Chapter 9: He Befriended Me

12 0 0
                                    


Aliyah's POV

*Lunch Break*

"Nasaan na si Austin?" Nilibot ko ng tingin ang buong cafeteria.

Umupo ako sa bakanteng lamesa na nakita ko at sinimulan na ang pagkain.

Nagulat ako ng may dalawang lalaking lumapit sa akin.

"Bakit suot mo pa rin yang kahon na yang habang kumakain ka? Let me take it off for you." Pinagtulungan nilang dalawa tanggalin ang kahon ko.

"Wag!" Hinawakan ko ng mahigpit ang kahon ko.

"Leave my box alone!" Ngunit patuloy pa rin sila sa pagtanggal nito.

"Stop!" Tumayo ako at tumakbo paalis.

Napadpad ako sa garden ng school.

Nakita ko ang swing at umupo doon.

"Wala namang maganda sa school na to." Sabi ko sa sarili ko.

Huminga ako ng malalim at pilit na nilibang ang sarili ko. Ilang sandali, narinig ko ang pagreklamo ng sikmura ko.

"Naman! Gutom na ako." Nagulat ako ng may nagsalita sa tabi ko.

"Hi, Aliyah. Yun lang." Sabi nito.

Nakita ko si Mark na naka upo din sa swing.

"Bakit sinundan mo ako dito?" Tanong ko.

"Sino? Sinong sumunod sayo? Hindi ako ah!" Dispensa nito.

Suot pa rin nito ang helmet nya kanina.

"Nagkataon lang yun." Sabi ni Mark.

Siguro nga nagkataon lang.

"Hindi, baka hindi ito nagkataon lang."

Napatingin ako sa sinabi niya.

"Baka destiny ang tawag dito. Destiny na mismo ang gumawa ng paraan para magkasama ulit tayo." Paliwanag ni Mark.

Eh? Ano bang pinagsasabi ng isang to? May saltik ba to sa utak?

Inisip kong baguhin ang usapan.

"May suot kang helmet. Iniinsulto mo ba ako?"

"Anong iniinsulto? Sinong gumagawa nun? Wala kaya! Helmet ko to kaya suot ko. Tsaka ang gwapo kong tingnan pag suot to. Nung papunta ako dito, panay ang tingin sa akin ng mga tao." Paliwanag ni Mark.

"Check this out!" Tinanggal nito ang suot nyang helmet kasabay ang pag flip ng buhok nito.

"Ang gwapo ko diba?" Sabi nito.

"Alam mo ba na hindi lang ang mukha ko ang gwapo? Binili ko itong helmet na to sa Japan. Gawa sa Titanium ang labas na parte nito. Ang loob naman ay gawa sa Fiberglass na may double pads ng sponge. Napaka galing dahil..."

Hindi na nya natuloy ang sasabihin niya dahil pinutol ko na ito.

"Oo na! Oo na! Bakit ba napaka daldal mo?" Napangiti siya saglit.

Narinig ko nanaman ang pagreklamo ng tiyan ko.

"Ahhh! Gutom na ako." Sabi ko habang hawak hawak ng tyan ko.

"Gutom ka diba?" Tanong ni Mark.

Nakita kong may kinuha ito mula sa bag niya. Nilabas niya ang dalawang tinapay. Kinain niya ito na parang nagpapainggit.

"Masarap ba?" Tumango ito bilang sagot.

"Very good!"

"Ang bango at ang lambot nitong tinapay. Yung cheese ay gawa pa sa gatas mula sa Denmark." Pagpapainggit nito.

"Gusto mo?" Tumango ako.

"Sige, sayo nalang tong isa." Binigay niya sa akin ang tinapay at tinanggap ko naman ito.

Kinain ko ito at tila nagulat siya.

"Woah!" Napalingon ako kay Mark.

"Wala!" Sabi nito.

Napansin ko na nakatingin ito sa akin.

"Anong tinitingnan mo? May mali ba sa ulo ko?"

"Tinatanong mo kung may mali sa ulo mo? Your head is in a rectangle shape. Paano magiging hindi?" Pinagmasdan ko lang sya.

"Wala. Gusto ko lang makita kung ano ang itsura mo kapag kumakain ka ng masarap na pagkain. O kaya pag nahihiya ka. Siguro naga blush ka na dyan ngayon." Sabi ni Mark.

"Anong itsura ko? Pangit ako." Napatigil ito sa pagkain.

"Pangit?" Humina ang boses nito.

"Yeah." Sagot ko.

"Pangit ako kaya tinakpan ko ang mukha ko gamit itong kahon. Tatlong taon na din akong nagkukulong sa bahay. Pero pinilit ako ni papa na pumasok ng school. Sabi niya, gusto niyang magkaroon ako ng kaibigan." Taimtim na pinakinggan ni Mark ang mga sinabi ko.

"Pero, sino bang may gustong makipag kaibigan sa isang tulad ko?" Huminga ako ng malalim.

"Salamat nga pala sa tinapay. Sa tingin ko rin hindi na ako papasok ng school bukas. I hope that we don't see each other again, Mr. Helmet." Aalis na sana ako ng bigla itong sumigaw.

"Oy, box-head girl! Magkikita ulit tayo bukas. At sa susunod pang mga araw." Napalingon ako sa sinabi nito.

"Dahil gusto kong makipag kaibigan sayo." Pinagalaw nito ang isang kilay niyo.

"Am I handsome?" Tanong nito at ngumiti.

"Pinaghandaan ko yung speech na yun para sayo." Nakangiting sabi nito.

Maya maya ay sinubo ko sa kanya ang tira kong tinapay. Napatawa ako sa naging reaksyon nito.

"Kung sa tingin mo gwapo ako, pwede mo namang sabihin sa akin." Natatawang sabi nito.

Hinampas ko naman sya bilang sagot.

Hindi rin naman pala puro mga kapangitan ang nangyayari sa akin ngayong araw na to. May maganda rin naman palang kahihinatnan.

Sino nga ba ang mag aakala na may gustong makipag kaibigan sa isang tulad ko.

I smiled because of that thought in my mind.

**********

Ugly DucklingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon