***Cai's POV***
Hello po ^___^ Ako nga pala si Christina Angela Ignacia Lazaro "Cai" for short. Mahaba kasi masyado pangalan ko eh hahaha . Well i'm 24 years old isang model din kagaya ni Kyo at kung tatanongin niyo kung magkatrabaho ba kami, HINDI! Kwento ko sainyo ha ...dun sa Company ng Bench na pinagtratrabahohan niya kinukuha akong model kasi nung bumisita kami nila Ash at Cloe dun actually kaming tatlo ang kinukuha. Hetong si Ash tumanggi dahil hindi niya hilig ang magmodel ang hilig nun magluto! si Cloe naman hindi niya maasikaso yun dahil busy naman siya sa pagpapatakbo ng business niya ako naman tinanggihan ko nalang din dahil andun si Kyo! Ayokong makatrabaho siya no mamaya pagkamalan pa kaming magsyota! Yaks! Sira ang beauty ko pag ganon. Nagmomodel din ako sa magazines kagaya ni Kyo at model din ako ni Cloe sa company niya. So ang Characteristics ko Inside and Out! Maingay,madaldal at medyo makulit ako. Mabait naman ako medyo generous din at Masipag kagaya nina Cloe,Ash at Kyo. Bully din ako kagaya ni Kyo. Sweet akong tao. Shoppaholic ako kagaya ni Cloe. Suplada din ako pag dating sa mga taong maarte. Maganda ako at Sexy, Matangkad,Matangos, Round shape din,flawless pero hindi gaanong kaputian. Mahaba din pilikmata ko at brown eyes kaya kapag tumingin sila sa mata ko para daw may sinasabi. Status ko? Single! Ganon talaga wala pa kasi ako balak manlandi eh hahaha kahit madaming nagpaparamdam saken,
dedma lang! Hindi kasi sila yung tipo ko eh! Hahaha tyaka hindi naman ako nagmamadali ngayon eh kung dumating man siya ngayong taon na to! Abay grab the opportunity na haha tagal ko na ding single eh! Hahaha nga pala Parehas din kami ni Kyo ng problema na kapag lumalabas hindi maiiwasang may magpapicture saken pero hindi naman ako kagaya ni Kyo na mas gugustohing magstay sa bahay kaya heto kami ngayon ni Cloe nasa Mall dito sa Pasay sa Mall of Asia sa may parking lot at pinark niya yung kotse niya. After nun bumaba na kami at naglakad na papunta sa loob.
"Goodmorning Miss" Bati samin ng guard sa may entrance sabay ngiti saken kaya nginitian ko din. Goodmorning? Ah 11:30am palang pala.
"Bespren san ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Cloe
"Libot libot lang muna siguro tayo"
"Libot libot? Iss. Tara nalang sa botique mo bespren"
"Ok sige tara para mabisita ko din naman" yes! Sabay bibili ako ng damit at hihingi ng discount haha medyo may kamahalan din kasi mga damit sa botique niya eh pero kahit ganon madami paring bumibili
"Tara na bespren at bibili ako ng damit dun sabay penge ng discount" then naglakad na kami papunta sa botique niya nandito lang kasi sa firstfloor yun eh habang papalapit na kami! OMG! Tama ba yung nakikita? OMG TALAGA! I love this girl na talaga! Ako yung nasa poster ng botique niya.. ang ganda at ang sexy ko dun syempre kung hindi dahil kay Cloe d ako maganda dyan siya kasi nagayos saken at kumuha ng litrato alam na alam talaga niya yung angle ko hihihi. Akala ko biro biro lang niya yung sinabi niya saken nun pero tinotoo talaga niya! Ngayon lang kasi bumisita dito dahil sa sobrang busy sa work. Nang makarating na kami nagtinginan yung tatlong girls na kabibili lang nila at nagbulongan..
"Hindi ba siya yung nasa poster?" Sabi ni Girl 1 na mahaba ang buhok
"Oo nga no! Mas maganda pala talaga siya sa personal" sabi naman ni Girl 2 na mahaba din yung buhok pero kulot
"Tara papicture tayo para maiupload sa facebook para mainggit yung mga insecure satin" sabi ni Girl 2 na short hair pero cute siya i mean silang tatlo
"Tara girls" sabi ni Girl 1 na papunta na samin
"Ate pwede ba kaming magpapicture sayo?" Tanong ni Girl 3
"Ang ganda mo po kasi ate at diba ikaw yung nasa poster?" Sabi ni Girl 2 kaya ayun si Cloe iniwan ako! Huhuhu ano ba yan bat ba pumunta pa kami dito.
"Ah hehe oo ako nga"
"So ate pwede ba kami magpapicture para iupload sa facebook" sabi ni Girl 3
"Sure sige" kaya ayun isa isa silang nagpapicture saken
"Ate why so pretty? Nakakainsecure po hahaha" sabi ni Girl 3 haha nakakatuwa naman sila kaya nagtawanan nalang din kami
"Sige ate next time ulit thankyousoomuch pala" Sabi ni Girl 1 at lalabas na sana sila ng magsalita si Girl 2
"Ayy ate ano palang name mo?"
"Cai! Cai Lazaro"
"Ah sige Ate Cai bye po" nagwave sila saken at nagwave nalang din ako.. So ang haharapin ko ngayon si Cloe na nangiwan saken
"Hoy! Babae bat moko iniwan dun kanina?"
"Haha anong gagawin ko dun tutunganga?"
"Aruuuy! Tampo ka bespren? Dahil hindi sayo nagpapicture? Hahaha huwag ka magalala hindi naman kita mahihigitan mas madami nga nagpapapicture sayo eh" haha Oo! Tama yung sinabi ko hindi ko sya mahihigitan mas maganda nga siya saken eh at madami din nagpapapicture sakanya m
" hoy Lazaro tigil tigilan moko sa pambobola mo ha!" Hahaha bola pa daw! Marunong bako nun hahaha
"Anyway bespren ang ganda ko sa poster ko sa harap ha" then kinindatan ko siya
"Naman! Ako nagpicture sayo dyan eh at ako din nagayos sayo"
"Kaya love kita eh hahaha"
"Sus! Love your face! Hahaha love din kita bespren. Osya bumili kana at tara na sa labas" at namili na din ako! Ano ba bibilhin ko dress nalang siguro. Kaya ayun nakita ko dress ang Ganda! Panigurado design niya to. Tinignan ko yung price Php. 2599.00
"Bespren heto nalang oh bigyan moko discount ah"
"Shiela paki asikaso nalang gawin mo nalang 1500" utos niya sa cashier.aba! Tignan mo nga naman hahaha love love ko talaga to..
" aba! Laki ng discount ah dati hindi naman ganon kalaki"
"Sus! Gustong gusto mo naman hahaha"
"Syempre Medina ka eh,eh kaya hindi ka maruong maging madamot hahaha"
" hahahaha K!"
"Maam Cai 1500 pesos po lahat" sabi ni Shiela then sabay abot nung pera sakanya
"Maam change niyo po 500 pesos,thankyou po" then abot din niya saken yung sukli ko then ngumiti naman ako
"Oh halika na! Tarang department store may bibilhin ako dun" sabi ni Cloe saken then umalis na kami sa botique niya at papunta na kaming Department Store..***Cloe's POV***
Hi Guys! Sorry kung ngayon ko lamg ipapakilala sarili ko. Ako nga pala si Cloe Joy Medina galing sa Medina Family! Hahaha! Heto na talaga! I'm 23 years old ako ang pinakabata saming magkakaibigan pero ako ang pinakamatured magisip siguro dahil business minded ako. Isa nga pala akong photographer,make-up artist,gown and dress designer,wedding organizer,may ari ng isang company kung saan isa sa model ko so Cai at may restaurants din ako at coffee shop like starbucks. Edi ako na ang biniyayaan ng blessings! Well sabi ko nga hindi ako mayaman nasa middle lang ang buhay namin. Isa akong Tourism Management Graduate nang makagraduate ako nagaral pa kasi ako sa Fashion School ng 6months kaya naabot ko lahat ng mga to! At dahil narin sa may trabaho ako at sariling business hindi ko na sinubokang mag flight attendant pa. Characteristics ko inside and out? Mabait naman ako eh,Sa aming apat ako pinakamapagbigay at ako din lagi nanlilibre sakanila haha buset lang pero okay lang para sakanila naman. Suplada ako kagaya nila Cai,Ash at Kyo pag dating sa maarteng tao. Ayoko sa plastic na tao. Minsan madali din maginit ulo ko lalo na pag tatanga tanga ang isang tao.Prangka din ako at bully. Mataray ako pagdating sa lalaki pero pag kay Kyo ayos lang. Status ko? Single din gaya nung tatlo! Hahaha pero yung si Cai at Ash hindi manhater kagaya ko. Ako kasi man hater eh mula nung paglaruan ako ng taong minahal ko naging Man hater ako! Malabo na ata na may makakapagpabago saken hahaha minsan nga tinutukso ako nila Cai,Ash at Kyo na tomboy daw ako! duh? Tomboy sa ganda kong to? Aba di naman ako papayag dun no. Hahaha kaya yang status ko sa lovelife tyaka na yan wag na muna natin pagusapan dahil malabong may magustohan ako At may magkagusto saken. Outside looks? Maganda,matangkad medyo sexy bakit medyo hobby ko na kasi kumain mula nung maging single ako eh. Matangos na ilong,matabang pisnge,pangahan, medyo malaki nuo pero bumagay naman saken,mahabang buhok, medyo maputi di gaya nina Kyo at Ash na maputi magkakulay lang kase kami ni Cai eh. May magandang mata na kapag tumingin ka mapapangiti ka nalang at maliit na lips na pinkish. So heto kami ngayon ni Cai nasa MOA at dumiretsyo kami sa botique ko at ayun nakita ko sa mata ni Cai na masaya talaga siya dahil siya yung nilagay kong model sa poster sa botique ko at alam ko namang yun ang gusto niya kesa daw iba ang ilagay ko. So nung pagpasok namin may tatlong girls na katatapos bumili at nagbulongan pero dinig na dinig naman at si Cai ang pinaguusapan haha oh diba! Bongga sikat na talaga tong bruhang to! Kaya nung lumapit yung tatlong babae na gusto magpapicture kay Cai umalis nako pumunta ako sa mga employees ko na nagtratrabaho dun at tinanong sila kung okay ba sila dun sabi naman nila okay lang daw sila. Tong si Shiela naman sabi malakas daw yung botique ko madami daw bumibili edi wow! Haha maya maya lumapit na din saken si Cai nagrereklamo bat ko daw iniwan kesa naman magtunganga ako dun,diba? Then sinabi ko mamili na sya at ginawa naman niya. Nahanap nya yung dress na ako ang may design kaya nagdiscount ako Sakanya ng 1000 oh doba malaki na din yun! Kaya after niya bumili lumabas na kami ng botique at papuntang Department Store..