal natin hindi nagkita ah? Omo lalo ka gumagwapo." -Sheila

"Kain ka. Upo ka dito." Sabi ko.

Pinaupo ko sya sa upuan ko tapos kinuhaan ng plato at kutsara.

"Teka hindi ka pa tapos kumain ah?" Sabi ni Taehyung.

"Hahaha tapos na ako. Busog na nga ako eh. Sige na Sheila kumain ka na dyan." Sabi ko at tsaka ako nag smile.

Kinuha ko na yung pinagkainan ko at inilagay sa lababo. Papasok na dapat ako sa kwarto ng magsalita si Taehyung.

"Matutulog ka?" Tanong nya.

"Hindi. Aayusin ko lang gamit ko. Oyy kayong dalawa dyan isasabay nyo ako sa pag uwi. Walang reklamo bibigwasan ko kayo." Banta ko at tsaka pumasok sa kwarto.

Uuwi na ako para mabigyan ng time together si Sheila at Taehyung. Tsaka maiinip ako lalo dito dahil uuwi na si Jin at Lyka. So sasabay na lang ako sakanila para happy hahaha.

Sinimulan ko na ayusin yung mga gamit ko at habang nag aayos ako naririnig ko ang tawanan nila sa labas lalo na ang malakas na tawa ni Taehyung.

"Yung saya ni Taehyung hahayaan ko na maranasan nya ulit yun dahil nandyan na si Sheila." Mahina kong sambit.

Pinagpatuloy ko na ang pagaayos ng gamit ko tapos biglang nag ring phone ko.

Chimby <3's calling...

I Want You Back (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon