Chapter 29: Can I?

7 0 0
                                    


Aliyah's POV

Nandito ako ngayon magisa sa gitna ng resort para magmuni muni.

"Oy! Bakit nandito ka at parang nananaginip ka?"

Sabi ng kararating na si Mark.

"Paano ako hindi mananaginip? Tingnan mo, ang taas nung mga puno. Maganda yung atmosphere. Kulay blue yung langit. Ang ganda diba?"

"Umm, tama ka. Pero ganito naman araw araw."

"Hindi ko naman alam dati. Kadalasan, sa computer ko lang nakikita ang mga ganito. I only stayed inside the box. Paano ko makikita yun?"

Ngumiti ito biglang sagot. Nagtingin tingin ako sa paligid ng magsalita ito.

"I'm glad that you removed the box."

"Dapat lang. Hindi mo kailangan makipagkaibigan sa isang freak. Siguro ang weird ko? Me covering with that box."

"Oo. At ang weird mo pa din hanggang ngayon."

"Mark!" Sabi ko at pinalo sya.

"Sabihin mo nga ulit yung sinabi mo."

"Joke lang, joke lang." Sabi nito.

"Pero ang weird mo talaga." Tingnan ko naman sya.

"Joke! Joke lang! Seryoso, hindi ka weird."

"I can't be weird when I'm this cute." Biro kong sabi.

Umubo ito bilang sagot kaya napatawa na lang ako.

"Nung nakita ko ikaw suot yung kahon, I was really worried, you know? Parang ang dami mong mahirap na pinagdaanan kaya naisipan mong itago yung sarili mo sa kahon na yun." Sabi ni Mark.

"Thank you for understanding me. And thank you for looking after me all this time."

"Wala yun. It's easy peasy for me. I love to look after you." Sabi nito.

"Ah." Nahihiya kong sabi.

Hindi ko aakalain na ganito kasweet si Mark.

Mas lalo akong nahiya ng makita ko itong nakatingin sa akin.

"Anong tingin yan?"

"Wala." Sabi nito.

Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa iba dahil anytime baka maging kasing pula na ng kamatis ang mukha ko.

"Aliyah..." Napalingon ako sa pagtawag nito.

"Diba dati sabi ko gusto kong maging kaibigan mo diba?" Tumango naman ako.

"Pero ngayon, ito ang ang nararamdaman ko...." Nagtaka ako sa sinabi nito.

"Close your eyes first." Sabi nito at sinunod ko.

Nagulat ako ng biglang may dumampi sa pisngi ko.

Minulat ko ang mata ko ang hinawakan ang pisngi ko.

"Anong ginawa mo?" Nagtatakang sabi ko.

"I did this." Hinalikan nito ang daliri nito at dinikit sa mga labi ko.

Tinakpan ko ang mga labi ko sa gulat?

Teka, bakit nya yun ginawa?

Anong ibig sabihin nun?

Maya maya pa ay nagsalita ito.

"Can I be just more than a friend?"

Ano daw? Teka.

Loading.....

Nag sink in sa utak ko kung anong ibig nitong sabihin.

"Ah.... Ano kase.... Hindi ko alam...." Nahihiya kong sabi.

"Paanong hindi mo alam?" Nahihiya din nitong sabi.

"I just don't know."

"Alright. Hindi mo kailangan ibigay yung sagot ngayon. Ngayon, gusto ko lang malaman mo yung nararamdaman ko. Kung handa ka na, ibigay mo na lang sa akin yung sagot mo. Okay?" Sabi nito.

"Uu-um." Tango kong sabi.

"Deal?"

"If you say so."

Binago nito ang usapan para di ako mailang.

"Wow, ang taas nung mga pine trees." Sigaw nito.

"Ang ganda nung langit." Sigaw ko din.

"Can I hold your hand?" Sabi nito.

"No." Nahihiya kong sabi.

"No?"

Umiling naman ako.

"Okay then." Nahihiya nitong sabi.

At ganun lang ang ginawa namin. Nagtingin tingin habang nagusap sa nakikita namin sa paligid.

Today, Mark told me about his feelings.

And when I'm ready, maybe someday, I will tell him my answer.

**********

Ugly DucklingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon