Chapter 21: Motorcycle Or Bus?

6 0 0
                                    


Mark's POV

Maaga pa lang ay nandito na ako sa harap ng bahay nina Aliyah.

Nandito para sunduin sya ngayong araw.

Nag door bell ako.

"Yoohoo, hello, Aliyah." Sabi ko.

Nag door beel ulit ako.

Nakita ko si Aliyah na sumilip sa bintana nito.

"Mark!" Kumaway ako sa kanya.

"Good morning Aliyah." Sabi ko at nag flying kiss dito.

Napalingon ako sa biglang dumating.

Zeke?!

Anong ginagawa nya dito?!

*****

Alex's POV

"Saglit lang Austin." Sabi ko sa anak ko.

"Dali na pa." Hinila nito sa akin palabas.

"Teka lang Austin. Susuotin ko muna tong tsinelas ko."

"Pa, dali."

Tumigil ako ng makita ang dalawang lalaki sa labas ng gate.

"Anong ginagawa nyong dalawa dito?" Tanong ko.

"Good morning sir. Ako po si Mark. I'm here to pick up Aliyah for school sir." Pakilala nito.

"Pa sya si Mark. He's freaking handsome. New student sya mula sa ibang bansa. Lahat ng babae sa school ay nahuhumaling sa kanya." Bulong sa akin ni Austin.

"What about you?" Tingin ko sa isang lalaki.

"I'm also here to pick up Aliyah...... Sir." Sabi nito.

"Oh, and I forgot to pay respect." Dagdag nito.

"Pa, si Zeke naman yun. The school's brawler. Sya yung sumuntok sa akin dati. He is super bad pa. Ayaw nya mag aral pero gusto nya makipag away araw araw." Paliwanag ni Austin.

"Paano natin sya mapapagkatiwalaan?" Sabi ko.

"Oo nga pa."

"Well, paano kayong dalawa pumupunta sa school?" Tanong ko sa dalawa.

Aba, mahirap na. Baka kung ano pang mangyari sa anak ko pag pinaubaya ko syang sumama sa isa sa kanila.

"Gamit po tong motor sir." Pinakita ni Mark ang motor nya.

"Motor?"

"Opo sir, pero di nyo po kailangan magalala. Meron na po akong sariling lisensya. Meron po akong mga matitibay na helmet. Lagi ko pong inaalala ang kaligtasan ng anak nyo. I assure you that she will be safe and sound." Paliwanag nito.

"Makinig ka sa kanya pa. Mapapagkatiwalaan sya." Sabat ni Austin.

"Bakit hindi ka na lang kaya mag door to door." Sabi ni Zeke.

"Wala akong sasakyan. I go to school by bus, sir." Paliwanag ni Zeke.

"Motorcycle? Bus? Sa tingin ko mas maganda kung yung kotse ko na lang." Sabi ko sa kanila.

"Pa, sa tingin ko dapat si Ayah ang magdesisyon kung ano pipiliin nya." Sabi ni Austin.

"Papiliin nyo sya kung gusto nya sumakay sa kotse, motor, o bus." Dagdag nito.

"Ayah! Ayah!" Sigaw ni Austin.

Sakto naman ang paglabas ng anak kong si Ayah.

"Anong gusto mong sakyan papunta sa school? Gamit ang kotse ni papa, motor, o bus?" Tanong ni Austin sa kapatid nya.

"Hindi naman mahirap pumili. Pinaka best option ang kotse ko. Dahil hindi lang astig na mga designs meron ang kotse ko, kundi matipid sa gasolina at gawa sa alloy ang gulong nito, plus air-con at magandang music." Paliwanag ko.

"Sa tingin ko pa, tanggalin na lang natin yung kotse mo sa pagpipilian." Sabi ni Austin.

"Dapat hinahayaan mong mag adventure ang mga anak mo. Ang pagsama sa iba ay isang uri ng adventure." Sabi ni Austin.

"Fine then. Hahayaan ko ikaw pumunta sa school ng sarili mong diskarte." Sabi ko kay Austin.

"Nakapag desisyon na ako na kay Mark sasabay si Aliyah." Sabi ko.

"Nice! Congrats bro." Sabi ni Austin kay Mark.

Nagsimulang umalis si Zeke ng tawagin sya ni Ayah.

"Zeke." Lumingon ito at nagsalita.

"It's alright. Gusto ko lang ikaw makita. Masaya na ako pag nakikita ko ang mukha mo." Sabi nito at umalis.

So, it's decided then.

Kay Mark sasabay si Ayah.

**********

Ugly DucklingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon