Chapter 17 Secrets
H A I L E Y
maagang maaga ako pumasok, para hindi ako makasabay kila Ysle, ayokong makasabay sila e.
pero naiisip ko parin yung sinabi ni Jian e, totoo kaya yun? at alam kaya yun ni Nicolo?
Kung tanungin ko kaya siya? sila Ronnie at Nikko?
Dahil wala pa sila Lana at Gail nagpunta ako sa room nila Nikko, halos wala pang tao dito sa school pero alam kong nandito na siya, maaga pumasok yun e kahit tamad, hahaha
Nakita ko agad siya sa loob ng room nila
"Nikkooooo!" sigaw ko
"anoooo?" tanong niya
"lika! bilis!" sabi ko
lumapit naman siya sa akin
"punta tayo sa Canteen! ililibre kita!" sabi ko
"talaga? yaaay! tara ililibre ako ni Hailey! yaaay!" sabi ni Nikko tsk! isip bata talaga! hahahaha mas matanda pa yan sa akin ng 6 months! hahaha
sumama agad siya sa akin, at nagpunta na kami ng Canteen, siyempre dapat pag tinanong ko siya about sa nangyari kay Zyron kailangan mag paligoy-ligoy muna ako, baka kasi isipin niya may pake pa ako kay Zyron e.
Pero sa totoo lang... nagugulohan ako kung bakit kailangan ko pang tanungin yung tungkol kay Zyron, e diba nga wala na akong pake? haayys!
um-order kami ni Nikko ng shake, mango flavor yung akin kanya chocolate, tapos um-order din kami ng blueberry cheesecake."Hailey! namimiss ko nang pumunta sa inyo! hindi na ako napapadpad sa inyo e!" sabi ni Nikko
"sus! e last month lang nung huli kang pumunta sa bahay e! hmm... speaking of namimiss... hmm may namimiss ka ba?" sabi ko
Hahaahaha
"hmm, namiss meron, si Ysle" sabi ni Nikko
tss! ano ba yan bakit kailangan pang banggitin yung pangalan ng babaeng yan!
napairap nalang ako " tss sabi ko kung may namimiss ka! hindi ko tinanong kung may namiss ka!" sabi ko
tumawa lang siya "hmm... sino ba?" sabi ni Nikko
"hmm.. mga kaibigan... hmm mga---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita agad siya
"sa totoo lang si Zyron...." sabi ni Nikko
"wag kang mahuhurt couz ha? namimiss ko yung kaibigan ko e" dagdag pa niya
"okay lang..." sabi ko
"hmm e Nikko bakit mo namimiss si Zyron?" tanong ko
"siyempre, namimiss ko yung kumpleto kami nila Ronnie, Nila Nicolo, yung masasayang moments namin..." sabi niya
sumubo muna ako ng blueberry Cheesecake at nagsalita
"alam mo ba kung bakit nawala siya?"
tanong ko"hindi e, basta nagulat nalang ako nung sinabi dati na lumipat na siya ng school... pero feeling ko alam ni Nicolo e" sabi ni Nikko
"bakit di mo siya tanungin?" tanong ko
"kasi sabi niya di niya daw alam, pero feeling ko talaga alam niya e, ayaw niya lang sabihin, atsaka simula nung nakalaban namin sila Zyron sa Basketball lagi na naming nakikita si Zyron e, tapos parang magkagalit sila ni Nicolo, parang may alam sila na di namin alam ni Ronnie" sabi ni Nikko
oo nga tama siya... kasi diba nung sa Basketball court parang may iba na silang pinaguusapan, tapos nagalit na agad si Nicolo.
"Nagalit ka ba kay Zyron sa pagalis niya dati?" tanong ko
"nagtampo.. nalungkot... kasi diba, kaibigan namin siya tapos hindi manlang siya nagsabi na aalis na siya, na lilipat na siya ng school, tapos after nun hindi na namin siya ma contact.. parang nawala na talaga siya, tapos after two years nakita namin siya tapos parang galit pa siya... hindi ko siya maintindihan.. ang gulo" -Nikko
"Nung sinabi nga nung teacher natin noon na lumipat na siya tapos hindi na namin siya ma contact at lumipat na siya ng bahay naisip ko na ano bang ginawa naming masama nila Ronnie at Nicolo para hindi siya magsabi... diba?" sabi ni Nikko
nararamdaman ko talaga yung lungkot ni Nikko, at nalulungkot din ako, naaalala ko yung dati na pareparehas kaming biglang nawalan ng kaibigan.
×××××
Nandito na ako ngayon sa room namin, nag lilipatan kami ng upuan, at kung minamalas ka nga naman e nasa harap ko pa nakaupo si Nicolo at sa Harap niya si Ysle, o diba? rinig na rinig ko yung kasweetan nila? mag bestfriend e! ang lalandi! kaasar!
pero okay lang, may katabi naman ako na kaclose ko, si Ronnie tapos katabi niya si Gail, kaya masaya
habang walang teacher nakipagdaldalan ako kay Ronnie, tapos si Gail namin nakikipagdadalan dun sa katabi niya at si Ysle nakikipag daldalan kay Nicolo.
"Uy namiss kita!" sabi ko kay Ronnie
echos lang yan! para lang mapagusapan yung mga namimiss! gaya ni Nikko kanina! hahaha
napalakas naman yung salita ko kaya napalingon si Nicolo
tinignan ko siya tapos nagsalita na ulit "kinakapatid namiss kita!" sabi ko
baka kasi akala ni Nicolo siya yung namiss ko!
"ah ako ba? akala ko si..." sabi ni Ronnie tapos tumingin kay Nicolo
"che! " sabi ko
"e bakit mo ba ako na miss e araw araw naman tayong nagkikita?"
e kasi echos ko nga lang yan! nagpapaligoyligoy lang ako!
"namiss ka daw ni Sue!" sabi ko
kahit wala namang sinabi si Sue, pero halata naman! close kasi sila pero ngayon medyo lumayo si Ronnie sa kanya kasi nagpapalakas pa daw ng loob... liligawan niya si Sue.
Nanlaki naman ang mata ni Ronnie "talaga? sinabi niya yun?" sabi ni Ronnie
"hindi... pero nahahalata ko" sabi ko
ngumiti naman siya ng napakalawak
"miss ko na din siya e! hintay hintay lang siya! nagpapalakas lang akk ng loob!" sabi ni Ronnie
nako mahirap yata tong makausap tungkol kay Zyron
"uy may sasabihin ako sayo!" napalingon naman ulit si Nicolo
bakit ba tuwing nagsasabi ako ng Uy lumilingon na siya? Uy na ba ang pangalan niya? o surname?
"Ronnie may sasabihin ako sayo!" sabi ko ulit
"ah sakin ba? akala ko kay..." tumingin siya kay Nicolo na nakikipagdaldalan na ulit kay Ysle
hinampas ko siya "may isheshare ako sayo! pero secret lang ha!" sabi ko
"okay.. ano ba yun? crush mo si Nicolo? alam ko na yun matagal ko nang nahalata" sabi niya
"loko! hindi ko crush yan si Nicolo tignan mo nga may Ysle na yan! e hindi nga ako pinapansin e! hindi ko alam kung anong problema niya! wala siyang pinagiba kay Zyron! si Zyron bigla biglang nangiiwan! siya biglang hindi namamansin!" sabi ko
"magkaiba kami ni Zyron, siya nawala na talaga... ako hindi, nandito pa... para sayo" biglang singit ni Nicolo
ewan ko pero bigla nalang bumilis yung tibok ng puso ko, OMG nakikinig pala siya.
umirap nalang ako.
"yooooon! ang lakas mo talaga Nicolo! pasimple! hahahah" sabi ni Ronnie
"hindi mo ba namimiss si Zyron?" tanong ko kay Ronnie
"medyo, pero parang iba na kasi yung Zyron ngayon e, hindi ko alam kung bakit parang galit siya kay Nicolo, si Nicolo din hindi ko alam pero parang galiy siya kay Zyron, may hindi yatang sinasabi eto si Nicolo e" sabi ni Ronnie
pareho sila ng sinabi ni Nikko, hindi kaya.... may tinatago talaga si Nicolo sa amin? ano naman kaya?
BINABASA MO ANG
Complicated (McNella/JerNella/MarNella) [ON HOLD]
Fanfiction[on Going] I like Him He Likes Someone He Loves me I love him as a friend He Like me Before I like Him Before Ganto ba talaga ang love? sobrang complicated? (McNella / JerNella / MarNella) Fan Fiction