Clark's POV
Nasan naba kasi yung dalawang yun! Natapos na kaming magjetski, ni hindi na nga sila nakasunod. Abay san na pumunta yung dalawang yun! Kaya heto hinahanap sila. Hindi matawagan yung phone ni Cloe malaman lowbat na yun. At yung phone naman ni Sky naiwan niya sa hotel room namin. Halos 20minutes na kaming nag aantay sakanila at wala padin. So nag desisyon na hanapin na sila.
"Maghiwa hiwalay nalang tayo para makita sila! Meeting place natin ay dito sa harap ng booth. Okay!?" - Paliwanag ni Ash saamin. At nagsigalaw na din kami. Naghiwahiwalay na din kami. Si Ash, Cai at Dane pumuntang Hotel Room, Si Kyo sa may FoodHall, ako naman papunta ako dito sa Garden.
.
.
.
.
Walk
.
.
Walk
.
.
.
Walk
.
.
.
Hanggang sa may marinig akong familiar ba boses."Ang sarap basagin yung bungo ng gagong yun! Bakit ba kasi sila nandito. Haays! Nakakapang init talaga ng ulo."- Sambit neto habang himihithit ng yosi So, Nandito lang pala ang kumag.
"Mukhang mainit ulo natin ha?" - Tanong ko kay Sky. At mukhang alam ko na kung bakit.
"tss!" - tipid na sagot niya saakin sabay buga ng usok ng yosi niya.
"Akala ko ba naka move on kana?" - patanong kong sinabi kay Sky habang nagyoyosi na din. Kaya napatingin lang siya saakin at tinignan lang ako.
"Nakita ko na sila kagabi pa. Magkatapat ngalang yung room natin sa room nila" - Dahil sa sinabi kong yan bigla nalang nagsalubong mga kilay niya sabay hithit ng yosi. Tss!
"Bakit hindi mo sinabi?" - Iritableng sagot niya saakin.
"Bakit ko sasabihin? Wala ka ng pakialam sakanila diba? Naka move on kana?"- Medyo napapataas yung boses ko sa pagkasabi ng mga ito sakanya.
"Kahit na ba! Pambihira naman Pre!"
"Umayos ka nga! Mag iisang taon na magmula nung maghiwalay kayo. May mahal na siyang iba kaya tumigil kana at huwag magpa apekto! " - Nabubulyawan ko na din sya ng konti.Naiinis kasi ako sa tuwing nakikita ko siyang ganito. Nakita ko, Nakita namin kung gaano siya nasaktan at nagising miserable ang buhay niya dahil sa iisang babae. Kaya ngayon sobrang chic boy na. Lahat nalang ng babae nakikilala niya pinaglalaruan.
"Tangina Pre! hindi ko alam bakit ganito to yung nararamdaman ko!! " - Halong emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya.Pangungulila,Galit,Pagmamahal at yung sakit na nararamdaman niya dulot ng ginawa ng ex niya. Hindi pa nga nakaka move on haaays!
"Naiintindihan kita pero Pre tama na! Sinasaktan mo lang sarili mo. Dapat nga ipakita mo sakanya/sakanila na kaya mo. Huwag ka ng papaapekto, kasi pag nagpaapekto ka. Ikaw ang talo! Tandaan mo yan!" - Kaya napabuntong hininga nalang siya ng malalim. At nagsindi ulit ng panibagong yosi.
"Sana ganon kadali pero hindi eh!" - Aba! Kokontra pa din.
"Madali lang kung tutulongan mo sarili mong nakawala dyan!"
"Isang taon na pero ang hirap pa ding tanggapin Pre!" - Sabay yuko si gago.
"Pucha Pre umiiyak kaba?" - Pakantyaw kong tanong habamg nagpipigil ng tawa.
"Gago hindi! Napuwing lang!" - Depensa niya sa sarili.
"Napuwing your face! Iba nalang Sky Wag ako! Hahahhaha tangina! Umiyak si Gago!"- Kaya binatukan ako ni Gago.
"Yow! Masakit yun ah!" - Panrereklamo ko sakanya. Sakit powss ng ginawa niya,
"Mas masakit yung iwanan ka dahil may iba na siya" - Pang huhugot ni Sky kaya diko na mapigilang matawa at mapamura.
"wahahahahaha! Potangina Pre! Hugot pa. San mo nakukuha yan"
"Tsss! Dyan sa tabi tabi naririnig ko lang!"
"hahhahahahaah Kelan kapa naging tsismoso?"- May pagtsismoso para ang bespren ko! Hahhaa
"Tangina Clark! Isa pa! Namumuro kana tlaga. Masusuntok na kita"
"hahahahaha oh! Kalma! Hindi ako yung kalaban dito. Hahahahaha So ano okay kana?" - Tanong ko sakanya sabay akbay sakanya. At inabotan ng chocolate.
"Yown! You" re the best man! Alam mo talaga paano ako lambingin!"- Sabay bukas ng Maltesers na bigay ko sakanya.
"Pucha! Para tayong magjowa neto! Hahahaha Eh kung magjowa nalang kaya tayo Pre?" - Pang gagago kong tanong habang tumatawa.
"Inamoka! Ano ako Bakla! Hahahaha wag ako Clark iba nalang!"
"hahahah hindi ka naman mabiro. Nga pala nasan si Cloe"- Curious na tanong ko sakanya dahil sila lang naman ang naiwang magkasama kanina. At ng natapos kaming magJetsi ay wala padin si Cloe.
"Ewan ko dun! Arte arte ng babaeng yun! Bwisit lang ako dun!" - Paliwanag niya habang patuloy na kumakain ng chocolate. Hanggang sa may sumingit at nagsalitang babae sa likuran namin. Kaya napalingon kami agad. At napalingon ako agad sa Tuhod niya.
"Ah! Maarte pala? So,kaartehan na pala yung sinasabi ko lang yung totoo. Bakit Sky? Diba Sinabi ko naman sayo na masakit na yung kamay ko sa ginagawa mo kanina. Pero patuloy mo pa din akong hinihila at mas lalo mo pang hinigpitan. Nung sinabi mong dadalhin mokong clinic dahil may sugat ako. Maniniwala na sana akong mabait ka,pero nagkakamali lang pala ako! Tapos ako pa maarte? Wow Sky! SALAMAT HA SA PAGIGING CONCERN CITIZEN MO PERO WALEY DIN PALA!"-Pagtataray ni Cloe saamin sabay walk-out. At hindi din maganda yung lakad niyan siguro dahil sa sugat niya sa tuhod. Pero teka ano ba nangyari talaga.
" Sky ano ba talaga nangyari? Bakit ganon nalang yung galit sayo ni Cloe?"- Nakatayo ako habang tinatanong siya.
"tsss! Ewan ko dun!" - Pagtataray din ni gago sabay walk-out. Kaya imbes na siya ang hinabol ko, Si Cloe ang hinabol ko. At ayun! Hindi pa siya nakakalayo at pasigaw na tawag ko sa pangalan niya.
"Cloooooooe!! Sandali! Antayin moko!"- Ayun! Tumigil at lumingon saken. Kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo para marating agad siya.