Chapter 24 Party
H A I L E Y
Birthday ni Ysle ngayon, at hindi ko inaasahan na iimbitahin niya ako, hindi na nga lang ako dapat pupunta e, kasi alam mo na baka ma OP lang ako dun! hindi kasi invited sila Gail, Lana at yung iba ko pang Kaibigan, pero nandun naman si Nikko, Ronnie at Nicolo pero diba nga parang galit yung mga yun sakin? well si Nicolo galit talaga, ewan ko nalang dun sa dalawa.
Hinatid na ako sa Venue, ako lang magisa.
Pagkadating ko nakita ko agad si Ysle
" Hi! Happy birthday" sabi ko
bumeso naman siya sa akin
" Thanks! tara punta na tayo doon" sabi ni Yslengumiti naman ako tapos naglakad na kami papunta sa isang table.
at. kung. minamalas. ka. nga. naman. e. sila. pa. yung. ka. table. mo.
" ayaaan! she's here na! kumpleto na!" masayang sabi ni Ysle, pero yung tatlo parang wala lang sa kanila
ngumiti nalang ako, nakita kong tumigin si Nicolo tapos nag cellphone na ulit
umupo na ako tapos umalis na din si Ysle.
Maya maya nag start na yung party, kainan na, pero wala pa ring nagsasalita ni isa sa table namin.
Tumingin nalang ako sa paligid, nakita kong nandito din yung mga pinsan ni Ysle, tapos yung mga kaibigan niya siguro sa dati niyang school, yung sa apat na table mga babae ang nakaupo tapos yung katabi nilang tatlong table ay mga lalaki naman, tinignan ko yung mga kaibigan niya, parang si Ysle din, kung titignan mo sila e parang mga kaugali din ni Ysle. Tinignan ko naman yung table ng mga lalaki, matatangkad sila, parang mga basketball player, tapos nakita kong nandito din yung ibang mga nakalaban nila Nicolo nung naglaban ang school namin at ang SBC ng basketball.
Biglang nagsitayuan yung mga lalaki at nagsalita
" Oh Zyron! Late ka! hahahah" narinig kong sabi nung isang lalaki.
Zyron?
sinundan ko ang tingin nila at....
si Zyron nga, Zyron Mortel.
" Tsk!" narinig kong sabi ng kaharap kong si Nicolo
tinignan ko lang siya, tapos tinignan lang din niya ako.
pano ba ako makikipagbati sa taong 'to?
ang tagal na naming magkaibigan ni Nicolo pero ngayon lang kami nag away ng ganto, yung talagang hindi nagpapansinan ng matagal at iniiwasan pa ako, pag nag aaway kasi kami yung mga away bata lang, tapos pag nagkatinginan kami matatawa lang kami tas bati na, pero minsan bigla bigla lang 'tong hindi namamansin, pero wala lang yun. Pag pinansin niya na ako bati na kami.
Bigla namang nagpatugtog ng malakas yung DJ kaya nagingay sila lalo, tapos may mga sumasayaw sayaw na.
Debut ito ni Ysle, pero gusto niya puro mga kaibigan lang yung nandito at yung mga pinsan niya, kaya wala kaming kasamang magulang, ayaw din niya ng Debut talaga na may mga 18 wishes, 18 roses, 18 chuchuchuchuchu basta ganto lang ang gusto niya, kainan, sayawan, kantahan.
Lumingon naman ako sa may gilid at nakita kong may photo both doon, gusto ko sana mag ganon, kaso wala naman akong kasama!
Kumain lang ako nang kumain tapos pinanood ko na yung nagsasayawan doon sa gitna
"Tara sayaw tayo! woooooooh!" sabi ni Nikko
Finally! may nagsalita na din sa Table namin!
ngumiti si Ronnie ng nakakaloko
" Tara! bilissss!" sabi ni Ronnie
BINABASA MO ANG
Complicated (McNella/JerNella/MarNella) [ON HOLD]
Fanfiction[on Going] I like Him He Likes Someone He Loves me I love him as a friend He Like me Before I like Him Before Ganto ba talaga ang love? sobrang complicated? (McNella / JerNella / MarNella) Fan Fiction