Chapter 2: Why Him?

32 0 0
                                    

(AN: Nasa taas po yung pic ni Austin.)

Austin's POV

Pumasok ako sa isang tindahan.

"Woah!"

Sabi ko habang tinitingnan ang mga gamit sa loob.

*ting*

May biglang ka anuhan ang pumasok sa isip ko.

Tiningnan ko ang paligid kung may ibang tao.

Wala namang napupunta sa eskinita na to kaya sinimulan ko na ang trip ko.

"Miss, magkano yun?"

Tanong ko sa tindera habang tinuturo yung bagay.

"Yun po."

"Eto?" Tanong ng tindera.

"Opo." Sagot ko

Habang nakatalikod ang babae, agad kong kinuha yung mga sticky notes sa tabi ko at agad na isinilid sa bulsa ko.

"130 to."

"Ah, ganun ba. Ay yung bag na yun?" Tanong ko ulit.

"Aling bag?"

"Yung nasa dulo."

"Ito ba? Wait lang..."

Habang kinukuha nya yung tinuro kong bag, agad akong kumuha ng iba pang gamit at isinilid sa bag ko.

"Eto ay.... Anong ginagawa mo?"

Tanong ng tindera ng humarap sa akin.

"Wala akong ginagawa ah." Nakangiting sabi ko.

"Sigurado ka?"

"Yeah. Ay yung isang yun, magkano?" Tanong ko ulit.

"Alin dito?"

Sa huling pagkakataon, kumuha ako ng ilang gamit at umalis.

Nag bye signal pa ako sa tindera gamit ang kamay ko at tumakbo paalis.

"Oy! Magnanakaw! Magnanakaw yung batang yun!"

Rinig kong sigaw ng tindera habang hinahabol ako.

"Tabi!" Sigaw ko sa lalaking nasa harap ko.

"Tulong! Magnanakaw ang batang yun!" Sabi ng tindera sa lalaki kanina.

"Tulungan mo akong habulin ang batang yun, please." Hingal na sabi ng tindera.

I ran as fast as I could.

Nang nakita ko na hinahabol ako nung lalaki ay mas binilisan ko pa lalo.

Nagpasikot sikot ako sa mga nadadaanang eskinita hanggang sa nalito ko sya sa pagsunod sa akin.

Tumigil ako saglit para magpahinga.

I smiled for a moment.

Haha! Nakalusot nanaman ako. As expected from me.

Ako lang ang nag iisang Austin James Cullen.

Ang nag iisang pilyo pero gwapo.

Lagi akong nakakatakas sa mga kalokohang ginawa ko.

Magsisimula na sana akong magpatuloy sa pagalis ng biglang

"Saan sa tingin mo ikaw pupunta?"

Napatigil ako sa nasa harapan ko.

"Zeke!" Bulong ko sa sarili ko.

Nako, patay kang bata ka.

Sa dinami dami ng pwedeng humabol sa akin bakit si Zeke pa?

*****

Zeke's POV

"Saan sa tingin mo ikaw pupunta?"

Tila nagulat ang isang to sa biglang pagsulpot ko sa harapan nya.

"Zeke!" Bulong niya sa sarili niya.

"Nagnakaw ka diba?"

"Hindi ah!" Sagot niya.

Talaga lang ha? Tingnan natin.

"Akina yan bag mo."

Kinuha ko sa kanya ang bag niya at tiningnan ang mga laman nito.

Tinaktak ko ito at naglaglagan ang mga gamit na kinuha niya.

"Bakit hindi mo na lang aminin na gumawa ka ng masama?"

Akmang tatakbo sya pero nahawakan ko ang braso nya at tinulak, kadalihanan ng pagtumba nito.

"Gusto mong maging magnanakaw sa ganitong edad?"

Tila natakot ito sa akin.

"Sa tingin ko, dapat turuan ka ng leksyon!"

Akmang susuntukin ko sya ng biglang..

"Hoy!" Naramdaman ko na parang may pumigil sa akin.

Tiningnan ko kung sino ang pumigil sa akin.

Aba! Kung sinuswerte ka nga naman.

Akalain mong makikita ko ulit yung walang hiyang lalaki na bumangga sa akin kanina.

Dali daling tumakbo yung lalaki at nagtago sa likuran ng lalaking nakabangga sa akin.

"Bakit mo sinasaktan ang batang to?" Tanong nito.

Napaka pakialamero din pala ng isang to.

"Wala kang pakialam!"

Sabi ko kasabay ang pagtulak sa kanya.

Tinulak din niya ako at sinuntok.

Nag init ang ulo ko sa kanya kaya nagpakawala ako ng malakas na suntok.

Nag palitan kami ng mga suntok.

Pinulot nung lalaki ang mga ninakaw nya.

Isinilid niya ang mga iyon sa bag niya at tumakbo paalis.

Wala na akong pakialam sa batang magnanakaw na yun kaya itinuon ko na lang ang galit ko sa lalaking nasa harap ko.

After all, I am Zeke Bradford.

And as I said, I will show him what hell looks like.

**********

Ugly DucklingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon