Chapter 11: Unconscious

11 0 0
                                    


Alex's POV

Kasalukuyang nasa hospital kami ngayon ng biglang nagising si Ayah.

"Pa! Austin!"

Kinapa niya ang mukha niya at nalamang hindi niya suot ang kahon nito.

"Pa, where's my box?" Nagpapanic na tanong nito.

"My box?! Nakita nila ang mukha ko diba?!"

"Nakita ako ng mga tao diba?!"

"Humimahon ka anak, huminahon ka."

Sinubukan ko syang pakalmahin ngunit patuloy pa rin ito sa pagpanic.

"Ilang tao ang nakakita sa mukha ko?!"

"Clam down Ayah, calm down." Sabi ko habang nagpapanic na din.

Lumapit si Doc na may dalang mask at isinuot iyon kay Ayah.

"Calm down." Sabi ni doc kay Ayah.

Sa tulong ng mask ay napagpa kalma nito ang anak kong si Ayah.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo Aliyah?" Tanong ni Doc.

"Doc, si papa, pinilit ako ni papa na pumasok sa school. Habang nandun ako, pinagpag tripan at binubully ako ng ibang estudyante. Tapos may dalawang lalaki na nag away. Dumating yung mga pulis kaya tumakbo ako. Then that jerk took off my box. Tulungan mo ako Doc." Mangiyak ngiyak na sabi ni Ayah.

"Calm down."

"Aliyah.." Pagsingit ko sa usapan

"Naiintindihan ko na mahirap ang pinagdadaanan mo. Kung hindi mo na kaya, hindi ko na.."

"Babalik ako ng school dad!" Sigaw ni Ayah.

"I'm going back there and take down that hoodlum." Dagdag nito.

Sumenyas sa akin si Doc na palakasin ang loob ni Ayah kaya ginawa ko iyon.

"Tama yun anak. You must take down that hoodlum. Dapat turuan sya ng leksyon." Matigas kong sabi.

"Pa," biglang nagsalita si Austin.

"Pero yung lalaking yun ay si Zeke."

"Zeke?" Pasigaw kong sabi.

"Pangalan ba ng tao ang pangalan na yun?" Nagtataka kong tanong.

"Si Zeke ang pinaka kinatatakutan sa school. Matangkad sya. Malaki ang mga muscles at may malalakas na suntok. Tinatakot nya ang mga estudyante para makakuha ng pera. Kahit na teachers ay ayaw na makabangga sya. Sa tingin ko, dapat layuan sya ni Ayah." Nangangambang paliwang ni Austin.

"Zeke right?" Sabi ni Ayah.

Nakita kong sumama ang tingin ni Ayah.

Lumakas ang kutob ko.

Wag naman sanang gumawa ng kalokohan itong si Ayah.

*****

Zeke's POV

Nakaupo ako sa field habang inaalala ang nangyari kahapon.

Biglang sumagi sa isip ko ang mukha nung babae kanina.

"Maganda naman sya. Bakit pa nya sinusuot ang kahon na yun."

Sabi ko sa sarili ko at huminga ng malalim.

"Gusto ko ulit syang makita."

Napatigil ako sa pagiisip ng marinig ko ang boses ng isang babae.

Ugly DucklingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon