Chapter 34 : Court

47 4 1
                                    

Chapter : 34 Court

H A I L E Y

Ang aga kong nagising ngayon, nauna pa ako sa alarm clock ko, achievement yun! First time mangyari yun, kadalasan kasi  Five minutes ako nang Five minutes.

Pagkagising ko napatingin agad ako sa phone ko, chineck ko kung may nag text ba na NicoLOLO pero wala, baka tulog pa yun.

Tumayo na ako at dumiretso sa Cr sa kwarto ko at naligo.

Pagkatapos ko maligo nag bihis na ako, nagpatuyo ng buhok at nag ayos ayos ng sarili. Hindi ako mapakali ngayon, parang gusto ko sobrang ayos ng itsura ko.

Nang matapos ako sa mga rituals ko, bumaba na ako para kumain, natanaw ko agad mula dito sa taas na may nakaupo sa sala, kausap ni mama, nagtatawanan pa sila, sino kaya yun?

Dali dali akong bumaba at nagulat ako sa lalaking nakita ko na nakaupo sa Couch namin.

"Oh Nicolo!" Pagbati ko

Nakatitig naman siya at Ngumiti siya ng sobrang ngiting ngiti, ear to ear. Tinaasan ko siya ng kilay kasi mukha siyang baliw at nakatingin sa amin si mama, buti nga wala si kuya e, may retreat sila three days, nako kung nandito yun tinadtad na kami ng asar nun!

"Ah... tita, may gusto lang po akong itanong... ipagpaalam..." sabi ni Nicolo

Bigla namang bumilis yung tibok ng puso ko, omg ano toooo?

Ngumiti naman si mama

"Pwede ko po bang ligawan ang anak niyo? Si Hailey po?" Tanong ni Nicolo na mukhang kinakabahan.

Omggggg omgggggg omgggggggg!!!!! NICOLOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!!

Ngumiti si mama ng ear to ear din, parang si Nicolo kanina.

"Mahal mo ba talaga ang anak ko?" Tanong ni mama

Ngumiti si Nicolo "oo naman po, mahal na mahal po" sabi niya

Sa bilis ng tibok ng puso ko parang tatalon na siya tapos anytime mahihimatay na ako.

Tama na ang OA mo Hailey.

"Nicolo, malaki naman ang tiwala naman ko sayo... at napaka buti mo ding tao... gusto kita para sa anak kong si Hailey..." tumingin sa akin si mama at ngumiti, ngumiti na din ako " ... kaya Nicolo... pwede mong ligawan ang anak ko"

Bigla namang napangiti si Nicolo "Yes! Thank you po tita!" Sabi niya kay mama sabay yakap "thank you po" tapos tumingin siya sa akin at tinaas baba ang dalawa niyang kilay, hindi ko maiwasang mapangiti at matawa.

"Oh sige na! Kumain na kayo diyan, at male- late kayo" sabi ni mama

Tapos nag punta na kami sa Kitchen, magkatabi kami ni Nicolo tapos katapat ko si mama

"Ah Hailey oh, yung favorite mong pizza at Carbonara, dala ko yan para sayo" sabi ni Nicolo nang nakangiti tapos nilagyan ako ng Carbinara sa plato "eto oh hot sauce para sa pizza" sabi niya

Tumayo si mama saglit " ano bang gusto niyong inumin?" Tanong ni mama

" Juice nalang ma!" Sabi ko

"Ang aga namang Juice niyan Hailey! Baka sumakit ang tiyan mo!" Sabi ni Nicolo

"Okay lang yan! Kakain naman ako bago uminom, magkakalaman na yung tiyan ko, hindi na sasakit!" Sabi ko

Natawa si mama " sige magtitimpla muna ako"  sabi ni mama at umalis na

Kumain na ako nang kumain nakita ko nakatitig lang sa akin si Nicolo kaya napatigil ako

"Ano? Bakit hindi ka kumakain?" Tanong ko

Umiling lang siya tapos ngumiti

Kaya ang ginawa ko kinuha ko yung carbonara tapos nilagyan siya sa plato
"Oh Hailey! Ako na" sabi niya

"Kakain ka rin pala e!" Sabi ko

Ngumiti siya "kamusta? Nakatulog ka?" Tanong ni Nicolo

"Oo naman!" Sagot ko

Ngumiti siya ng nakakaloko "kasi narinig mo boses ko?"  Tanong niya

Hinampas ko naman siya ng malakas "ang feeler mo naman! Nakatulog ako kasi inaantok na ako nun!" I lied

"Aray! Joke lang e! Eto naman!" Sabi ni Nicolo

" aba ang sweet sweet naman!" Biglang singit ni mama kaya napaayos ako ng upo

Natawa si Mama tapos ngumiti si Nicolo, ako naman kumain lang nang kumain.

Nabg matapos kaming kumain nag toothbrush na ako at nag ayos ayos saglit

"Tara na Hailey! Pasok na tayo!" Sabi ni Nicolo

"Ah ma, papasok na po kami! Byee" sabi ko

"Okay, ingat kayo ha! Nicolo ha!" Sabi ni mama

"Opo tita, sige po babye po, thank you po" sabi niya tapos umalis na kami

Habang nasa jeep kami, siya ang nagbayad sa akin, libre daw kasi manliligaw ko na siya.

"Ay oo nga pala, Hailey" sabi ni Nicolo

"Hmm?"

" kanina kasi... sa mama mo lang ako nagtanong...." sabi ni Nicolo "eh... uhm.. hindi kasi kita naitanong e... ah pwede bang manligaw?" Tanong niya

Ngumiti ako

"Huy! Kinikilig ka ba?" Tanong niya

"Ano---" hindi ko na natapos yun pagsasalita ko, kasi tinakpan niya yung bibig ko

"Wag mo nang itanggi Hailey, halata, nag bablush ka, kanina pa yan sa bahay niyo" sabi niya nang nakangiti

Omg halata pala?

Sinimangutan ko siya

"Huy! Ano?"

Ngumiti ako

"Malamang Oo! Ayaw mo? " sabi ko

Ngumiti siya tapos napaiwas nang tingin sa akin tapos binalik ulit yung tingin sa akin.

" gusto, kunwari ka pa e mahal mo din ako diba?" Sabi niya nang nakangiti, ngiting nakakaloko!

nakakaasar naman tong taong to!

"Sige! Pag inasar mo pa ako babawiin ko yung pagpayag ko!" Sabi ko

"kaya mo?" Pangaasar niya

Hay!

Iniwas ko na lang yung tingin ko sa kanya

"Uy sorry na, joke lang yun" sabi niya

"Ang swerte ko Hailey, Ang saya saya ko, thank you sa pagpapasaya sa akin, sa pagpapangiti sa akin"  sabi niya

hindi ko naiwasang ngumiti sa sinabi niya

Bigla niyang pinisil yung pisngi ko "ang cuteeee! Nag bablush!"

Hinarap ko siya tapos nakita ko yung tao malapit kay Nicolo, nakatingin siya sa amin.

Si Zyron.

-----------------------

Helloooooooooo sorry ang tagal kong mag update, may pasok na kasi, hindi na ako laging makakapag update, pakihintay na lang po yung update, hindi ko alam kung tuwing kelan basta po mag aupdate ako, tatapusin ko 'to.

Kung hindi niyo pa po nababasa yung iba kong stories pakibasa po hahaha thank you!

Vote and Comment po! Thank youuuu!

Complicated (McNella/JerNella/MarNella) [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon