Chapter 11: Basketball

39 7 4
                                    

Chapter 11: Basketball

H A I L E Y

Weekend ngayon, Ang sayaaa! sa wakas wala nang gagawing mahirap na activities, pahinga nalang, tulog and kain all daaaay! hahahaha

Bigla akong napatingin sa nag vibrate kong cellphone, may nag text pala

From: NicoLOLO
pst oy gawa mo?

To: NicoLOLO
kumakain

From: NicoLOLO
sabi na e! hahahaha gusto kitang puntahan

To NicoLOLO
Wag! baka ubusin mo pa pagkain ko! hahahah jk, why ba?

From: NicoLOLO
basketball tayoooo!

To: NicoLOLO
yung totoong basketball ba? e di naman ako marunong e, basketball nalang sa messenger di ka pa mapapagod hahaha

From: NicoLOLO
oo yung totoong basketball, tuturuan kita, gusto lang kitang makasama

answeet naman ng bestfriend ko! kinikilig ako! hahahaha joke

To: NicoLOLO
yie! hahaha jk, punta ka dito!

From: NicoLOLO
geh, bihis lang ako

To: NicoLOLO
where ba?

From: NicoLOLO
diyan lang sa may Playground ng Village

To: NicoLOLO
ok, papaalam ako kay kuya

lumabas na ako ng kusina at pinuntahan si kuya sa Sala

"kuyaaaa! pwede kami mag punta ni Nicolo sa May court?" tanong ko kay kuya

"Sagutin mo muna tanong ko" sabi ni kuya

"okay ano ba?" - sabi ko

"kayo na ba ni Nicolo?"

hay nakoooo

"bakit, nabalitaan mo ba na linigawan ako nun?" sabi ko

"hindi" sabi ni Kuya

"oh hindi pala! edi hindi kami! hay nako bakit ba lagi niyo kami pinaghihinalaan ni Nicolo?"

"eh kasi parang kayo! sige na umalis ka na! pinapayagan na kita!" sabi ni kuya

yinakap ko naman siya "thanks kuya labyu the best ka talaga!"

"nako binola pa ako sige na mag ayos ka na"

umakyat na ako sa kwarto ko at kumuha ng comfortable na damit, nag ayos ayos lang ako at bumaba na.

sakto naman pagbaba ko ang dating ni Nicolo kaya naglakad na kami agad papunta sa court ng Village namin, malayolayo din siya ng onte, pero keri namang lakarin, hahaha

habang naglalakad kami nakakita kami ng fishball, siyempre kumain kami, gusto kong ilibre si Nicolo pero Nagpupumilit siya na siya na daw magbabayad, nahihiya din naman ako diyang kay Nicolo kahit konte, kasi naman ang spoiled ko kaya sa kanya, binibili niya lahat ng gusto kong pagkain, gusto ko minsan ako naman manlibre sa kanya, kasi baka nauubos ko na pera niya.

Nang matapos na kaming kumain naglakad na kami ulit and finally nasa court na kami, buti kami lang ang tao, walang naglalaro

"Nicolo walang tao! turuan mo ako mag basketball!" sabi ko sa kanya

"okay, tayo ka dito" - sabi ni Nicolo kaya sinunod ko naman siya

"ganto ang hawak mo nang bola,tapos ganto ang paghagis..."

sinabi niya yung mga dapat kong gawin, tinuruan niya ako

"oh sige, try mo na, mag shoot ka" sabi niya

Nakailang try pa ako bago ako makashoot, nung huli kaya ko na

" oh sige laro naman tayo ah! ang matalo manlilibre ng isaw! limang isaw!" sabi ni Nicolo

"sigeeeee!"

naglaro na kami ng basketball, tawa nang tawa si Nicolo kasi grabe daw ako manulak, grabe daw ako makaagaw ng bola, buti nakakashoot naman ako sa ring, hahaha.

"Oh Nicolo matatalo ka na sakin! 5-4 ang score! mas mataas score koo!" sabi ko

tumawa naman si Nicolo

"Sinabi mo yan ah! pag nanalo ako patay ka sakin!" sabi ni Nicolo

naglaro na ulit kami, hanggang sa napatigil kami nang may marinig kaming pumasok

"ay may naglalaro pala e" rinig kong sabi nila

"Nicolo uwi na tayo, maglalaro na sila" sabi ko

"hayaan mo sila, tara laro lang tayo, nauna naman tayo e"
sabi ni Nicolo

"bukas nalang, pag wala nang tao" napalingon ako sa nagsalita parang kaboses kasi ni Zy...

ayy si Zyron nga. Kung minamalas ka nga naman oh!

"ang bilis mo talaga kumilos Nicolo, tss kanikanina  lang nandito kami tapos ngayon ikaw na ang naglalaro" narinig kong sabi ni Zyron

parang galit yung tono ng pananalita niya, ano ba yun? nagalit siya dahil naglaro  kami? hindi naman siya ganon kababaw dati ah?

Parang Naasar si Nicolo kaya nagsalita siya

"tss, aalis alis ka kasi, yan tuloy wala ka nang nabalikan" sabi ni Nicolo na parang naaasar

"Hindi mo alam kung bakit ako umalis, hindi lahat ng bagay Nicolo alam mo" sabi ni Zyron

"hindi na importante yung dahilan, nagawa mo na e, nangyari na, at nung nawala ka ako yung  nandito" sabi ni Nicolo

parang iba naman yata yung pianguusapan nila, yung court pa ba yun o iba na?

Bigla akong hinila ni Nicolo at umalis na kami

pero biglang nagsalita si Zyron
" tss nandiyan ka kasi may dahilan... dahilan na hindi alam ng kahit sino"

ano ba yung pinaguusapan nila? parang hindi na yata yung court e!

naasar si Nicolo kaya bumalik siya at akmang sasapakin si Zyron

"Nicolo!" sigaw ko kaya tumigil si Nicolo at napatingin silang dalawa sa akin

"Naasar ka kasi ayaw mong may makaalam? tss" sabi ni Zyron kaya akma nanaman siyang sasapakin ni Nicolo

"Nicolo tama na! halika na umuwi na tayo!"

sabi ko kaya lumabas na kami sa court

"Nicolo bakit? bakit mo siya sasapakin?" tanong ko

" hindi na mahalaga yung dahilan Hailey, basta, wag mong lalapitan si Zyron ha? tara na umuwi na tayo"

sabi ni Nicolo at hinatid na din niya ako sa bahay namin.

ano naman kaya yung dahilan? tss!

--------------

thank you sa votes and Comment! natutuwa ako sa mga comments niyo!

thank youuuuu! 

Complicated (McNella/JerNella/MarNella) [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon