Chapter 21 Reunion

35 8 2
                                    

Chapter 21: Reunion

N I C O L O

"suus! ano bang pag uusapan natin? ang seryoso mo sa text ah!" sabi ni ko, ang saya ko at nakausap ko na ulit si Hailey.

nakita kong biglang sumeryoso ang mukha ni Hailey

"hmm. about sana kay.... uhm... Z-Zyron?" sabi niya

napayuko naman ako, bakit kailangang pagusapan yung taong yun?

"anong meron sa taong yun?" sabi ko

"may alam ka ba sa pagkaaksidente niya?  hmm... sa pagalis niya?" tanong niya

nagulat naman ako sa sinabi niya.

pano neto nalaman na naaksidente si Zyron?

"sinong may sabi sayo na naaksidente siya?"

"si Jian" - Hailey

tumingin lang ako sa malayo,  close na sila nung lalaking yun? kelan pa? 

tss. tatanga tanga kasi ako e! may nalalaman pang hindi pagpansin kainis.

"anong sabi nung lalaking yun sayo?"

"y-yun nga, naaksidente daw si zyron.. k-kaya ba siya nawala dahil dun?"

unti unti akong tumango

"a-alam mo ang tungkol doon? p-pano mo nalaman?"

" bakit hindi mo sinabi?"

"k-kelan mo pa nalaman?"

sunod sunod na tanong ni Hailey sa akin.

ang kulit naman talaga nito, 

unti unting pumatak ang luha ko
niya.

bakit? mahal pa ba niya si Zyron?

"hindi na importante yun" sabi ni ko

"Nicolo bakit ba lagi nalang hindi importante pagdating kay Zyron? ha? Nicolo kaibigan ko din naman yun... d-dati, wala ba akong karapatan na ma---"

hindi ko siya pinatapos sa pag sasalita niya

patay, galit na siya

" wala, ayaw kong masaktan ka"

" ayaw mo akong masaktan? Hindi mo ba alam na nasasaktan mo na ako sa mga ginagawa mo? hindi mo ba alam na masakit para sa akin na yung bestfriend ko naglilihim sa akin tungkol sa bagay na dapat alam ko din? nagugulohan ako Nicolo,  alam mo minsan naiisip ko na baka may kinalaman ka sa pagalis niya e!"  -Hailey

napatayo ako, ayun lang ba yung nagpapasakit sa kanya?

" Hindi mo din ba alam na nasasaktan mo din ako sa ginagawa mo? hindi mo ba alam na masakit para sa akin na pagisipan mo na ginawa ko ang bagay na 'yan?  hindi mo ba alam na nasasaktan din ako?"

hindi mo ba alam na masakit para sa akin na isipin na baka may gusto ka pa kay Zyron? hindi mo ba alam na masakit para sa akin na kwentohan mo ako tungkol dun sa crush mong si Jian?  hindi mo ba alam na masakit para sa akin na ituring mo akong bestfriend lang? hindi mo ba alam na masakit para sa akin na hindi mo ako gusto?

" N-Nicolo! hindi ko naman sinasadyang magisip ng ganun e, pero dahil sa mga kilos mo kasi --"

"Mahal mo pa ba si Zyron? " biglang tanong ko

hindi ko alam kung bakit biglang lumabas sa bibig ko ang salitang yun, siguro sa inis na lang.

Hindi siya nakapagsalita, natahimik siya.

tss. silence means yes.

ngumiti nalang ako,  fake smile.

" siguro mabuti kung wag muna tayong magusap" sabi ko

hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun, siguro dala nalang ng inis, lungkot, asar.

naglakad nalang ako papalayo

"Nicolo! " narinig kong sigaw niya, gusto ko siyang tignan pero hindi ko magawa

naglakad nalang ako nang naglakad, hanggang sa may umakbay sa akin

" kamusta pag amin? anong sabi niya?"

" anong nangyari sa inyo ng pinsan ko? Nicolo uso magkwento "

sabi ni Ronnie at Nikko

dapat kasi aamin na talaga ako  kay Hailey ngayon, tapos yun pa yung nangyari nakakainis lang.

biglang tumulo yung luha ko, kainis! parang bakla lang.

" huy! anong nangyari sayo? nababakla ka na?" sabi ni Nikko

"magkwento ka kasi! bakit ka ba umiiyak?" - Ronnie

" wala to, nalulungkot lang" sabi ko

" Binasted ka? " sabay na sabi nila

" hindi naman ako umamin e, pero parang ganun na rin, parang Basted na rin" sabi ko

" bakit? anong pinagusapan niyo?" tanong nila

"yung pagkawala ni Zyron... kung ano anong iniisip niya" sabi ko

" ah... napagusapan din namin si Zyron nung isang araw e" sabay na sabi nilanh dalawa

"ano?" tanong ko

ibigsabihin iniisip niya talaga yung pagkawala ni Zyron? e bakit naman?

" saglit lang babalikan ko si Hailey" sabi ko

Tumakbo  ako papunta sa Garden ng School pero nagulat ako sa nakita ko

si Hailey at Zyron... magkasama

agad ko namang nilapitan si Zyron at sinuntok

" Grabe ka talaga Zyron! " sabi ni ko

ang bilis mo Zyron!

tumayo naman si Zyron

"ano bang problema mo!" sigaw ni Zyron

tumingin  ako kay Hailey " kaya ka ba magtatanong tungkol sa lalaking yan dahil nagkikita kayo? ha?!" malakas na sabi ni ko

bigla naman akong  binawian  ng suntok ni Zyron

" Bakit! ano bang masama nang paguusap namin?  e hindi ka naman pala niya Boyfriend" sabi ni Zyron

susuntokin ko pa dapat si Zyron pero may humawak sa akin

"Tama na pare" sabi ni Ronnie

" tara na umuwi na tayo" sabi ni Nikko

tumingin ako ng masama kay Zyron

" hindi pa tayo tapos" sabi ko

hinila na ako ni Ronnie at Nikko.

Nakita ko si Hailey nakatulala lang, tss, parang hindi niya alam yung nangyari sa paligid niya. Hindi siguro niya alam kung sinong kakampihan niya.

" Halika na Hailey! " sigaw ni Nikko at sabay hila sa kanya papalayo.


ano ba naman 'to parang reunion namin, natawa nalang ako sa naisip ko.

Complicated (McNella/JerNella/MarNella) [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon