Chapter 4 : Zy

67 11 2
                                    

Chapter 4 : Zy

N I C O L O

Nandito na kami sa Gym, nag uusap usap kami ng mga team mates ko. Sabi sa akin kahapon ni Hailey sila daw ni Lana yung kukuha ng pictures ng game.

Nang makita ko sila ni Lana lumalit ako sa kanila.

"Hailey! kayo pala ni Lana ang kukuha ng pictures ng game!" nakangiti kong sabi.

"oo, good luck sa game niyo mamaya ha! sana manalo kayo! galingan mo!" nakangiting sabi ni Hailey, sheet! kinilig naman ako

"Thank you! gagalingan ko talaga para sayo" nakangiti kong sabi.

Bigla kaming napatingin sa mga pumasok sa Gym.

"sila yung makakalaban niyo?" -sabi
ni Lana

"oo, sila" sabi ko

"St. Bernard College?" - sabi ni Lana

"Oo" -sagot ko

"Galingan niyo kaya niyo yan kahit nagagaling yang mga yan!" - Lana

magagaling kasi yung mga yan, lalo na si Zyron.

"Hahahah thanks, sana nga manalo kami"

tinignan ko si Hailey, tingin siya nang tingin sa Mga kalaban namin, tsk, hinahanap nito si Zyron, ano yun gusto pa niya yung lalaking yun?

"ah sige Hailey, Lana punta na ako dun"

tumango lang sila tapos umalis na ako

"galingan mo!" sigaw ni Hailey nang medyo nakalayo na ako, lumingon naman ako tapos nag thumbs up.

nagpunta na kami sa gitna , magsastart na yung game.

Nakita ko si Zyron, nag smirk siya.

Si Zyron, Classmate namin siya nung grade 10, may gusto kay Hailey, may gusto siya kay Hailey, at dahil kaibigan ko siya at kaibigan ko si Hailey, nanghingi siya sa akin ng tulong kung paano siya makakaamin kay Hailey, siyempre tinulungan ko, bestfriend ko e atsaka alam kong gusto din siya ni Hailey.

Umamin siya kay Hailey, tapos nanligaw siya, tumutulong parin ako, pero parang may mali, kasi habang tumutulong ako parang unti unti na din akong nagkakagusto kay Hailey.

Oo gusto ko si Hailey.

Isang araw bigla nalang hindi pumasok si Zy, nalaman nalang namin nag transfer na pala siya, grabe, wala manlang pasabi, kahit kay Hailey wala, sobrang nalungkot nga si Hailey nun eh, pano, iniwan nalang siya bigla. Hindi namin non alam kung saan siya lumipat, tapos last year bigla nalang may nagsabi sa amin ni Hailey na sa SBC na siya nag aaral.

Kaya kung balak pa niyang bumalik sa buhay ni Hailey, kung manliligaw siya ulit, hindi ko hahayaang gawin niya yun, hindi ko hahayaang mangyari yun.

2nd Quarter na ng laro, nagpuntahan kami sa may Bleachers, uminom muna kami ng tubig.

"Huy, andiyan si Zy ah!" sabi ni Paulo

"Oo nga, hayaan mo siya" sabi ko

"mukhang nagbabalik, anong balak mo? kilos na, ligawan mo na si Hailey, baka maunahan ka pa"

"tss. di Mangyayari yun"



H A I L E Y

"WOOOOOH!" sigaw ng mga ka schoolmates ko dito sa gym, nanalo kasi Sila Nicolo.

"Yes! buti nalang na injured si Zyron! hahaha kung hindi baka sila pa yung nanalo! - Lana

"Baliw! sama mo!" sabi ko

"sus! hahahah ano 'to may pake ka pa kay Zy? pagkatapos kang iwan nun!"

"wala! Hay nako tara na nga Lana!"

maya maya lumapit si Nicolo nakabihis na siya, naka tshirt na siya pero naka basketball shorts parin.

Bigla niya akong niyakap

"congratulations Nics!" sabi ko

"thank you Hailey, sabi mo kasi galingan ko e"

ngumiti ako.

Nakayakap parin siya sa akin, napatingin ako sa may gilid kasi parang may naka tingin sa amin.

pagtingin ko nagulat ako sa nakita ko, si Zyron.

"I Love you Hailey" sabi ni Nicolo

at dahil nakatingin ako kay Zyron hinid ko narinig yung sinabi niya, plus ang ingay pa dito sa gym

"hindi ko narinig, ano ulit?" sabi ko

"hahah, wala, hintayin mo ako diyan ha! diyan lang kayo ni Lana, ihahatid kita sa inyo, kukunin ko lang yung gamit ko sa locker room.

tumango ako sa kanya, kaya nagtatatakbo na siya.

Lumingon ulit ako sa gilid.

Nandun parin si Zyron. Papalapit siya sa amin.

"Kamusta na Lana?" sabi niya.

"okay lang" sabi ni Lana tapos napatingin si Lana sa akin kaya umiwas ako nang tingin.

" dito ka parin pala nag aaral"
- sabi ni Zyron.

ay hindi ba obvious Zyron?

"oo, dito parin, kami nila Gail, Ni Hailey ni Nicolo, pati yung iba pa." -Lana

hay nako Lana wag na wag mo kong masali sa usapan niyo!

Nicolo dumating ka na please!

Maya maya nakita kong tumatakbo si Nicolo papalapit sa amin

"Tara na Hailey, iuuwi na kita sa inyo" sabi niya

lumingon naman siya kay Zyron

"Congratulations sa inyo Nicolo" sabi ni Zyron

"Thank you Zyron"

ang seryoso nila,parang hindi bestfriends dati.

napatingin aa akin si Zyron

"sige, una na kami" sabi ni Nicolo.

"sige, ingat" -Zyron

"sige Zyron sabay na ako sa kanila, bye" sabi ni Lana kaya umalis na kami.

bigla namang sumulpot sa tabi namin si Gail

"congrats Nicolo! buti nakang na injured si Zy! hahaha" -Gail

"Hahahah baliw!" sabi Ni Nicolo.

pero Nakakamiss din yun si Zyron, dati kasi sobrang ka close ko yun, parang mas close ko pa nga siya dati kesa kay Nicolo, nung nawala lang si Zyron saka kami naging sobra sobrang close ni Nicolo.





Complicated (McNella/JerNella/MarNella) [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon