Chapter 6: Nicolo

48 9 3
                                    

Chapter 6: Nicolo

H A I L E Y

"Hoy Hailey, bakit ang tagal tagal mong umuwi?" pagharang sa akin ni Kuya sa gate, kakauwi ko lang kasi galing kila Gail

"Excuse me, 4:30 palang sabi ni mama dapat bago mag 5 nandito na ako sa bahay! ang aga ko kaya!" sabi ko naman sa kanya

bigla niyang tinulak yung gate "pasok, nandiyan yung bestfriend mo, kanina pang alas tres"

kanina pang alas tres? ang tagal na niyang naghihintay? bakit pinapunta ko ba siya?

Bigla akong nagtatatakbo sa sala at pagpasok ko nakita ko si Nicolo na nakaupo sa sofa namin

"ginagawa mo dito? pinapunta ba kita?" pagtataray ko kunwari

"Sus! ikaw na nga 'tong dinalhan ng pizza magrereklamo ka pa!" nakangiti niyang sabi

ano daaaaw? pizza? Omg!

"pizzaaaaa? where?" sabi ko

tumayo siya at lumapit sa dining table namin

"Wooow! thanks besssss" niyakap ko siya saglit

binuksan ko yung hot sauce tapos nilagyan ko yung pizza, kumain lang ako nang kumain nakatitig lang sa akin si Nicolo, hindi ko siya inaalok kasi panigurado kumain na yan.

"Hindi ka ba kumain maghapon?" tanong niya sa akin nang maubos ko ang isang box ng pizza

"kumain, pero alam mo naman na favorite ko 'to dibaaaaaa!"

ngumiti nalang siya "Oh, tapos sinusungitan mo pa ako kanina!" sabi niya

"joke lang yun eto naman di ka na nasanay"

Simula nung bata pa lang kami ni Nicolo mag kaibigan na kami, lagi kaming magkasama pero di kami ganto ka close, naging ganto lang kami kaclose nung nawala si Zyron.

"anong ginawa niyo nila Gail?" -Nicolo

"nag movie marathon, kumain, naghalungkat ng pic---" Napatigil ako sa pagsasalita, naalaka ko nanaman yung kanina....

"ahh okay, yayayain sana kitang manood ng movie e, anong gusto mong gawin?" -Nicolo

"punta tayong park!" sabi ko

"Okay, tara!" pagyayaya ni Nicolo

"ay! 5 na pala! baka maabutan ako ni mama sa labas! magagalit yon!" sabi ko

"Sige na sumama ka na kay Nicolo, okay lang yan, di magagalit si mama si Nicolo naman kasama mo e" pagsingit ni kuya

"Chismoso ka kuya!" sabi ko

"Thank you Harry!" sabi ni Nicolo

"geh, alis na kayo!" -sabi ni Kuya

naglakad na kami papuntang park, buti onti lang yung nga bata, maggagabi na kasi e

" slide tayo Nicoloooo!" sabi ko

"Isip bata! hahahahah" pang aasar niya

"anong masama? pake ba nila? tara!" sabi ko

"tss oo na sige na"

"yaaaay! thanks Nicolo" sabi ko tapos niyakap siya

nagslide naman kami, paulir ulit, ang saya feeling ko bumalik ako sa pagkabata lalo na at kasama ko yung kababata ko

after namin mag slide nag seesaw kami, tapos nang napagod kami umupo nalang kami sa bench habang kumakain ng Vcut at uminom ng coke.

"Namiss mo ba siya?" biglang tanong ni Nicolo

"Sino?" tanong ko

"yung Boss mo!"sabi niya, ahhh... si Zyron!

"Hahaha! bakit parang nagseselos ka? hahaha!" sabi ko

"h-huy! hindi a-ah!"

"pero di ko siya namiss" -sabi ko

" pano kung may gusto pa siya sayo? tapos liligawan ka niya ulit ngayon? magpapaligaw ka?" tanong niya

bakit ba si Zyron ang topic maghapon?

"hindi na..." sagot ko

ngumiti siya at umakbay sa akin

"tama yan, wag ka nang magpaligaw don..." sabi niya

"why?"

"ayokong masaktan ka ulit, kasi mahal kita"

ano daw?

tumingin ako sa kanya

"M-Mahal kita, oo mahal kita, bestfriends tayo diba?" sabi niya

ngumiti naman ako

"Siyempre naman! Nicolo thank you ha? ikaw yung naging karamay ko nung nawala si Zyron, nung nasasaktan pa ako..."

bigla siyang tumawa, kainis naman 'to! nagdadrama ako e! panira!

"bakit ka tumawa? panira ka ng acting ko!" sabi ko

"hindi kasi ako sanay na ganyan ka kadrama e, hahahah tara na nga uwi na tayo" sabi niya tapos umuwi na kami.

pag uwi naman namin nasa bahay na si Mama

"Hi ma! kanina ka pa umuwi?" sabi ko sabay kiss sa cheeks niya

"medyo magkasunod lang tayo, namasyal pala kayo ni Nicolo sa park" nakangiting sabi ni Mama

"Hi tita! uwi na po ako!" sabi ni Nicolo

"Wag na muna anak, dito ka na maghapunan" sabi ni mama

kaya dito naghapunan si Nicolo, medyo gabi na din nang makauwi si Nicolo kasi naglaro pa sila ni kuya ng kung ano sa computer.

-----------------------

Vote and Comment po!

Nicolo or Zyron? hahahah

Complicated (McNella/JerNella/MarNella) [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon