Chapter 6: Come Again?

14 0 0
                                    


Aliyah's POV

"Kailangan ng bumalik ni Ayah sa school." Sabi nito.

Yun lang naman pala, kala ko kung ano na.
Te..teka! (⊙ˍ⊙) Ako? Babalik sa school?

No! No! Ayoko! Hindi ako babalik!

"Babalik ulit, pa?" Tanong ko.

Baka namali lang ako ng rinig.

Tama, namali lang ako ng rinig.

"Dahil grade 10 ka na ngayon. Kaya inenrol ko ikaw sa school na pinapasukan ni Austin. Kelangan mong pumasok bukas." Paliwanag ni papa.

"No, dad!" Napatayo ako sa sinabi niya.

"Hindi ako papasok." Madiin na sabi ko.

"Kelangan mong pumasok sa school!" Pasigaw na sabi ni papa.

"Pa! I'm doing well with homeschooling." Reklamo ko.

"Pero ang buhay ay hindi lang puro textbooks. Kelangan mo magkaroon ng social life." Pangatwiran niya.

"But I hate the social life!" Demanda ko.

"Hindi mo ba nakikita kung ano ang meron sa ulo ko? Hindi mo ba naisip kung ano ang iisipin ng ibang tao sa akin?" Sabi ko.

"Edi tanggalin mo!"

Akmang tatanggalin niya ang kahon nya sa may ulo ko kaya kinapitan ko ito ng husto.

"Noooo!" Sigaw ko.

"Wag na wag mong hahawakan ang kahon ko." Sabi ko.

"Pa...pa...please wag mo naman akong pilitin na pumasok sa school." Pagmamakaawa ko.

Alam kong hindi ako matitiis ni papa kaya magbabago din ang isip nya.

"Isipin mo na lang kung ikaw ang nasa kalagayan ko, anong mararamdaman mo? Pa, ibubully nila ako. Papagtripan nila ako araw araw. Mamamatay ako kapag nangyari yun." ( T﹏T ) Dagdag ko.

"Hindi!" Napatigil ako.

Nagbago na ba ang isip nya? Hindi ko na ba kailangan pumasok sa school?

"Kelangan mong pumasok ng school sa ayaw at sa gusto mo." Matigas na sabi ni papa.

"Wow!" Napatayo si Austin.

"This is the first time na natiis mo si Ayah." Sabi niya.

Well, totoo nga.

This is the first time na natiis ako ni papa. Unlike dati, na lagi na lang nasusunod ang gusto ko.

"Pero anong gagawin natin dito sa kahon na to, pa?" Tanong ni Austin.

"Kung ayaw mong yang tanggalin, isuot mo yan sa school!" Matigas na sabi ni papa.

"I hate you dad!" Sabi ko at pumasok sa kwarto ko.

At tuluyan ko silang iniwan ni Austin sa kusina.

*****

Austin's POV

"I hate you dad!" Sabi ni Ayah kay papa at iniwan kaming dalawa ni papa.

Napa upo sa pagkakatayo si papa.

Alam kong nasasaktan sya ngayon at kahit anong oras ay tutulo na ang mga luha nito.

I patted his shoulder.

"Ayos lang ako." Sabi niya.

"Go check on your sister." Utos niya.

Ugly DucklingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon