Chapter 22: Advice
H A I L E Y
Pakiramdam ko ang sama ng ginawa kong pagkausap kay Zyron, hindi ako pinapansin nung tatlo, pag nakakasalubong ko parang wala lang silang nakita, well si Nicolo expected kong ganun yun kasi nga layuan ko daw muna siya, e yung dalawa? anong problema nun? ang sarap ngang bugbugin ni Nikko kanina e, may pa irap irap pang nalalaman HAHAHAHHA PERO NABIBWISIT AKO
" eh totoo ba naman ba kasi na nagkikita kayo ni Zyron?" tanong sa akin ni Gail
" Hindi! yun lang yung akala ni Nicolo"
"edi iexplain mo kay Nicolo na hindi totoo yun!" - Lana
" eh pano? e layuan ko nga daw siya" sabi ko
ang hirap! ang complicated ng mga nangyayari!
alam ko na nagugulohan din naman sila Gail, alam ko naman na hindi nila ako masyadong maiintindihan, e ni ako nga naloloka na sa mga nangyayari sila pa kaya?
××××
May Journalism na naman kami, atttt medyo lutang ako ngayon, mali mali yung mga nagagawa ko, nakakainis naman kasi! bakit kailangan pang mangyari ang lahat ng 'to!
" Hey! may problema ka? " napalingon ako sa nagsalita sa likod ko, si Jian
ngumiti lang ako " ganun ba kahalata?"
tumango siya " parang wala ka kasi sa sarili e, problema saan ba yan? sa lovelife? sa family? friends? " tanong niya
" umm... friends? " sabi ko
ngumiti siya
" ako naman sa lovelife" sabi niya
hinarap ko siya
" bakit?" tanong ko
" well, hindi naman siya masyadong problema, medyo masaya pa nga e"
kumunot ang noo ko, ang gulo nitong taong to a!
natawa siya sa pagkunot ng noo ko
" ang gulo ko ba? naghiwalay kasi kami ng girlfriend ko"
bigla akong napangiti
teka? ba't ako napangiti? ano to? masaya pa ako kasi break na sila? oh Hailey! masyado kang napaghahalataan!
" anong masaya dun?" tanong ko
" Hindi ko na kasi siya mahal, may iba na akong mahal, kaya nakipag hiwalay ako, pero kasi... kahit hindi ko na siya mahal naaawa parin ako sa kanya kasi malungkot siya, nasaktan ko siya"
hindi na niya mahal yung babaeng nakita ko? YEEEEEEEES! ay hehehe.
Sino kaya yung tinutukoy niyang iba niyang mahal? possible kayang ako yun? hahahahaha
wag kang assumera Hailey!
pero kinikilig ako dito sa lalaking to! iniintindi parin niya yung feelings nung babae kahit hiwalay na sila! ang saya siguro maging boyfriend nito! ang swerte nung girl!
" ikaw? nagkaboyfriend ka na ba?" sabi ni Jian
" dapat... magiging boyfriend ko na sana siya kaso... iniwan niya ako" sabi ko
naalala ko nanaman tuloy yung kahapon, nakausap ko si Zyron, parang close parin kami, ganun parin, parang dati parin, naisip ko lang... nabasa kaya niya yung mga text ko sa kanya dati? wala lang... naisip ko lang.
" Grabe naman yun! bakit ka niya iniwan?" tanong niya
" hindi ko alam, inaalam ko nga e, pero parang napapasama pa... yun yung problema ko" sabi ko
" bakit naman? anong masama dun?" sabi ni Jian
sasabihin ko ba?
" secret lang natin ha?" sabi ko
" oo naman!"
"safe ba ang secrets ko sayo?" tanong ko
" oo! sobra, di ko pagsasabi promise! sa susunod may sasabihin din akong secret sayo!" sabi niya
" Hmm.. ano kasi e, yung bestfriend ko na lalaki, tawagin nalang natin siyang... N! si N feeling ko may kinalaman siya sa pagkawala ni Zyr-- ni Z! yung nang iwan sa akin.. kaya kinausap ko si N, tinanong ko siya... tapos nagalit siya, layuan ko na daw muna siya... tapos nakita ko si Z, kinausap niya ako... nagusap kami na parang close parin kami, parang nung dati parin, tapos biglang sumulpot si N sinapak si Z, akala niya nagkikita kami ni Z kaya natanong ko siya about kay Z, so yun, galit si N sa akin pati yata yung kinakapatid at pinsan ko, Nagugulohan ako sa mga nangyayari kaya lutang ako" sabi ko
grabe di ko inaasahan to na makakausap ko yung crush ko about sa problema ko
"baka naman may gusto din sayo si N, Tapos ayaw niyang malaman mo ang totoo dahil masasaktan ka" sabi ni Jian
" masasaktan? bakit naman"
"hmm... may pake ka pa ba kay Z?" tanong ni Jian
" Wala!" mabilis na sagot ko
" kasi Hailey... past is past, kung talagang wala ka nang pake kay Z bakit tinatanong mo parin siya kay N? bakit gusto mo paring malaman yung pagkawala niya? kung naka move on ka na sa kanya at wala ka na talagang nararamdaman dapat wala na lang sayo yung pagkaalis niya" sabi ni Jian
okay din to e! galing mag advice.
"Hailey matanong ko lang... sino ba ang gusto mo?"
" ikaw" mabilis na sagot ko
hala Omg nadulas ako
nakita kong natulala siya
" ah eh umm what I mean is... ikaw muna, sino munang gusto mo?" palusot ko
" si hmm... Ik-- basta!"
"edi hindi ko din sasabihin! basta wala sa kanilang dalawa!" sabi ko
" sure ka?" sabi niya
tumango ako
"sure na sure?"
tumango uli ako
"100 percent sure?"
"ang kulit mo! bakit ba?" sabi ko
" feeling ko kasi isa sa kanilang dalawa e"
ay...
BINABASA MO ANG
Complicated (McNella/JerNella/MarNella) [ON HOLD]
Fanfic[on Going] I like Him He Likes Someone He Loves me I love him as a friend He Like me Before I like Him Before Ganto ba talaga ang love? sobrang complicated? (McNella / JerNella / MarNella) Fan Fiction