Chapter 32 Love

35 3 4
                                    

Chapter 32 Love

H A I L E Y

"Hailey!" May tumawag sa akin na may pamilyar na nakaka inis na boses.

Si Jian

"Ano? Nagpapalakad ka sa kaibigan ko?" Tanong ko

"Hailey, hindi naman kasi ganun ah eh ganto kasi yun s--"

"Kung ano man yung tinutukoy mo na hindi ko maintindihan ayoko nang marinig at  malaman pa" sabi ko sabay lakad papalayo pero hinila niya ako

"Hailey... sorry tulungan mo ako kay Lana" sabi niya

"Jian diba nagka girlfriend ka na? So malamang nanligaw ka na dun sa babaeng yun, bakit kailangan mo pa ng tulong ko? Eh ako nga tong babae na walang ka alam alam kung pano manligaw ako tong tinatanong mo!"

"Eh Hailey kasi siyempre diba kaibigan mo yun... please tulungan mo ako"

"Hindi na, ayoko, ayokong sa katulad mo magkagusto si Lana, ayokong magkaroon siya ng boyfriend na ganyan ang ugali, mamaya lokohin mo pa yun e! Mamaya may balak ka nanaman" sabi ko sabay umalis na

Pasalamat tong taong to at wala si Nicolo ngayon, nauna na kasi siyang umuwi, pumunta siya kila Nikko, si Gail at Lana naman pauwi na din, ako na lang mag isa ang naglalakad ngayon kasi nga iba ang way ng bahay ko.

Tumigil na ako sa sakayan ng jeep pero wala paring jeep.

"Hailey!" Biglang may tumawag at kumalabit sa akin

"Oh! Z-Zyron" bati ko

Bakit bigla bigla na lang tong sumusulpot?

"Pauwi ka na ?" Tanong niya

Ngumiti ako "oo, ikaw?"

"Hindi pa, may dadaanan lang akk tapos uuwi na din" sabi niya at ngumiti

Ngumiti na lang din ako tapos napatingin siya sa leeg ko.

"Hmm buti nagustohan mo" sabi niya

Suot suot ko kasi yung bigay niyang necklace

"Oo, ang ganda kaya!" Sabi ko

"Ang tagal bago mapunta sayo yang necklace na yan, akala ko hindi ko na mabibigay sayo yan e" sabi niya "buti naibigay ko pa sayo, buti tinanggap mo at nagustohan mo"

"Hmm alam mo naman ako, kahit ano naman tinatanggap ko" sabi ko

"Eh hmm kung ako ba? Kung gusto kong bumalik sa buhay mo....tatanggapin mo ba ako? Magugustohan mo ba ako?" Tanong niya

Bigla yatang sumakit yung ulo ko sa tanong niya, kasi nga naguguluhan ako.

"Ah Zyron, tinanggap naman kita ulit eh... diba nga magkaibigan ulit tayo"

Bigla siyang napayuko

" eh hindi naman kasi yun eh... yung tanong ko... ang tagal ko na yung tinanong... pwede ba akong manligaw? Ulit?"

Napaiwas ako ng tingin sa kanya, minamadali niya ako, mas pinapagulo yung feelings ko, naiinis ako sa kanya na ewan.

Two years siyang nawala, iniisip niya ba na pag bumalik siya walang magbabago sa nararamdaman ko? Ang tagal nung two years ha! Ang daming pwedeng manyari sa two years na yun! Ang daming pwedeng mabago.

"Hailey?" Tawag niya ulit

"Zyron naguguluhan ako... hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko"

Ngumiti siya ng bitter na ngiti

" Mahal mo na si Nicolo ano?" Tanong niya

Hindi nanaman ako nakasagot

"Hailey... umasa ako... umasa ako na pag balik ko ako parin, bakit siya na?" Sabi ni Zyron

"Ang tagal mong nawala! At habang wala ka siya ang nakasama ko! Iniisip mo ba na walang pwedeng mabago sa two years? Ang tagal nun Zyron! Tapos babalik ka na akala mo walang nangyari!" Sabi ko

"Hailey si Nicolo ang dahilan ng pagkawala ko!"

Napatahimik ako sa sinabi niya

"Hailey siya ang may kasalanan ng lahat, siya ang dahilan ng pagkawala ko! Hailey bakit siya pa yung kailangan mong mahalin? Bakit hindi nalang ako? Hailey mag isip isip ka" sabi niya

Hindi ko alam kung anong isasagot ko kaya umalis na lang ako

Buti nakasakay ako agad ng jeep, nakatulala lang ako sa buong biyahe, at pagbaba ko sa gate ng Village namin sakto nakita ko si Nicolo

"Hailey! Okay ka lang? Bakit ka tulala?" Tanong niya

"Nicolo naguguluhan ako, Nicolo hindi pa ba bumalik yung ala ala mo?" Tanong ko

Tinitignan niya yung mga mata ko, hindi ko alam kung bakit biglang bumilis yung tibok ng puso ko, parang siya lang yung nakikita ko, hindi ko na nakita yung nasa paligid ko, parang kaming dalawa lang ang tao dito, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa sasabihin niya.

"Hindi pa, pero ang alam ko lang ay ikaw yung babaeng mahal ko" sabi ni Nicolo

Nanigas yata ako sa sinabi niya, hindi ako makagalaw, at hindi bumubukas yung bibig ko para magsalita.

Anong sinabi niya? Mahal niya ako?

"Nung nakita kita sa ospital... hindi kita matandaan pero biglang bumilis yung tibok ng puso ko, nararamdaman ko agad na ikaw yung babaeng mahal ko"

"Bawat araw na kasama kita, bawat araw na nakikita kita, bawat araw na nag kukwento ka sa mga nakalimutan ko, mas lalo akong nagkakagusto sayo"

"Naisip ko na ikaw nga talaga, ikaw nga ang babaeng mahal ko"

" Hailey... Mahal kita" sabi ni Nicolo

Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko parang kulang na lang lumabas na siya.

"Mahal din kita Nicolo" 

Yun lang ang tanging nasabi ko hindi ko alam kong paano ko yun sinabi, basta lumabas na lang sa bibig ko, siguro yung puso ko na ang nagsalita para sa akin.

Bigla lang niya akong niyakap, hindi nanaman ako makagalaw.

"Akala ko noon girlfriend kita, pero sabi mo magkaibigan lang tayo, pero naisip ko na kung magkaibigan lang talaga tayo, bakit kakaiba yung nararamdaman ko pag napapangiti kita?"

"Dun ko naisip na mahal nga talaga kita" sabi niya nang nakayakap sa akin

"I love you Hailey, ang saya ko na marinig mula sayo na mahal mo din ako"

Sabi niya na sobrang magpakilig sa akin.



Complicated (McNella/JerNella/MarNella) [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon