Chapter 25: What's With Him?

3 0 0
                                    


Aliyah's POV

Mag shoshower na sana ako ng makita ko ang pamilyar na lalaking nakatayo sa kwarto ko.

"Hoy! Paano ka nakapasok dito?!" Sigaw ko.

Kinuha ko ang maliliit na bagay na nahagip ng kamay ko at ibinato sa kanya.

"Get out!" Sabi ko habang binabato sya.

"Sshhhh. Keep it down will you? Keep it down or your father hears you."

"Gusto kong marinig nya ng malagot ka sa kanya. Get out, you psycho!" Sigaw ko ulit.

"Fine then. I can tell him that I have climed to your room several times. Tingnan natin kung sinong papagalitan." Sabi nito at humiga sa kama ko.

Aba! Aba! At humiga pa talaga!

"Zeke, you jerk!" Pinaghahampas ko ito ng unan.

"Lumabas ka na nga."

"Sige lakasan mo pa, yung rinig sa buong bahay."

*tok tok tok*

"Ayah, ayos ka lang ba?" Katok ng kapatid ko.

Hala?! Tinakpan ko agad si Zeke ng kumot para hindi ito makita.

"Pasok!" Sabi ko kay Austin.

Umakto akong inaantok ng makapasok to.

"What are you doing? Para saan yung mga ingay kanina?" Tanong nito.

"Ha? I'm just yawning. Matutulog na ako. Masakit yung ulo ko, lumabas ka na." Palusot ko.

"Inaantok ka na?"

"Yeah."

"Pero 5 pa lang kaya." Sabi nito habang tinitingnan ang relo nya.

"Ah oo. Dali, alis na. Gusto ko ng matulog." Pagtaboy ko sa kanya.

"Hindi ba mainit?" Napansin nito na balot na balot ako sa kumot.

"Hindi ah! Ang lamig kaya." Umakto ako na parang giniginaw.

"Ah, malamig."

Nagulat ako ng bigla nyang tanggalin yung kumot.

"Aaaahh!"

"Hooyy!" Nagulat si Austin ng makita si Zeke.

"Anong ginagawa nyo?!" Sigaw nito.

"Sssshh. Hinaan mo yang boses mo. Baka marinig tayo ni papa." Suway ko.

"Anong ginagawa nya dito sa kwarto mo?" Tanong ni Austin.

Tumingin ako kay Austin at binalik ang tingin kay Zeke.

"Oo nga, anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?"

"I just want to ask you something."

"Isang tanong lang, okay?"

"Anong nararamdaman mo kay Mark?"

Anong klaseng tanong yun?

"At ano naman kinalaman mo dun?" Nakakunot na sabi ko.

"Gusto mo ba sya?" Tanong niya.

"Lampas na sa isa yang tanong mo, labas na."

"Pero hindi mo ba sinasagot yung unang tanong ko. So gusto mo sya?"

"Hindi ko alam!"

"I don't know who likes whom. But you two like each other, right? Pati magkatabi kayo sa iisang kama." Pang asar ni Austin.

"Hoy! Ang dumi ng isip mo, baliw!" Sigaw ko kay Austin.

"Paaaaa!" Pinigilan ko sya sa pagsigaw.

Baka bigla pang umakyat dito si papa eh, makita pang nandito si Zeke.

"Pumunta ka dito para tanungin yang walang kwentang tanong na yan?"

"Sinabi mo lang na wala kayong gawin diba?" Pang asar ulit ni Austin.

"Austin!" Binalik ko ang tingin ko kay Zeke.

"Umalis ka na nga. Umalis ka kung paano ka pumunta dito." Tulak ko kay Zeke.

"So, hindi mo ako sasagutin?" Sabi niya.

"Hindi. Labas!"

Sa wakas ay naka alis na si Zeke.

Ano bang naisipan nya at pumunta sya para tanungin kung may gusto ako kay Mark?

Ano bang trip nya at tinanong nya yun?

**********

Ugly DucklingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon