Chapter 29 : The Feeling is Mutual
H A I L E Y
Tapos na ang class namin, uwian na namin pero may Journalism ngayon kaya hindi pa ako makakauwi, kinakabahan nga ako dahil kay Jian e, iniisip ko parin yung sinasabi niyang aaminin niya na sa akin ang nararamdaman niya, hindi ko kasi maiwasang maisip na gusto niya din ako.
Si Nicolo naman, hindi siya pumasok, pero nakauwi na siya ng Ospital kagabi, pinagpahinga lang ni Tita Shiela kaya di na pinapasok, at kanina pagpasok ko palang usap usapan na sa room namin yung nangyari kay Nicolo.
Hindi ko na sinabi sa mga kaklase kong nagtatanong na nakalimutan na ako ni Nicolo, kasi bukod sa nasasaktan ako ayokong isipin yun, kay Lana at Gail ko lang kwinento.
Papalapit na kami ngayon sa room kung saan kami nag jo- Journalism, kinakabahan ako, parang lalabas na yung puso ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko, nilalamig ako, parang naiihi ako nagugutom na hindi ko malaman ang gagawin ko
"Ah... Lana! Una ka na sa Room, CR lang ako!" Sabi ko
"Sure ka? Samahan na kita" sabi ni Lana
"Ah O-oo! Saglit lang naman ako e, mauna ka na" sabi ko tapos tumango na siya at nag dirediretso sa room ng Journalism
Nag cr muna ako, umihi ako tapos nag ayos ayos ng sarili, after nun dumiretso ako sa Canteen kasi nakaramdam ako ng gutom, kumain lang ako ng burger at iminom ng apple juice, nang makakain ako binilisan ko yung lakad ko, kasi baka ma late ako.
"Hailey!" Bigla akong napatigil nang may narinig akong tumawag sa akin
Si Jian
"U-Uy" sabi ko nang nilingon ko siya
Nakangiti siya, feel ko yung kasiyahan niya, parang ang gwapo gwapo niya ngayon
Dahil ba aamin na siya sa akin?
Hay Hailey wag ka ngang mag assume!
"Ah... Hailey... wala pa naman si Sir Ray, ah pwede ba tayong magusap muna dito sa labas?.... saglit lang?" Tanong ni Jian
Biglang bumilis yung heartbeat ko omaygashhh eto na ba yung pinakahihintay ko dati pa?
"O-okay" sabi ko
"Uhm... ah Hailey... may aaminin sana ako sayo... matagal ko na 'tong nararamdaman, matagal ko na tong gustong sabihin sayo, nagpapalakas lang ako ng loob... ngayon buo na ang loob ko, handa na akong malaman mo..." sabi niya nang nakatitig sa mga mata ko at halatang kinakabahan
Wag kang mag alala Jian kinakabahan din ako.
"Uhm ah a-ano y-yun?" Tanong ko
"Gusto kasi... uhm... Gusto.... hmm ....
Gusto ko kasi si Lana" sabi ni JianBigla namang nawala yung bilis ng tibok ng puso ko, bigla akong pinagpawisan at para akong nagising sa katotohanan
"Si--si Lana? Yung kaibigan ko?" Tanong ko
Ngumiti siya "oo, si Lana, matagal ko na siyang gusto, at dahil kaibigan kita at Kaibigan mo si Lana... manghihingi sana ako ng tulong sayo... pwede mo ba akong tulungan manligaw sa kanya? Pwede mo ba akonv ilakad sa kanya?" Tanong ni Jian
nag fake smile ako
"Okay" sabi ko
"Yeeeessss! Woooh! Thank you Hailey ha! Thank You talaga!" Sabi niya sabay yakap sa akin
"Ah sige na pumasok na tayo sa loob" sabi ko
At Pumasok na din kami
Pag pasok ko sumalubong ang nakangiting si Lana
" Yieeee team Jiley for the wiiin! Sabay sila pumasok yieeee! Umamin ka hailey! Kaya ba pinauna mo ako dito dahil magsasabay kayong pumasok ni jian? Yieeeee kinikilig akoooo" sabi ni Lana
"Lana, walang Jiley Jiley, magkaibigan lang kami ni Jian... iba yung gusto niya" sabi ko
"Ha? Ayaw mo ba sa kanya?" Sabi ni Lana
Ngumiti ako, fake smile ulit
" kailangan ko nang itigil tong pagkagusto sa kanya Lana, wala na akong pag asa na magustohan niya pa, magkaibigan kami... okay na siguro yun" sabi ko××××
Uwian na namin, gusto ni Jian na sabay kami umuwi pero sabi ko may dadaanan pa ako kahit wala naman, si Lana naman nauna nang umuwi.
Imbis na dumiretso ako sa bahay namin nag punta muna ako sa park, tahimik dito at wala masyadong tao
"Gusto ko siya... tapos gusto niya yung kaibigan ko... nangpapalakad pa sa akin! Tss" sabi ko kahit wala naman akong kausap
"Nangyari na din sa akin yan e" biglang may nag salita sa likod ko
"N-Nicolo? Bakit ka nandito?" Tanong ko
"Eh ikaw bakit ka nandito? " tanong niya
"Wala lang" sabi ko
"Edi wala lang din" nakangiti niyang sabi
Nag fake smile nalang ako kasi feeling ko down na down ako ngayon
"Anong problema mo Heidi?" Tanong ni Nicolo
"Hailey" pagtama ko
Umupo siya sa tabi ko
"Anong problema mo Hailey?" Tanong niya
"Yung lalaki kasing gusto ko akala ko ako yung gusto niya, yun pala yung kaibigan ko, tapos ang nakakatawa dito nagpalakad pa siya sa akin sa kaibigan ko!" Sabi ko "eh ikaw? Anong sinasabi mong nangyari na din yan sayo? Bakit parang hindi mo yata na kwento yan?" Tanong ko
"Yung akin naman, pareho kami ng gusto ng kaibigan ko, tapos nagpatulong pa siya sa akin manligaw dun sa babae... Hailey mas masakit yung akin" sabi niya
"Ha? Mas masakit kaya yung akin!" Sabi ko
"Mas masakit yung akin... kasi alam kong mahal nung babaeng gusto ko yung kaibigan ko... e ikaw? mahal ba ng kaibigan mo yung lalaking gusto mo?" Tanong niya
"Hindi, iba gusto nung kaibigan ko e" sabi ko
"Oh! Edi mas masakit yung akin! Kasi nakikita ko mismo na extra lang ako sa kwento nila... na sila gusto nila ang isa't isa ako kaibigan lang, masakit yun Hailey masakit na kaibiganin ka lang talaga ng taong mahal mo" sabi niya
"Oo... alam ko" sabi ko " eh sino ba yung babaeng gusto mo at yung kaibigan mo?" Tanong ko
"Nakalimutan ko na e, mabuti na din siguro yun para mawala na yung sakit na nararamdaman ko" sabi niya
Bigla ko na lang siyang niyakap, pareho kami ng nararamdaman ng bestfriend ko, nalulungkot ako para sa aming dalawa
Bigla na lang tumulo yung luha ko
At pinunasan niya iyon "bakit ka umiiyak? Hindi pa naman tapos ang buhay mo dahil don ah? Andito naman ako... nagmamahal din sayo" sabi niya "tandaan mo Hailey, ang utak pwedeng makalimot... pero ang puso hindi..." sabi niya ulit
Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin, basta magkayakap lang kami
Hindi naman ako galit kay Lana e, wala siyang kasalanan, hindi niya kasalanan na magustohan ni Jian.
Si Lana pa naman ang number one shiper namin!
--------------
Vote and Comment po please! Thank youuuu
BINABASA MO ANG
Complicated (McNella/JerNella/MarNella) [ON HOLD]
أدب الهواة[on Going] I like Him He Likes Someone He Loves me I love him as a friend He Like me Before I like Him Before Ganto ba talaga ang love? sobrang complicated? (McNella / JerNella / MarNella) Fan Fiction