Chapter 31: Ghost Hunt

8 0 0
                                    


Aliyah's POV

"Ang dilim. Takot ako sa mga multo." Sabi ko kay Sarah.

"Wag kang matakot. Hindi ka naman magisa. Kasama mo si Mark. Magtapat ka sa kanya."

"Baliw ka ba? Hindi ba sinabi ko sayo, hindi dapat babae ang umaamin. Hindi ko gagawin yun."

"Come on. Wag mong kalimutan na.... Trust me." Sabi nito.

"Everybody. It's time to test your courage at the night time. We are going for a ghost hunt!" Sabi ni Vivienne.

"I will let you guys pair up with your friend and walk around the wood. In ther, you'll find 3 flags. There are instructions in each flag for you and your pair to follow. The pair that has the biggest courage, strongest heart, and can control their nerves the best and has the best timing will win this game." Paliwanag nito.

"Okay, so let's start with the pairing."

"Sa tingin ko, dapat ipair natin si Aliyah kay Mark." Sabi ni Sarah.

"No, bakit ayaw mong makipag pair sa kanya? Ayokong sumali sa laro na to." Bulong ni Mark kay Sarah.

"Tinutulungan ko lang ikaw. Wag ka ng umangal."

"The first pair is Sarah and Kim." Sabi ni Vivienne.

"Mark! Ayos lang yan. Hindi kita pagtatawanan. I will protect you. Hindi ako natatakot." Sabi ko kay Mark.

"Narinig ko na yan." Biro ni Mark.

"So the second pair is Aliyah and Mark." Inabot sa amin ang lampara.

"Nagayon na?" Tanong ni Mark.

"Tara na."

"Kelangan ko bang hawakan to?"

"Wag kang matakot. Tara na."

"Ano bang klaseng laro to?"

"You'll be safe with me."

At sinimulan na naming maglakad.

"Bilisan mo ng lakad ng matapos natin to agad at makabalik." Sabi ko kay Mark.

"Aaaahhh!" Nagulat ako sa pagsigaw ni Mark.

"Ano yun? Ano?" Taranta kong tanong.

"Oh, hangin lang pala." Hinampas ko ito.

"Hangin lang naman pala. Bakit kung makasigaw ka para kang nakakita ng multo?"

"Pwede bang wag na natin tong tapusin Aliyah?"

"Hindi pwede. Malapit na yung exit. Tara na."

"Pero madilim na. Tumigil na tayo."

"Tatapusin natin to. Tara, wag kang matakot."

At nagpatuloy na kami sa paglakad.

*****

Zeke's POV

"Aaaaahhhh!"

"Ano yun? Ano?"

Sinundan ko ang dalawang nasa unahan ko.

"Mark! Wag mo akong takutin."

I smiled at tinuloy ang plano ko.

I put on the mask ang started to walk.

"Aaaahhh!"

"Ano nanaman? Ano?"

This will be fun.

*****

Aliyah's POV

"Dali Mark!"

Tumigil kami ng makita ang red flag.

"Tumataas mga balahibo ko." Sabi ni Mark.

"Bend over and look through your legs. Have your friend take a picture of you. Hold yourself together as a ghost may want to be in your frame too." Basa ko sa note.

"Mark!" Lumingon ako sa kanya.

"Ikaw yung mag bend. Ako na lang kukuha sayo." Sabi ko.

"Hell no! Ayoko!" Natatakot na sabi ni Mark.

"Dali na, para makaalis na tayo dito. Maga picture lang tayo then tapos na."

"Teka nga, pwede bang bumalik na lang tayo at umalis?"

"Hindi pwede. Dali na, matatapos din to. Okay?"

Binaba na nito ang lampara at tumayo.

"Totoo bang may multo?"

"Walang multo." Sabi ko at kinuha ang cellphone ko.

"Hindi totoo ang multo diba?"

"Hindi. Ready? 1.... 2...." Napatigil ako bigla.

"Don't stop. Go on." Nakapikit na sabi ni Mark.

"Aliyah!"

"Sa likod mo...." Napamulat siya sa sinabi ko.

"Sa likod mo Mark." Dahan dahan itong lumingon sa likod.

"Aaaaaahhhhh!" Sigaw nito at tumakbo paalis.

"Mark! Mark! Hindi yun multo, tao yun."

Hay, ano pa nga bang magagawa ko?

Tumakbo na ako at hinanap si Mark.

"Mark!"

Asan na kaya yun?

**********

Ugly DucklingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon