Chapter 1: Zeke & Mark

48 0 0
                                    


Zeke's POV

Naglalakad ako ng nabangga ako ng isang lalaki.

"Oh, sorry man. Hindi ko ikaw nakita."

Sabi nito habang pinupunasan ang parteng nabangga niya sa akin.

Bulag ba to at hindi nya ako nakita?

Agang aga pinapainit ng lalaking to ang ulo ko.

Tinabig ko ang kamay nito at parang nagalit ito sa ginawa ko.

"Hoy!" Sabi ko sa kanya.

"What the hell is wrong with you?"

Galit na tanong nito.

Aba, sya pa tong galit eh sya na nga tong may kasalanan.

Tiningnan ko sya ng masama.

"Ano yang tingin na yan? Want a piece of me right?" Paghahamon nito.

Mukhang mapapa away ako ngayon ah.

"Yeah!" Sagot ko sa kanya.

Nagpalitan kami ng masasamang tingin.

Ngunit umalis din agad sya.

Kala mo kung sinong matapang, takot din naman pala.

"Coward!" Sigaw ko sa kanya.

Napatigil ito at tumingin ng masama sa akin.

Hindi na lang nya pinansin ang sinabi ko at nagpatuloy sa paglakad paalis.

No one ever turned their backs on me.

Pinagmasdan ko syang umalis.

Humanda sya pag nagkita kami ulit.

Pagbabayaran nya ang araw na to.

At nagsimula na akong maglakad paalis.

Ako si Zeke Bradford.

Basagulero, laging naghahanap ng away at kinakatakutan sa school.

Trouble has always been with me.

Subukan lang nilang banggain ang isang tulad ko.

I'll show them what hell is.

*****

Mark's POV


I was listening to the music coming from the headset I was wearing.

Napapasayaw ako habang naglalakad kaya hindi ko nakita na may nabangga ako.

"Oh, sorry man. Hindi ko ikaw nakita."

Sabi ko sa kanya habang pinapagpagan ang parteng nabangga ko.

Nagulat ako ng tinabig nya ang kamay ko.

"Hoy!" Sigaw nito.

"What the hell is wrong with you?"

Galit na tanong ko.

Tao ba to at hindi marunong tumanggap ng sorry?

Pasalamat nga sya at humingi pa ako ng tawad eh.

Napansin ko na masama ang tingin na ibinigay nito sa akin.

"Ano yang tingin na yan? Want a piece of me right?"

Siguro mahilig sa away ang isang to.

Kung maka tingin kala mo naghahamon ng away eh.

"Yeah!" Sabi nito.

Sinuklian ko ang masasamang tingin niya pero ako na ang unang umiwas.

Nagsimula na akong maglakad paalis ng bigla itong sumigaw.

"Coward!" Napalingon ako sa sinabi nito.

Ako? Takot?

Sus, kung di lang ako nagmamadali papatulan ko sya eh.

At ayoko ding magasgasan ang napaka gwapo kong mukha.

Mahirap na, mababawasan pa ang mga gwapong nilalang dito sa mundo.

Tiningnan ko na lang sya ng masama at nagpatuloy na sa paglalakad.

Pasalamat ka na lang lalaki ka.

Magsisisi ka na hinamon mo ang isang Mark Lee.

Alam kong hindi ako mahilig makipag basag-ulo.

Pero kung kinakailangan, kaya kong gawing miserable ang buhay ng isang tao.

**********

Ugly DucklingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon