Chapter 33: I Love You
H A I L E Y
Ganun pala ang pakiramdam ng gusto ka ng taong gusto mo.
Hindi ko naisip na gusto ko na din pala si Nicolo, bigla ko nalang yung naramdaman.
Bigla nalang nagsalita yung puso ko magisa.
Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala sa nangyari kanina, isang oras na din yata akong nakahiga sa kama ko pero hindi parin ako makatulog, sobrang bilis ng tibok ng puso ko at naaalala ko parin yung nangyari kanina, parang bawat salita na sinabi niya kanina nakabisado ko na, parang hindi na maalis sa isip ko yung pangyayari kanina, tapos marinig ko lang yung pangalan niya, mabasa ko lang yung pangalan niya, makita ko lang yung picture niya bigla nang nagwawala yung puso ko, nakakabaliw pala talaga to! Kainis!
.....pero masaya hahaha
Nung umuwi ako kanina bigla ko na lang pinaghahagis yung mga unan ko, bigla kong hinampas yung pader, nagpagulong gulong sa kama at tumalon talon sa kama, mukha akong baliw tapos nung bumalik yung katinuan ko, inayos ko na yung kwarto kong binagyo dahil kay Nicolo.... bagyong Nicolo na ang lakas ng hagupit!
Umupo na lang ako sa kama dahil hindi talaga ako makatulog dahil kay Nicolo, kinuha ko yunh phone ko at tinignan ang oras
12:40 am
Halaaaaa! 12:40 na? Grabe ang tagal ko na palang nakahiga aa kama! Lagpas isang oras na pala! 10:00 pm kasi ako humiga sa kama ko, tapos hindi na ako makatulog.
Pinindot ko yung wifi sa cellphone ko, para maka connect ako sa wifi namin.
Nag twitter na lang ako, nag scroll scroll na lang ako.
Aalisin ko lang saglit si Nicolo sa isip ko para makatulog ako
Okay na sana e, kaso nakakainis tong nabasa ko sa twitter
@xxxxxx : Hindi ka makatulog kasi iniisip mo siya
@xxxxxx : Hindi ka makatulog kasi iniisip mo kung iniisip ka niya
@xxxxxx : Hindi ka makatulog kasi hinihintay mo ang text niya
@xxxxxx : Hindi ka makatulog kasi hinihintay mo ang tawag niya
Oo nga no? Bakit kaya hindi ako tinetext at tinatawagan ni Nicolo after nun? Hindi nanaman ba niya ako papansinin? Ayoko!
Bumalik ako sa katinuan ko at nawala ang pagkatulala ko nang biglang mag vibrate ang phone ko
From: NicoLOLO
Hey? Gising ka pa?Napangiti naman ako agad
Kinilig nanaman ako! Kainis
To: NicoLOLO
yesFrom: NicoLOLO
Bakit? Naghihintay ng text ko? HahahahNapangiti naman ako sa text niya.
Ano bang meron kay Nicolo at simula nung naaksidente siya ay nagkaganto na siya? grabe magpakilig! Siguro Puno ng kasweetan yung na bangga niyang Puno tapos nahawa siya, hahaha baliw
To: NicoLOLO
Ang kapal ha! Hindi kaya!Sabi ko, siyempre medyo pakipot pa kahit umamin na din ako sa kanya, hindi pa naman kami e.
From: NicoLOLO
But... you told me you love me.Hala? Englishero na siya, anong nangyari dito?
To: NicoLOLO
Bwisit ka matulog ka naFrom: NicoLOLO
I can't sleep, gusto siguro kitang makitaAyan nanaman! Bwisit!
To: NicoLOLO
Magkikita kaya tayo bukas sa school!From: NicoLOLO
Susunduin kita bukas sa inyoPanliligaw na ba 'to? Hay kainis naman tong mga naiisip ko
To: NicoLOLO
Hmm okayFrom : NicoLOLO
Yes! Good MorNight! Mag sleep ka na!To: NicoLOLO
Okay, Good MorNight! Mag sleep ka na dinSabi ko, tapos hindi na siya nag reply pa, kaya binitawan ko yung cellphone ko, nilagay ko na sa may gilid ko tapos humiga na ako ng maayos at pinikit ang mata.
Napadilat ulit yung mata ko nang marinig kong may tumatawag sa akin sa cellphone ko
NicoLOLO Calling...
Bigla akong napabangon sa nabasa ko, nag ayos ayos ng buhok at umayos ng upo, mukha akong tanga diba? May pa ayos ayos pa ng buhok e di naman ako makikita ni Nicolo!
Sinagot ko na ang tawag ni Nicolo
"Hello? Nicolo?"
"Hello Hailey"
"Bakit ka napatawag? Matulog ka na uy! Umaga na!"
"I need to tell you something...."
"Ano yun?"
"It's important"
"Aba Englishero ka na talaga ha! Ano nga!" -nagsusungit sungitan para maitago ang kilig!
" I love you" bigla akong natigilan sa sinabi niya
I love you daw? Omg I love you daaaaw! Anong sasabihin ko?
"Hmm..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang nag end yung call, haaaay buti na lang
Maya maya nag text siya
From: NicoLOLO
Wag kang ma pressure, hindi naman ako humihingi ng sagot dun sa I love you ko, hindi pa naman tayo e, bawi ka nalang pag tayo na hahahaha, And BTW kaya ako tumawag kasi mas maganda kung naririnig mo hindi yung nababasa mo lang... sige goodnightBwisit to si Nicolo! Baka hindi nanaman ako makatulog sa kilig! Nakakainis! Pero nakakatuwa hahahaha
Maya maya may tumawag nanaman
NicoLOLO Calling....
Sinagot ko agad kahit kinikilig pa ako
" Good mornight sleep ka na! I love you"
End call
Ay hindi manlang ako pinagsalita! Pinarinig lang yung I love you niya
Humiga na ako at nakatingin ako sa Ceiling
"I LOVE YOU NICOLO!" sabi ko
At pinikit ko na ang mga mata ko
Mas masarap pala matulog pag ganun yung naririnig mo bago matulog e.
-------------
Vote and Comment, thank you!
BINABASA MO ANG
Complicated (McNella/JerNella/MarNella) [ON HOLD]
Fanfiction[on Going] I like Him He Likes Someone He Loves me I love him as a friend He Like me Before I like Him Before Ganto ba talaga ang love? sobrang complicated? (McNella / JerNella / MarNella) Fan Fiction