Chapter 19: Snobbish?

15 0 0
                                    


Aliyah's POV

Nasa cafeteria kami ngayon ni Mark.

Kasalukuyang nilalaro nito ang buhok ko habang ako naman ay kumakain ng sandwich ko.

Isusubo ko na ang sandwich ko ng mapatigil ako.

Err, awkward.

"Go on." Sabi ni Mark.

Hindi ako makakain sa tingin na ibinibigay nila sa akin.

"Sa tingin ko, mas maganda kung sa garden ko na lang to kakainin."

Aalis na sana ako ng paupuin ulit ako ni Mark.

"Saan ka nanaman pupunta? Kainin mo na lang yan dito."

"Aliyah....."

Bumungad sa akin ang naka ngiting mukha ni Sarah.

"Pwede ba akong umupo dito?"

"Go ahead." Sabi ni Mark.

Nakangiting tumango naman ako.

"Ay, si Aliyah nga pala tinatanong mo hindi ako."

Sabi ni Mark sabay kamot sa ulo.

"Sure." Nasabi ko na lang.

Agad naman itong umupo at nagsalita.

"Ung tungol nga pala kahapon, gusto kong magpasalamat sayo."

"Wala yun."

"Pero, ayos ka lang ba? Nakita ko ikaw umiyak kahapon."

Napatigil ako saglit ngunit ngumiti din agad.

"Oo, ayos lang ako. Salamat Sarah."

Nagsimula na kaming kumain ng makita ko ang grupo ng mga babae sa di kalayuan.

"Sino yung babaeng yun?" Tanong ko kay Sarah.

Lumingon ito at tiningnan ang babaeng tinutukoy ko.

"Ah, si Vivienne yun. Sya ang president ng grade 10 students."

"Ang ganda nya." Mangha kong sabi.

"Maganda nga sya, matalino, at snobbish din." Paliwanag ni Sarah.

Nagpaalam muna ako kayna Mark at Sarah na pumuntang restroom.

Naghuhugas ako ng kamay ng biglang may magsalita.

"Aliyah, right?"

Napalingon ako sa nagsalita.

"Ah... Kilala mo kung sino ako?"

Nahihiya kong tanong kay Vivienne.

"Yup, you are quite famous. Nilike ko din yung fanpage tungkol sayo na Aliyah's phenomenon."

"Ah." Nakangiting sabi ko.

Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil nahihiya ako sa kanya.

Nilabas ko ang panyo mula sa bulsa ko at pinunasan ang kamay ko.

"Pareho tayo ng panyo."

Tumingin ako sa panyo nya.

Oo nga ano? Ang galing naman.

"Siguro pareho tayo ng taste."

Dagdag pa nito at ngumiti ako.

"See you later." Sabi nito at umalis.

"Maganda talaga sya. And she isn't snobbish at all." Sabi ko sa sarili ko.

Yep mabait siguro sya.

At isa pa kita naman sa mala anghel nitong mukha.

Lumabas na ako ng restroom at natagpuan si Sarah sa labas na hinihintay ako.

"Aliyah, may ginawa nanamang masama si Zeke." Saad nito.

"Nanaman?"

"Oo, tara na. Hinihintay ka ng mga tao."

Sabi ni Sarah kasabay ang paghila sa akin.

Ano nanaman ba ang ginawa ni Zeke?

Diba nangako na sya na hindi ito gagawa ng masama?

**********

Ugly DucklingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon