***Clark's POV***
Badtrip yung dalawang babaeng yun ha! Akala ba nila bibigay ako. Hindi no! Lalo na yung palengkerang yun..Bwisit! Pagsabihan ba naman akong impakto! Eh panget na nga,tatanga tanga pa! Pero alam ko namang kasalanan ko yun pero ano magagawa ko mataas pride ko eh! Hahaha At kung bakit ako tumakbo nakita ko lang naman yung mga gustong magpapicture saken Kaya tinakbuhan ko kaya nabangga ko yung bwisit na babae na yun! Ok time's up muna dyan magpapakilala muna ako. Ako nga pala si Clark Legaspi 24 years old Architecture Student Graduate from UST. Ako ay model sa magazines at sa bench. Katrabaho ko nga pala sina Kyo,Dane at Sky. Bestfriend ko nga pala si Sky mula pagkabata.Characteristics? Gwapo,matangkad,katamtaman lang ang payat,heart lips, pointed nose at badboy. Pikonin ako,Bully person at Mataas din pride ko,binansagan nga din akong playboy eh dahil sa mga papalit palit kong girlfriend! Kasalanan ko bang maging pogi? Biro lang haha Kaya lang naman papalit palit girlfriend ko madali kasi ako magsawa sakanila kumbaga past time ko lang sila.. Masama na kung masama kasalanan ko bang magkaganito ako nagmahal na ako ng sobra pero anong ginawa iniwan lang din ako. Kaya mula nuon hindi na ako nagseryoso sa relasyon. Status ko? Heto open relationship sabi ko nga hindi ako nagseseryoso kung sino naglalandi saken pinapatulan ko nalang.. Oh tama na yang lablayp ko. Asan naba tong sina Dane,Sky at Kyo kanina pa ako dito sa MOA usapan 1:30 hanggang ngayon wala parin tsk! Matawagan nga tong si Dane...Dialling Dane...
(Pre asan na kayo?) tanong ko kay Dane
(Malapit nako pre. Andyan naba sina Sky at Kyo?)
(Wala pa pre)
(Gago yung Sky na yun ah naisahan nanaman ako)
(Tss! Dalian mo nalang)
(Andyan na pre namimiss mo nanaman ako eh)
( imissyou fafa Dane)
(Pakyu pre hahahaha Bye) ayuuun! Pinatay na hahaha tsk! Kahit kelan talaga di marunong tumupad ng usapan yung mga ugok na yun..***Dane's POV***
What's up guys? Ako nga pala si Dane Martin 25 years old. Model ng bench at magazines. Katrabaho ko si Kyo,Clark at Sky. Bukod sa pagmomodel may sarili akong restuarant sa MOA! So Characteristics? Gwapo,matangkad,may magandang katawan,maliit na ilong,maliit na labi basta gwapo ako..yun lang yun! bully, minsan tahimik lang,gentleman ako at magaling din magluto. Oh tama na yan saka na yung iba yan nalang muna! Status ko? Single! Wala kasi akong matipuan eh kagaya ni Kyo hahaha dadating din siguro yung kaforever ko,soon! Andito na pala ako sa MOA sa parking lot! So after ko mag park pumasok nako! Ang init kaya dito sa labas.. Tsk! Nga pala asan na si Clark! Speaking of Clark Gago yun ah! Fafa Dane pa daw! Ay shit nabakla na ata! Hahahaha teka matawagan nga..Dialling Clark....
(Oy tukmol san ka banda?)
(Ulol! tukmol ka dyan! Andito lang ako sa loob ng department store)
(Osige papunta na pre) then pinatay ko na yung call At pumasok nako sa entrance tapos nagmadaling pumunta sa Department Store...nang marating ko ang DS asan na yung tukmol na yun ang luwang netong DS eh tss! Matawagan na nga ulit..
Dialling Clark...
(Pre san ka banda? andito nako sa loob ng DS)
(Anong DS?)
(Ay tanga! Department Store)
(Ay sorry naman daw ah. Andito ako sa number 46 sa Men's Wear) then pinatay ko na yung call at nagsimula ng maglakad papunta dun.. Lakad lang tingin dyan hanggang sa ayuuun natanaw ko na siya!
"Boom!"
"Gago! Ang tagal mo!"
"Pogi eh"
"Sino ako? Salamat" aba! Siya pa daw pogi gago to hahaha
"Hahaha pek u men"
"Oh! Asan na si Sky at Kyo?" Tanong saken ni Clark. Tsk!
"Nasa bulsa ko siguro hahaha"
"Umayos ka ah! Kanina pako nababanas bwisit na babae yun" ano daw babae? May kumalaban nanaman dito hahaha
"Tama ba yung narinig ko? Babae? Anyare? Uso mag kwento?"
"Matuto kang maghintay"
"Wow! Hugot si Legazpi hahaha"
"Shut up!" hahaha kasarap bwisitin ay!
"So paano ba yan dito nalang tayo maghapon nakatayo?" Tanong ko sakanya hahaha
"Eh asan naba kasi yung dalawang ugok na yun?"
"Malay ko! Eh ikaw nauna dito bat dimo tawagan" utos ko sakanya...
"Peram ako ng phone mo!"
"Aanhin mo phone ko?"
"Gagawin kong martilyo at ipukpok sa ulo mo ng magkaroon ka ng common sense,tss"
"Why so sungit fafa clark?" Hahah yaks! Fafa Clark grrr.
"Dali na peram ako! Wala na kasi akong load" ayyy oh! Si Legazpi walang load haha taghirap ata to ngayon ah!
"Haha mahirap kana pala ngayon pre" sabay abot sakanya yung phone ko..
"Putangina mo"
" hahahahaha pikon"***Clark's POV***
Masasapak ko na talaga tong tukmol na to! Nabadtrip na nga ako kanina dadagdag paba to! Tsss. Lakas mantrip eh! Tsk! Isa pa yung phone ko naubosan ng load hahaha napakaswerte ko talaga ngayong araw na to! Fuck! Asan naba tong Sky at Kyo na.. Isa pa tong dalawang to nakakainit ng ulo! Matawagan na nga.Dialling Sky...
(Yow! San kana pre?) bungad ni Sky saken
(Tangina pre! Asan kana ba? Kanina pa kami dito nagaantay ni Dane)
(Oooh! Clark ikaw pala yan. Heto malapit na asan ba kayo banda at puntahan ko nalang kayo dun pag dating ko)
(Diretsyo ka nalang sa starbucks dun ka nalang namin antayin magoorder nalang din kami)
(Sige pre)
(Si Kyo asan na?)
(Hindi daw siya makakapunta pre)
(Bakit daw?)
(Tinamad daw eh)
(Ok sige antayin ka nalang namin dun bilisan mo) tapos pinatay ko na yung call! Tsk! Gagong Kyo yun ah inatake nanaman ng katamaran. Tsk!"Oh ayan na yung phone mo" sabay abot kay dane! Hahaha
"Aba sunget natin ah! sorry na fafa Clark" hahah bwisit! Fafa yaks! Dahil sa sinabi niya binatokan ko nalang siya kaya nagtawanan nalang kami
"Tara na sa Starbucks dun natin antayin si Sky" at nagsimula ng maglakad papuntang starbucks..***Dane's POV***
Gagong clark to ah! Siya na humihiram ng phone ang sungit sungit pa! Binatokan pako! Hahaha kunsabagay pikon kasi... Hahaha pero teka Ah! Sino kaya yung babaeng tinutukoy niya nacucurios tuloy ako hahaha mamaya ko nalang tatanongin sakanya pag meron na si Sky para siya ang hot seat mamaya hahaha speaking of Sky ang tagal naman ng tukmol na yun! Pinagkagulohan nanaman yata o baka nagchix nanaman hahaha lupet talaga nung taong yun! Haha Heto kami ngayon ni Clark papuntang Starbucks ayos na din yun ng makaupo nako nangangawit nako eh para malamigan na din tong kumag to! Kanina pa mainit ang ulo hahahaha so ayan lakad lakad lang hanggang sa makarating na kami sa Starbucks.. Binuksan nung guard yung glassdoor kaya pumasok na kami.. Kaya hetong kasama ko diretsyo sa Cashier akala ko pa mandin uupo na muna tss! Kaya heto sinundan ko nalang ang gago...
"Goodafternoon mga pogi" bati samin nung baklang cashier na nagpapacute samin hahaha kaya nginitian ko nalang! tong si Clark nginitian din kaya halatang kinilig tong malanding baklang to haha
"Isang caramel cappucinno" sabi ni Clark tapos tumingin saken yung beki
"Ahh saken Teavana Youth Berry nalang"
"Ulitin ko lang po yung order niyo ha isang caramel cappuccino at isang teavana youth berry and total of Php 300.00 pesos po" inabot ko yung bayad ko kay Clark at siya na yung nagbayad at inabot niya Php.500 pesos
"Your change sir Php. 200" sabay abot ng barya kay Clark at kinuha naman agad neto kaya pumunta kami sa gilid dun kami umupo para iwas sa mga tao. Teka san naba si Sky! Tss. Maitext na nga..
To: Sky
(Pre san kana andito na kami starbucks)
1 message receive from sky.....
(Andito na pre! papasok na ng starbucks) finally! Andito na din siya after 123456789 years hahaha***Sky's POV***
Yow! What's up guys... Ako nga pala si Sky Kurt Santos 23 years old Architecture Graduate from UST. Gaya nila Kyo,Dane at Clark isa din akong model. Sakanilang tatlo ang pinaka close ko ay si Clark dahil siya yung bestfriend ko mula pagkabata pero yung dalawang kumag close ko din sila. Characteristics inside and out? Masungit pero may sense of humor,sweet akong tao at maeffort,playboy ako kagaya ni Clark mula ng lokohin ako ng babaeng pinakamamahal ko,shet! Naalala ko nanaman. Erase erase! Continue...Matapang akong tao at ayokong kinakalaban ako. May mga ibat ibang business kami dito sa pilipinas at sa ibang bansa, pag wala akong trabaho sa pagmomodeling nagiging architect naman ako at may sariling company. Higit sa mayaman na ako gwapo,matangkad,maputi at sexy body at matatawag na HOT! Korean look daw ako pero wala naman akong lahi eh. Tsk! tama na yan! Kilalanin niyo nalang ako dito sa kwentong to.
![](https://img.wattpad.com/cover/72122284-288-k609547.jpg)