Chapter 36 Suitor
H A I L E Y
" So... kayo na pala?" Napalingon ako sa biglang nagsalita sa tabi ko
Tinaasan ko lang siya ng kilay at inirapan, naaasar ako sa kanya ba't ganun?
" Pst Girl, bakit nandito pa yan? Bakit may pa transfer transfer pa siyang nalalaman?" Bulong sa akin ni Gail
" Papansin lang yata, trip niya? ewan ko diyan" sabi ko, kaya pala may kakaiba sa itsura niya nung nakita ko siya kanina e, iba na kasi ang uniform, kapareho na ng kay Nicolo
"Pst oy!" Sigaw ni Gail kay Zyron
"Ano?" -Zyron
"Bakit ka lumipat? Ano pabalik balik lang?" Sabi ni Gail
"Loka loka, wag mo nang kausapin yan" bulong ko kay Gail
"Bakit? Hindi na ba ako welcome?" Sabi ni Zyron
Napairap nalang ako kahit hindi niya ako nakikita, nasa gitna kasi ako ni Zyron at Gail, nakaharap ako kay Gail at nakatalikod kay Zyron, tapos si magkaharap.
Ngumiti si Gail, parang nambibwisit na ngiti
"Welcome naman" sabi niya
"So... Pano ba yan.. nandito na ulit ako, so buo na tayo, friends na ulit?"
Napairap nanaman ako.
Naaasar talaga aki dito, baka hindi matapos ang araw na 'to nang hindi ko nasasapak 'tong taong 'to.
may nag bago sa kanya. Sobrang dami na yata. Parang ang yabang niya na magsalita, basta hindi naman siya ganto dati e.
"Depende..." sabi ni Gail
"Panong Depende?" -Zyron
"Depende, kasi marami nang nagbago" -Gail
"Hmmm? Oo nga, kasi dati Hindi kayo naiilang sa akin, feel ko yun na naiilang na kayo sa akin ngayon, kasi nga marami nang nagbago, parang si Hailey at Nicolo, dati mag bestfriends lang, ngayon sila na" sabi ni Zyron
Hinarap ko siya dahil naaasar na ako
"Ano naman ngayon kung kami na?" Sabi ko
Ngumiti siya "ang unfair"
napairap ako sa sinabi niya
"Siya hinayaan mong manligaw sayo, ako hindi?" ngumiti siya "sabi mo wag kitang madaliin yun pala nanliligaw na sayo si Nicolo"
"Hindi pa ba sayo malinaw ang lahat?" tanong ko "okay sige lilinawin ko, ayoko na sayo, si Nicolo ang mahal ko, hindi kita mahal, wala kang pag asa" kinuha ko yung necklace at inabot sa kanya " alam kong masakit yung sinabi kong mga salita pero sorry hinayaan mo akong sabihin yan sayo" sabi ko
Tumayo ako at nagulat ako sa nakita ko sa likod ko
bigla niyang hinawakan ang kamay ko "tara, recess na" sabi ni Nicolo
tumingin siya nang masama kay Zyron tapos hinila niya na ako palabas
"ina-ano ka ni Zyron? anong ginawa niya sayo?" Tanong ni Nicolo
"sasapakin ko yun, may ginawa bang masama sayo? may sinabi bang masama sayo?"Natawa ako sa sinabi niya
"Hahaha, wala, kinakausap lang ako" sabi ko
Grabe ang sweet niya naman, secured na secured siguro ako pag naging kami na. Siguradong sigurado na talaga ako kay Nicolo, pero siyempre hindi ko agad siya sasagutin, medyo patagalin lang natin ng onte hahaha.
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko "Hailey, lagi mong tatandaan, lagi lang akong nandito para sayo, ipagtatanggol kita lagi, akon'g bahala sa mga nang gugulo sayo, sabihin mo lang kung ginugulo ka niyan ni Zyron"
Feeling ko bigla akong namula sa sinabi niya"Oo na oo na!" Sabi ko
Ngumiti siya "lahat gagawin ko maprotektahan ka lang"
"Mahal na mahal kita Hailey, lagi mong tatandaan yan"
Asdfghjkl nicoloooooo!
Tumawa siya "mananahimik na nga ako, kinikilig ka nanaman sa kaloob looban mo e!"
"Oy anong--"
"Kinikilig ka Hailey! Namumula ka! Wag mo nang I deny" sabi niya
Natawa nalang ako
"Anong gusto mong kainin? Ako na magbabayad" sabi niya
"Nicolo! Ikaw na nga nagpa breakfast sa akin tapos pati kakainin ko sagot mo pa? Baka maubusan ka ng pera niyan!" Sabi ko
"Well, masanay ka na" sabi niya sabay hila sa akin sa mga tindang pagkain
"Anong bibilhin mo?" Tanong niya
"Burger nalang" sabi ko pero sa totoo lang burger, fries, sundae, shake at waffle talaga ang gusto ko
"Burger Lang? Sure ka?"
Tumango ako
"Tss, alam kong hindi lang yun ang gusto mo!" Sabi niya tapos hinarap niya yung tindera "ate burger, fries, waffle, sundae at shake nga po" sabi niya
"Uuuy! Nicolo bakit ang damiii?" Sabi ko, nakakahiya naman kasi e!
Ngumiti siya "akala mo hindi ko nababasa ang nasa isip mo? Alam kong yan yung mga gusto mo" sabi niya
Tapos biglang binigay na nung babae yung mga order ko at umupo na kami
"Nakakahiya naman Nicolo, ang dami ng binili mo sakin tapos burger at shake lang ang binili mo para sayo!" Sabi ko
Natawa siya "kelan ka pa nahiya sa akin?" Sabi niya
Natawa naman ako sa sinabi niya "Hoy ang sama mo ha!" Sabi ko
Ngumiti siya "joke lang" tapos nag peace sign
Ang cuuuuuute ang sarap gawing key chain!
"Sige na kumain ka na!" Sabi niya tapos kumain na ako
××××
"Byee Nicolo, thank you sa lahat lahat ha, ingat ka pauwi!" Sabi ko Kay Nicolo nang makarating kami sa bahay, hinatid niya kasi ako, kasi nga manliligaw ko na daw siya, hahaha.
Ngumiti siya "you're always welcome! Ikaw rin, ingat ka dito"
"Byee!" Sabi ko
"Byeee!"
"Ingat ka Nicolo!" Sabi ko
Ngumiti siya nang nakakaloko "oo naman, mag iingat ako para sayo" sabi niya
Natawa naman ako
"Sige na, umuwi ka na, baka hinahanap ka na sa inyo!" Sabi ko
Tapos naglakad na siya papalayo at pumasok na ako sa bahay namin
Pagkadating ko sa loob ng bahay umakyat agad ako sa kwarto ko at nag bihis, tapos humiga.
Ang sarap pala sa pakiramdam na special ka, pinaramdam naman sa akin yun dati ni Zyron, peri kakaiba yung kay Nicolo e, ewan ko kung bakit! Parang kakaiba yung pagmamahal niya, ang sweet lang.
-------------
Vote ang comment po! Thank youuuu!
BINABASA MO ANG
Complicated (McNella/JerNella/MarNella) [ON HOLD]
Fanfiction[on Going] I like Him He Likes Someone He Loves me I love him as a friend He Like me Before I like Him Before Ganto ba talaga ang love? sobrang complicated? (McNella / JerNella / MarNella) Fan Fiction