Chapter 22: Not Bad At All

7 0 0
                                    


Austin's POV

Paano na ako nito?

Paano ako pupunta sa school?

*Ting!*

Alam ko na.

Sinundan ko si Zeke. Nagtago ako ng lumingon ito.

"Bakit mo ako sinusundan?" Sabi nito ng makita ako.

Ngumiti ako at lumabas.

"Ano kase.. Sabi ni papa na pumunta ako sa school magisa. Pwede bang sumabay?" Sabi ko.

"Hindi ka ba natatakot sa akin?" Tanong nito.

"Hindi."

"Sigurado ka?"

"Oo."

"Find your own way. Gusto kong mapagisa." Sabi nito at umalis.

Tumingin ako sa relo ko.

Wala na akong iba pang choice, kaya sinundan ko na lang sya.

"Teka lang."

Sumakay ako sa bus at umupo sa tabi nya.

"Wow! Ang laki ng bus na to." Sabi ko.

Tumingin lang ito sa akin at tinanggal ang earphones nito.

"Gusto mong sumasakay ng bus?"

"Yeah. Pag may away ako, agad akong nakakalabas dito. Gaya nito."

Kinuha nito ang kwelyo ko at akmang susuntukin ako pero hindi ako natakot.

"So, bakit mo gustong makita ulit ang kapatid ko?" Pagiiba ko ng usapan.

"Gusto mo ba sya?"

Tumingin lang ito sa akin at sinuot ang earphones niya.

"Gaano ka kadalas makipaglaban? Paano ba sumuntok ng isang tao? Ginagamit din ba ang siko at tuhod?"

Pero parang hangin lang ako.

"Ako kaya kung.... Pwede mo ba akong turuan kung paano sumuntok? Gusto ko sanang matuto kung paano sumuntok sa isang tao katulad..."

"Oh." Inabot nito ang chuckie.

"Para sa akin?"

"Yeah, para tumigil ka na sa kakadaldal mo."

"Salamat!" Tinggap ko ito at ininom.

"Mabait ka naman pala." Sabi ko sa kanya.

"Tawagin mo akong kuya."

"Ha?"

"Mas matanda ako sayo. Dapat tawagin mo akong kuya. Dapat marunong kang rumespeto sa nakakatanda sayo."

Paliwanag ni Zeke este, kuya Zeke pala.

"Got it bro." Sabi ko.

"Oy ano yun? Dali tingnan mo!" Sabi ko at nilabas ang ulo ko sa bintana.

"Wag mong ilabas ang ulo mo. Mapanganib yan. Baka mabunggo yang ulo mo ng ibang sasakyan."

Umayos ako ng pwesto at ininom ang chuckie.

Hhmmm, not bad.

Not bad for a Zeke Bradford.

Not bad at all.

*****

Aliyah's POV

"Ilang beses ko bang sasabihin na bagalan mo yung takbo mo. Bakit hindi ka ba nakikinig sa akin?"

Bumaba ako sa motor at tinanggal yung helmet.

"Blah blah blah. Hindi ka na tumitigil sa pagrereklamo." Sabi ni Mark.

"It was a fun ride, right?" Tanong nito.

"Ayah. Mark. Bakit sabay kayong pumasok?" Biglang dumating si Sarah.

"Ah, sinundo ko sya sa kanila." Sagot ni Mark.

"Talaga? So naga date kayong dalawa?" Biglang napangiti si Mark.

"Hoy, hindi ah. Sino nagsabi? Magkaibigan lang kami." Paliwanag ko.

"Friends with benefits...."

Rinig kong bulong ni Mark kay Sarah habang kinikilig.

"Baliw ka ba?" Sabi ko at pinalo ito.

"Aray, hindi hit-proof ang jacket na to. Dapat na yata akong bumili ng bago." Biro ni Mark.

"Tara na nga sa classroom." Sabi ni Mark

May sinenyas ito kay Sarah pero hindi ko nakita kung ano to.

Maya maya pa ay nagsimula ng tong umalis.

"Oy, dahil mo yung helmet ko."

"Iwan mo na lang dyan."

No choice, bibitbitin ko na lang tong helmet.

Kesa naman iwan ko dito, manakaw pa to.

Kinikilig na lumapit sa akin si Sarah.

"I think he likes you."

"Mali yang iniisip mo." Nahihiya kong sabi.

"Eh bakit sinundo ka nya?"

"Ewan ko. Basta pumunta na lang sya dun."

"Ayieeh, gusto mo sya noh?" Bigla akong nahiya sa tanong nito.

"Hindi ah."

"Talaga? Eh bat naga blush ka?"

"Hindi ako naga blush."

"Sigurado ka?"

"Oo nga."

Kwentuhan namin habang papunta sa room.

Si Mark?

Well, mabait sya, maalaga, at sweet.

Di rin maikakaila na gwapo sya.

Pero, gusto ko na ba sya?

**********

Ugly DucklingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon