Chapter 12: Isolated

14 0 0
                                    


Austin's POV

Sumeyas si papa na siya muna ang kumausap sa kapatid ko.

Nandito kami sa labas ng kwarto nya.

Ilang araw araw na din niyang kinulong ang sarili niya matapos ang araw na nahimatay sya.

Kumatok si papa sa pinto.

"Ayah. Gising ka na ba anak? Ginawan ko ikaw nung favorite cheese sandwich mo. Masarap to. Gusto mong tikman anak?"

Pero tila hangin ata ang kausap ni papa.

"Ayah, tatlong araw mo ng kinukulong ang sarili mo dyan. Lumabas ka naman ng malaman ko kung okay ka." Sabi ni papa.

"Kasalanan ko to. Hindi ko dapat ikaw pinilit na bumalik sa school. Hindi bagay sayo ang mundong yun. Ayah. Ayah!" Mangiyak ngiyak na sabi ni papa.

Napailing ako sa drama ni papa.

"Pa, pa." Sabi ko at itinayo siya.

"Late na ako. Ihatid mo muna ako tapos bumalik ka na lang dito at umiyak. Tiyak na late na late na ako nito." Pinahid nito ang luha nito.

"Dali na pa. Late na ako." At hinatid na ako ni papa.

Napaka drama talaga ng isang to.

*****

Aliyah's POV

Narinig ko ang mga sinabi ni papa ngunit mas pinili kong hindi sumagot.

Kasalukuyan kong ginagamit ko ang laptop ko at nagpost sa page na 'Ugly Duckling Club'

I have no courage left to face anyone beause I'm ugly.

At pinost ko ito.

Biglang nag flashback sa akin ang mga hindi magagandang nangyari sa school.

Ang pagbato nila sa akin ng papel sa room. Ang pilit na pagtanggal nila sa kahon ko. At ang pagpapa mukha sa akin ni Zeke na pangit ako.

Habang inaalala ang mga iyon, wala na akong ibang nagawa kundi umiyak na lamang.

*****

Mark's POV

"Jenny?" Sabi ng teacher namin.

"Present."

"Sarah?"

"I'm here."

"Mark?"

"Nandito po ako." Sabi ko at tinaas pa ang kamay ko.

"Aliyah?"

Tiningnan ko ang bakanteng upuan sa tabi ko. Pati na rin ang iba naming kaklase ay napatingin.

"Ilang araw ng absent si Aliyah. May alam ba dito kung bakit hindi sya pumapasok?" Tanong ng teacher.

Napailing si Sarah, ang pinaka matalino sa klase namin. Tumingin ito sa akin na parang nagtatanong.

Wala akong nagawa kundi ang yumuko.

Kahit ako ay hindi alam ang dahilan.

Bakit hindi pumapasok si Aliyah?

Sana walang masamang nangyari sa kanya.

*****

Austin's POV

Nasa sala kami ngayon at hinihintay ang katapid ko. Nagbabakasakali kaming lumabas na ito sa kwarto nya.

Ugly DucklingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon