Chapter 32: Confession

9 0 0
                                    

Aliyah's POV

"Mark! Nandito ka ba?" Pumasok ako sa isang lumang kwarto.

"Mark?" Nagulat ako ng biglang sumara ang pinto.

Pinihit ko ito at kinatok.

"Sinong nasa labas dyan? Buksan nyo yung pinto! Wag nyo akong takutin!"

Pero hindi ko mabuksan kaya nilibot ko na lang ang kwarto.

"Mark! Kung nandito ka, magsalita ka naman."

May narinig akong tumunog kaya napa atras ako.

"Sino ka? Mark?" Nakita ko ang isang lalaki.

Hindi ko maaninag ang mukha nito dahil sa dilim.

Hindi ito nagsalita. Siguro ay takot pa rin ito hanggang ngayon.

"Hay, salamat naman. Bakit hindi ka sumasagot? Pinag alala mo ako." Pero hindi pa rin ito nagsalita.

"Mark, siguro sobrang natatakot ka. Ang hirap ng paghinga mo oh."

"Sorry Mark. Hindi ko alam na ganito ka pala matakot. Hindi ko na sana ikaw pinilit na sumali dito."

"Pero maganda din na magkasama tayong nakulong dito. Sa tingin ko, hahanapin din tayo ng iba." Huminga lang ito.

"Ayos ka lang ba? Bakit hindi ka nagsasalita?"

I sighed and tried to change the topic.

"Mark, ano... Pag usapan na lang natin yung tungkol sa pinag usapan natin kanina."

"Diba tinanong mo ako kung anong nararamdaman ko sayo? Sa tingin ko, napaka bait mong tao Mark."

"Ikaw ang unang tao na gustong makipagkaibigan sa freak na katulad ko. Palagi mo akong pinapatawa pag magkasama tayo. Komportable ako at masaya tuwing kasama kita."

"Kaya, sa tingin ko, gusto kita Mark."

Nakita ko ang paglapit ng mukha nito sa akin.

Palapit ng palapit hanggang konti na lang ang layo ng mukha nito sa akin.

I felt his breath against my lips.

Until, our lips met.

He kissed me and I respond to his kisses.

For the first time, I felt so loved.

Napatigil ako ng biglang pumasok si Sarah at ang iba pa.

"Congratulations to the new couple! Aliyah and...." Nagulat si Sarah.

Napalingon ako sa lalaking katabi ko.

"Zeke?" Sabi ni Sarah.

Nagulat ako pati na ang mga nakakita sa amin.

Zeke? Sya ang humalik sa akin.

Nakita kong biglang dumating si Mark na tila gulat.

Hindi ko na alam ang sunod na nangyari.

All I know is everything went blank.

**********

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ugly DucklingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon