Chapter 25 Wrong Decision
H A I L E Y
Buong Party kasama ko si Zyron kaya hindi na ako na bored, ang saya niya kasama e, nakakatuwa siya.
Halos tapos na ang party, nag sisiuwian na yung iba, si Ronnie at Nikko naman hindi ko alam kung nasaan na, nawawala na sila, e hindi nga yata alam nung dalawang yun na kanina pa umalis si Nicolo e.
bigla akong natigilan sa naisip ko, naalala ko nanaman si Nicolo, nasaan na kaya siya?
"Hailey oh!" sabi ni Zyron sabay abot sa akin ng Juice na nasa babasagin na baso
" thanks" sabi ko at kinuha yung baso, pero biglang dumulas sa kamay ko yung baso kaya nahulog sa sahig at nabasag.
" ay!" Napasigaw tuloy ako
" Oh Hailey, nako... wait, sandali lang ipapalinis ko 'to" sabi niya tapos may nilapitan naman siya na taga dito sa venue ng party, yung mga nag aayos ayos dito tapos nilinis niya yung natapon na juice at nabasag na baso
bigla naman akong kinabahan at biglang pumasok ulit si Nicolo sa isip ko.
" ah.. Z-Zyron nasaan na kaya si Nicolo? " tanong ko kinuha ko yung phone ko "wait lang... tatawagan ko lang siya ha"
pipindot na ako sa phone ko pero biglang hinawakan ni Zyron ang kamay ko
"wag na, I'm sure hindi ka rin nun kakausapin, mas mabuti na magkaayos kayo ng magkaharap, hindi via phone calls or text" sabi ni Zyron
sabagay, may point siya!
" ah Hailey, tara na uwi na tayo, ihahatid na kita"
tumango naman ako tapos nag paalam na kami kay Ysle at sumakay na sa kotse niya
nasaan kaya si Ronnie at yung pinsan ko? nako baka nagsasayawan pa yung mga yun!
Tahimik kami sa biyahe, radyo lang ang tanging ingay, at dahil gabi na, yung mga advice advice na yung mga nasa radyo.
nakinig nalang ako ng mga nagsasabi ng mga problema nila na tinutulungan ng DJ
"Dj, may problema po ako... kasi po, yung dati ko pong manliligaw na iniwan ako... bumalik po siya ngayon... at... gusto po ulit niyang manligaw.... ano po ang gagawin ko?" sabi nung babaeng tumawag sa DJ
napatingin naman ako kay Zyron, nakita kong nakangiti siya.
Parehas kami nung babaeng tumawag, medyo problema ko din yun, gawa nga ng sinabi kanina ni Zyron.
at ang awkward ha! ganyan pa yung pinapakinggan namin e ganyan din yung nangyari sa amin!
" mahal mo pa ba siya?" tanong nung DJ
"hindi ko po alam, di ko maintindihan yung nararamdaman ko"
nakoooo pareho kami ng nararamdaman! siguro kung hindi kami nagkasama ni Zyron ngayon at narinig niya 'to baka akalahin niyang ako yung tumawag!
" masaya ka ba pag nakikita mo siya? masaya ka pa ba pag kasama mo siya--?" - DJ
"opo" sabi nung babae.
ganun din naman ako, masaya ako pag kasama ko sk Zyron, ibig sabihin ba nun na mahal ko pa siya?
"gusto mo bang bumalik siya ulit sa buhay mo?" tanong nung DJ
ako ba? gusto ko ba?
"opo"
"well, gusto mo nga siya, matanong ko lang, bakit ka ba niya iniwan dati?"
BINABASA MO ANG
Complicated (McNella/JerNella/MarNella) [ON HOLD]
Fiksi Penggemar[on Going] I like Him He Likes Someone He Loves me I love him as a friend He Like me Before I like Him Before Ganto ba talaga ang love? sobrang complicated? (McNella / JerNella / MarNella) Fan Fiction