***Cai's POV***
"Oh bespren dun muna ako sa mga kurtina at mga glassware ha dyan ka muna" paalam saken ni Cloe
"Sige hintayin nalang kita dun sa mga may vase bibili din kasi ako ng vase para sa kwarto ko"
" okay sige puntahan nalang kita dun mamaya" sabi niya saken at nagsimula na syang maglakad papunta sa mga glassware at pumunta na din ako kung saan nakalagay yung mga vase..
"Tsk! Ano ba bibilhin ko maliit o malaki? Sa table ko lang naman ilalagay eh" kinakausap ko sarili ko pero hindi naman malakas hahaha wag niyo isiping baliw ako ha.. At biglang lumapit saken yung isang sales lady
"Maam hindi ba ikaw yung model sa Cloe's Company at sa may botique sa first floor" oo nga pala nasa second floor kami ngayon
"Oo miss kaya huwag ka nalang maingay ha hehe" dahil pag nagingay to naku! Pagkakagulohan nanaman ako eh
"Oo maam sige mas maganda pala talaga kayo sa personal"
"Nambola kapa haha"
"Totoo po maam"
"Osya salamat miss sige mamimili muna ako ha tawagin nalang kita mamaya para i assist ako" sa totoo lang ayoko kasing may nakabuntot saken eh hindi ako nakakapili ng maayos
"Osige maam dun nalang muna ako" at umalis na din siya. Haays! Ano ba bibilhin ko lakad dyan tingin dun hanggang sa may nakita akong vase na ang sexy ng dating pang girlalu talaga kinuha ko siya at tinignan yung price Php. 1599.00
"Mura lang pala eh heto nalang" sambit ko sa sarili ko kaya hawak hawak ko na siya ngayon di kasi ako nakakuha ng basket kanina eh lakad parin dyan tingin dun hanggang sa
*braaaaag....craaaaaack*
Oh shit! Patay..tinginan tuloy saken yung mga tao!! Cloe asan kana huhuhu. Sino ba kasi tong tatanga tangang hindi tinitignan yung dinadaanan ayan tuloy nabasag yung vase na hawak ko..Napaupo nako at pinupulot yung vase na basag..
"Paano na to hindi pa nababayaran ang tanga tanga mo kasi" sabay tingin dun sa lalaking mukhang nataranta din na nakatayo lang at tinitignan ako. Pero teka! Shiiiiiit! Ang gwapo niya ah OMG! Magsorry ka lang ako na magbabayad dito.
"Ako pa tatanga tanga hindi bat dapat ikaw bat ba kasi wala kang basket,stupid!" Ayyy! Putangina pala neto! Bastos eh. Gwapo nga pero bastossss! Issss. Pigilan niyo akooo nakakainis na ah.. Tumayo nako..
" Sino ba satin ang hindi tumitingin sa dinadaanan ha? Bayaran mo yan" pagrereklamo ko sakanya..ugh! Tangina talaga kainis huhu! Siya pagbabayarin ko neto. Bwisit lang talaga.. Cloe asan kana ba!!!
"Bayaran? Ikaw magbayad dyan tatanga ka kasi bat dimo hinawakan ng maigi" tanginaaaa talaga! Masasapak ko na to pag di ako nakapagpigil sige!!
"Aba! Uulitin ko ha! Sino ba ang tatanga tanga na hindi tinitignan ang dinadaanan ha? Ikaw nga tong tumakbo at binangga ako! Bwisit kang impakto ka! Bayaran mo to sabi eh!" Pagpupumilit ko nagtitinginan na mga tao saken..pumunta na din yung sales lady na kausap ko kanina at andito na din ai Cloe..***Cloe's POV***
"Aba! Uulitin ko ha! Sino ba ang tatanga tanga na hindi tinitignan ang dinadaanan ha? Ikaw nga tong tumakbo at binangga ako! Bwisit kang impakto ka! Bayaran mo to sabi eh!" Teka! Boses ni Cai yun ah! Ano nanaman kaya ginawa ng babaeng yun! Teka sino yung kasama niya aba! Pogi din ah hahaha bagay sila ni Cai bwahahaha
"Oh anong nangyayari dito?" Tanong ko sakanila. Tumingin saken yung sale lady,si Cai at yung lalaking kasagotan niya.
"Eh heto kasi oh tatanga tanga" turo niya dun sa lalaking pogi pero halatang nabwibwisit na din. Hahaha ang cute naman netong dalawa! Naku baka forever na ni Cai to. Nang mapansin ko may vase na basag! Ayoooown! Nagets ko na.
"Anong ako? Eh ikaw tong tatanga tangang may hawak ng vase alam mong babasagin yan dika kumuha ng basket mo" oh! Tama nga naman si Pogi bat ba naman kasi walang basket tong si Cai
"Ako pa ngayon! Ah BASTA! Bayaran mo na to impaktong lalaki ng matapos na"
"Sa gwapo kong to? Impakto? Impakto your face"
"Aba't sasagot ka pa bayaran mo na sabi" naku! Tong dalawang to talaga! Nakakahiya na. Lalo tong si Cloe model pa mandin siya sa botique at company ko eh alam niya namang madaming nakakakilala sakanya..
"Osya! Tama na yan! Para vase lang eh bayaran mo na pogi"
"Sino ka naman? Kahit purihin mo ako hindi ko babayaran yan" aba! Kaya naman pala talaga nagaway tong dalawang to eh!
"Hoy ikaw umayos ka sa pagsagot saken ah! Kinakausap kita ng maayos"
"Eh sa ayoko ngang bayaran eh" iss! Nakakainis na ah! Nabwibwisit nako..
"Osya tara na Cai ako na magbabayad dyan wala tayong mapapala dyan sa taong yan"
"Pero--"
"Wala ng pero pero Cai nakakabanas yang taong yan eh" ayun hinila ko na si Cai papunta cashier ng makarating kami din
"Miss heto bayad nung vase na nabasag nung lalaking nakatayo dun" turo ko sa kinatatayuan nung lalaking bastos na yun sabay lapag nung 2k sa may cashier then binalik na niya yung sukli ko.
"Aba! Galante talaga tayo ngayon ah" tatawa tawang sabi ni Cai saken
"Eh kung hindi ka tatanga tanga kanina edi sana naka save pako ng 2k"
"Eh bat kasi binayaran mo!"
"Shunga lang te? Eh halatang ayaw naman bayaran nung nakabangga sayo kanina"
" isss! Basta pag nagkita ulit kami nun sisingilin ko ng doble yun"
"Osige maghintay ka hanggang pumuti ang uwak" sinimangotan lang niya ako hahaha
"Osya tarang starbucks naginit ulo ko dun eh"
"Mas mabuti pa bespren haha" naglakad na din kami papuntang starbucks at nasa firstfloor yun.***Cai's POV***
Dahil sa kagagawan nung impaktong lalaking bumangga saken naginit tuloy ulo ko pati narin tong si Cloe.. Hindi na ata nya natiis yung bangayan namin nung impaktong lalaking yun kaya siya na yung nagbayad ng vase na nabasag oh diba gahaman hahaha kaya ngayon andito kami sa starbucks syempre libre din niya haha oh diba siya na madaming pera.. Pumasok na kami at dumiretsyo sa cashier para magorder
"Bespren cookies and cream saken. Large samahan mo na din ng doughnut" hihi susulitin ko na to ngayon lang ulit kami lumabas eh.
"Aba ayos ka talaga bespren"
"Sige na bespren kong dyosa"
"K"
"Hahahaha sige dun na muna ako para may upuan tayo" at pumunta nako sa may gilid para umupo. Haaays! Sakit ng paa ko kanina pa kami naglalakad..***Cloe's POV***
Andito kami ngayon sa starbucks ni Cai! Nakakainit kasi sila ng ulo kanina eh. Ewan ko kung anong pangalan nung nakabangayan ni Cai kanina sa Department Store.. Gwapo pero bastos talaga! Tsk kaya nagpalamig kami ni Cai dito sa starbucks.. At heto na nga order niya large na cookies and cream yung favorite ko pa hahaha kaya no choice! Bibilhin ko talaga para sakanya..
"Goodafternoon Miss Cloe" Afternoon? Ayshet dna namin namalayan yung oras dina kami naka pag lunch ni Cai at heto na yung Lunch namin kaya magorder nalang ako cookies and doughnuts at bakit Miss Cloe? Oo kilala ako dito kasi diba nga may coffee shop ako at kilala ko yung manager dito at kilala ko din lahat ng employees dito
"Goodfternoon din Shane"
"Ano po order niyo maam?"
"Two large cookies and cream caffee 100% sugar. Two cookies and two doughnuts"
"Okay maam Php.685.00 lahat maam" then inabot ko na yung 1k at sinuklian agad ako.
"Maam Cloe anong ilalagay ko sa isa?"
" Sulat mo Cai kuripot" hahaha sorry bespren
"Ay! Andito din po si maam Cai?"
"Oo shane ewan ko nga kung san na nagpunta yun haha osige hanapin ko muna siya paserve nalang ha. Thankyou"
"Sige po maam" at hinanap ko na si Cai at ayun nasa gilid hahaha mukhang timang ahahaha
"Tagal mo ah!" Reklamo niya saken tss
"Edi ikaw na sana nagorder!"
"Biro lang bespren haha labyu thankyou na din pala hahaha"
"Anong thankyou? Gaga may kapalit yan no! Haha ikaw din sa susunod"
"Hahaha okay fine!" Then nagtawanan lang kami.
"Nga pala bespren si Kyo nagpapabili ng JCO"
"Edi ibili mo siya"
"Tsk! Sinasabi ko lang para samahan moko"
"Ok fine! Hahaha" at dumating na din yung order namin..
"Hoy babaita! Bakit Cai Kuripot ang nakalagay dito?" Hahaha napansin pala niya
"Bakit ba trip ko eh"
"Haha sige dahil dyan sa ginawa mo magiging kuripot nako pag dating sayo" hahaha tinatakot ba ako netong babaeng to hahaha
"Whatever Cai hahaha pero infairness haba ng hair mo kanina ah" Mapagtripan nga to hahaha
"Anong mahaba pinagsasabi mo?" Sabay subo siya ng cookies haha
"May nakasagotan kang gwapo hahaha" pangaasar ko sakanya
"Gwapo nga bastos naman bwisit talaga yun"
"Hahaha sinabi mo pa"
"Hayaan na nga natin yun after neto san na tayo pupunta?" Tanong niya saken
"Tara na sa JCO tapos uwi na tayo pagod na din ako eh"
"Oo gusto ko na din umuwi baka makita ko pa yung impaktong nakabangga saken kanina" tapos nagtawanan kaming dalawa hanggang sa maubos na namin kinakain at iniinom namin kaya heto papunta na kaming JCO..Cai's POV
Burp busooog! Haha sarap talaga kapag libre haha so heto kami ngayon papuntang JCO para ibili ng doughnut si Kyo..kaya lakad lakad lang hanggang sa makarating na kami..
"Goodafternoon Maam Cloe and Maam Cai" sabay ngiti saamin ni Cloe.. Pero teka Paano neto alam yung name namin..
"Goodafternoon din bat mo alam pangalan namin,miss?" Tanong ko sa cashier kasi nacurious ako haha
"Sikat naman po kasi kayo maam nakikita ko po kayo sa magazines at social medias"
"Ah ganon ba" sabay ngiti sakanya. Grabe ganito na ba talaga kami kasikat haha kelan lang nung mangilan lang ang pumapansin samin nung highschool kami ngayon ang dami na nila.. Kung hindi dahil kay Cloe hindi ako magiging sikat..
"Osya pabili ako neto tapos ayon tapos heto pa" sabay turo sa mga doughnuts then every turo ko kuha naman niya agad
"Php.450.00 po lahat Maam Cai" at dahil nga saken nagpabili si Kyo edi ako talaga magbabayad kaya inabot ko sakanya yung 500
"Maam change niyo po Php.50.00" ngumiti siya saken sabay abot yung sukli ko at kinuha ko din naman agad.. So after namin makabili naglakad na kami papuntang parking lot at umuwi na..