Chapter 20: Reunited

40 6 0
                                    

Chapter 20  Reunited

H A I L E Y

"a-alam mo ang tungkol doon? p-pano mo nalaman?"

" bakit hindi mo sinabi?"

"k-kelan mo pa nalaman?"

sunod sunod na tanong ko sa kanya

unti unting pumatak ang luha ko
hala? anong nangyayari sa mata ko?

"hindi na importante yun" sabi ni Nicolo

"Nicolo bakit ba lagi nalang hindi importante pagdating kay Zyron? ha? Nicolo kaibigan ko din naman yun... d-dati, wala ba akong karapatan na ma---"

hindi ako natapos sa pag sasalita ko

" wala, ayaw kong masaktan ka" - Nicolo

" ayaw mo akong masaktan? Hindi mo ba alam na nasasaktan mo na ako sa mga ginagawa mo? hindi mo ba alam na masakit para sa akin na yung bestfriend ko naglilihim sa akin tungkol sa bagay na dapat alam ko din? nagugulohan ako Nicolo,  alam mo minsan naiisip ko na baka may kinalaman ka sa pagalis niya e!"  sabi ko

napatayo siya

" Hindi mo din ba alam na nasasaktan mo din ako sa ginagawa mo? hindi mo ba alam na masakit para sa akin na pagisipan mo na ginawa ko ang bagay na 'yan?  hindi mo ba alam na nasasaktan din ako?" - Nicolo

" N-Nicolo! hindi ko naman sinasadyang magisip ng ganun e, pero dahil sa mga kilos mo kasi --"

"Mahal mo pa ba si Zyron? " biglang tanong niya

Hindi ako nakapagsalita,  walang lumalabas na salita sa bibig ko, nawalan ako ng boses, at hindi ko rin alam ang isasagot ko.

ngumiti siya, fake smile.

" siguro mabuti kung wag muna tayong magusap" sabi ni Nicolo sabay lakad papalayo

"Nicolo! " sigaw ko, pero dirediretso lang siya sa paglalakad hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

napaupo nalang ako, hindi ko alam kung makakapaglakad pa ba ako, kung makakaalis pa ba ako sa pwesto ko, ang ginawa ko nalang ay umiyak nang umiyak, grabe ang sakit para sa akin na marinig yun galing sa kanya.

Nakatingin lang ako sa malayo, parang wala ako sa sarili, buti na lang wala masyadong tao dito kaya wala masyadong nakakakita sa akin.

" Mukhang may problema ka yata"

lumingon ako sa sobrang pamilyar na boses na narinig ko, may inaabot siyang panyo sa akin.

hindi ko kinuha yung panyo niya, kinapa ko na lang yung bulsa ko, pero wala akong nakakapang panyo

medyo natawa siya sa ginawa ko
" wala kang panyo, eto nalang" sabi niya

tinignan ko siya, nakangiti siya,  kinuha ko yung panyo, at pinunasan na yung luha ko

" hindi bagay sayo yung umiiyak, hindi rin ako sanay na umiiyak ka, sanay ako na masaya ka" sabi niya

" ano bang nangyari? " tanong ulit niya

" makikinig kang ako, pagagaanin ko ang loob mo" sabi niya

tinignan ko lang siya

"So ikaw pa talaga ang mag co- comfort sakin Zyron?" sabi ko nang nakangiti

tumawa din siya

" ayaw mo?" - Zyron

" nag away kami ni Nicolo "  sabi ko

yumuko siya " part yan ng isang relationship,  siyempre minsan mag aaway talaga kayo ng boyfriend mo, hindi mo maiiwasan yan" sabi niya

boyfriend? hahaha  natawa tuloy ako sa sinabi niya

"HAHAHA grabe! baliw ka parin pala Zyron! HAHAHA HAHAHAHAH "

tumingin ulit siya sa akin

"anong nakakatawa sa sinabi ko?" tanong ni Zyron

" ang seryoso mo kasi masyado, tapos... sabi mo boyfriend ko si Nicolo" sabi ko

" b-bakit? hindi ba?" sabi ni Zyron

" hindi,  bestfriend lang" sabi ko

Grabe,  hindi ko inaasahan na magiging ganto ako ka- comfortable kay Zyron after two years... after nung nangyari...

" ah, akala ko kasi kayo e" sabi niya

"hindi ako gusto ni Nicolo..." sabi ko

" kamusta ka na?" sabi niya

" okay lang naman ako... pero sa totoo lang ngayon hindi, nagugulohan sa mga nangyayari sa paligid ko, hahaha... ikaw?" sabi ko

" okay lang din... na medyo hindi... nagugulohan din sa nangyayari sa paligid ko, hahahaha " sabi niya

ngumiti ako, gusto ko sanang tanungin kung bakit pero nakakahiya
naman

" hmm... a-ah sa SBC ka na pala nag aaral" sabi ko

ngumiti siya " oo, dapat nga dito e" sabi niya

" ah, e bakit hindi dito?" sabi ko

tumingin siya sa akin

" eh kasi... ---- aw!"

nagulat ako nang biglang makita ko si Zyron sa sahig, nakahiga at si Nicolo na nakatayo malapit sa kanya

" Grabe ka talaga Zyron! " sabi ni Nicolo

tumayo naman si Zyron

"ano bang problema mo!" sigaw ni Zyron

tumingin si Nicolo sa akin " kaya ka ba magtatanong tungkol sa lalaking yan dahil nagkikita kayo? ha?!" malakas na sabi ni Nicolo

Nagulat naman ako nang biglang bawian siya ng suntok ni Zyron

" Bakit! ano bang masama nang paguusap namin?  e hindi ka naman pala niya Boyfriend" sabi ni Zyron

susuntokin pa dapat ni Nicolo si Zyron pero buti biglang dumating si Ronnie at Nikko,  pinigilan nila si Nicolo

"Tama na pare" sabi ni Ronnie

" tara na umuwi na tayo" sabi ni Nikko

tumingin ng masama si Nicolo kay Zyron

" hindi pa tayo tapos" sabi niya

hinila na siya ni Ronnie at Nikko, pero akk nakatulala lang.

" Halika na Hailey! " sigaw ni Nikko at sabay hila sa akin papalayo.




Reunion ba namin'to?

-------------------------

Vote and Comment!  Thank youuuu!

Complicated (McNella/JerNella/MarNella) [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon