Chapter 24: Impossible

2 0 0
                                    


Aliyah's POV

"Ang daldal talaga ni Sarah."

Sabi ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa field.

"Hindi ko alam kung anong gusto nyang iparating sa akin. Fine, I'll just eat here."

Umupo ako sa bench at nilabas ang sandwich ko.

"Hoy, kainin mo to. Eat it. Bakit ayaw mong kainin to?"

Narinig ko ang pamilyar na boses sa di kalayuan.

"Oy, halika dito! Sabi ko sayong kainin mo to. Bakit ba ayaw mong makinig sa akin?"

Nakita ko si Zeke habang hawak ang isang aso.

"Saan ka pupunta. Halika dito." Lumpit ako at tiningnan ito.

"Hay, what a disobedient dog!" Sabi nito.

"Pati ba naman aso inaaway mo?"

Seryoso ba tong taong to?

Wala ba syang pinipili?

Pati ba naman aso inaaway nya?

Saan planeta to nanggaling?

*****

Zeke's POV

"Pati ba naman aso inaaway mo?" Naka cross arm na sabi ni Aliyah.

"I told him to eat this meatball but he ignores me."

"Ayaw nyang kainin yan dahil siguro hindi sya gutom. Bakit ba lagi ka na lang gumagamit ng pwersa?" Reklamo nito.

"You nag like an old hag." Nasabi ko na lang.

"Look Zeke. Kung gusto mong sumunod sayo yang aso na yan, wag mo syang pwersahin. You can't force feelings you know?" Sabi nito.

Lumpit ito sa aso at nilaro.

"Come here, boy. Come. Gusto mong kumain?" Sabi niyo sa aso habang hinihimas ang ulo nito.

Napangiti ako habang pinapanood sya.

She really is something.

"Sa totoo lang, hindi ka naman pala masamang tao. Bakit kailangan mong magpanggap na isa?" Sabi ni Aliyah.

"Bakit? Interesado ka sa akin?"

Napatigil ito at umiwas ng tingin.

"Hindi ah!"

"Kung gusto mo malaman, come and have a bus ride with me. Sasabihin ko sayo lahat." Pang asar ko.

"Baliw!" Nakasimangot na sabi nito at umalis.

Tiningnan ko na lang sya habang naglalakad paalis.

Kahit na naka simangot pa sya, she's really cute.

"And you are such a dumb dog. Eto, kainin mo."

At kinusap ko na lang ulit yung aso.

*****

Aliyah's POV

Kararating lang namin ni Mark sa bahay namin.

"Thanks Mark."

"Hindi ka na ba takot sumakay ng motor?"

"Hindi naman ako natatakot pag mabagal lang yung takbo mo. It's kind of fun actually."

"Kung ganun, simula sa araw na to, pwede ba kitang sunduin araw araw?" Nahihiyang sabi nito.

"Hah?" Nakangiting tanong ko.

"Pwede ba?"

"Gotcha! Naglalandian kayo sa isa't isa ano?" Biglang singit na sabi ni Austin.

Itong kapatid ko, parang kabute. Bigla bigla na lang sumusulpot eh.

"Hoy, hindi ah! Stupid brother." Sabi ko.

"If I'm flirting with her, tutulungan mo ba ako?" Tanong ni Mark kay Austin.

"Absolutely bro." Agad namang sagot ng kapatid ko.

Biglang napalingon si Mark dito.

"Now we're talking bro." Sabi nito at nag kamayan.

"Teka nga." Pagsingit ko.

"Kelan pa kayo naging close ha? Diba kakakilala nyo lang kaninang umaga?"

"Ano kase, love at first sight ang tawag dun." Pabirong sabi ni Austin.

Eto namang si Mark eh umakto na parang gwapong gwapo sa sarili.

"Pumasok ka na nga." Taboy ko sa kapatid ko.

"At ikaw naman, umuwi ka na." Sabi ko kay Mark.

"Sige na, alis na ako." Sabi ni Mark at umangkas sa motor nya.

"Ingat." Sabi ko at kumaway.

"Ingat bro." Sabi ni Austin.

"See you bro." Sagot naman ni Mark.

"Tara na." Hinila ko si Austin papasok.

Ng malapit na kami sa pinto ay kinausap ko ito.

"Anong ginagawa mo? Naguusap kami. Bakit bigla kang sumingit?"

"Hindi ko naman sinasadya. Tinutulungan lang kita."

Eh? Ano bang pinagsasasabi nitong kapatid ko?

"Kanina kase, nakita ko na nakatambay si Zeke dito. Hindi ko alam kung nasaan na sya ngayon."

Tumingin ako sa paligid. Wala naman eh.

"Baka namali ka lang ng tingin. Baka ibang tao ang nakita mo."

"Baka ibang tao ang nakita ko? Wow, she is so hot among men. She can attract two guys at the same time." Pangasar nito sa akin.

"Napaka daldal mo." Sabi ko at pinihit ang tenga nito.

"Pasok na nga lang tayo." Sabi ko dito.

Pero si Zeke nga ba talaga nakita ni Austin?

Parang imposible naman ata.

**********

Ugly DucklingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon