**ASH'S POV***
Time Check: 6:00 am
Aga ko yatang gumising ngayon hahaha di halatang excited eh no? Bakit ba! Tapos na din pala ako magempake ng gamit ko. Buti nalang pinayagan akong mag leave ng ilang araw.Mamaya ko nalang din tatawagan si ate para makausap si mom maaga pa eh. Magising na nga yung tatlo.*Cloe's Door*
..tok..tok..tok...
"Oh Bespren may kelangan ka?"- Tanong niya saken at aba aga din gumising neto ah.
"Oo ikaw tara ayosin natin mga dadalhin mamaya"- Sabay hila sakanya
"Wait lang manang Ash dipa ako tapos mag empake eh. Sina Cai at Kyo nalang,please?"- at nagpacute pa
"Okay fine"
"Thanks"- Sabay sarado ng pinto. Loko yun ah.**Cai's Door**
..tok..tok..tok..
Naaa! Nasa Canada pa yata to. Tsk!
..tok..tok...tok...
"SINO BA YAN? ALAM NIYONG NATUTULOG YUNG TAO EH"-Bulyaw niya sa loob ng kwarto nya. Aba! Beastmode ang lola niyo
"BAT HINDI MO KAYA BUKSAN NG MALAMAN MO"- na ah! Nacarried away naman ako dun hahaha pati tuloy ako na beastmode na. Kaya narinig ko namang papalapit na siya
"Oh anong kelangan mo?"- Tanong niya saken sabay walk out papuntang bed nya at humiga ulit kaya pumasok nako
"Huy gising may gagawin pa tayo"- Me
"Mmmmmmn"- Cai
"Babangon ka dyan o bubuhosan kita ng mainit na tubig? Mamili ka" Tanong ko sakanya
"ANO BA YAN INAANTOK PAKO EH"- Sabay tayo at kamot ng ulo luhhh! May kuto siya? Hahaha Kaya dumiretsyo siya ng banyo at hindi ito sinara
"Sssssssssh...ssssssssh...sssssssh"
"Wahahahaha takte! Ang lakas Cai ah"
"Anong magagawa ko eh ihing ihi nako. Lumabas kana nga dito nakakaimbyerna yang mukha mo"- Pantataray na sagot niya saken hahaha
"Hahahaha mas lalo kana. Sige after mo dyan bumaba kana ah"- Kaya lumabas na din ako. Pababa na sana ako kaso diko pa pala napuntahan si Kyo. Iss mamaya na yun alam kong tulog mantika yun haha. Kaya dumiretsyo nakong kusina magluluto pako ng breakfast namin eh. Kaya nagluto nako ng kanin at nagpakulo na ng mainit na tubig."Aaayy palaka!"- Ano ba yan nakakagulat naman tong si Cai. Parang kabute kung san sumusulpot
"Itsyura mo Cai ayos mo nga"
"Kasi naman inaantok pako eh ano ba gagawin ko?"- Panrereklamong tanong niya. Kahit kelan talaga ang reklamo.
"Ihanda mo nalang yung mga binili niyo ni Cloe nun. Ilagay mo sa isang bag"- Utos ko sakanya kaya pumunta naman agad
"San ako kukuha ng bag?"
"Dyan sa drawer"- Sinunod naman agad niya
"Oh san ko ilalagay tong mga to?"- Tanong niya saken habang bitbit bitbit ito.
"Itabi mo lang dyan"- At sinunod naman niya.
"Oh san ka pupunta?"- tanong ko sakanya
"Matutulog malamang! Duh! Ang aga aga pa kaya. Inaantok pako no!"- Magsasalita pa sana ako kaso nagwalk out na ang lola niyo. Sakto nandito na din si Cloe
"Anyare dun?"- Tanong saken ni Cloe
"Hayaan mo yun hahaha bat ang aga mo yatang nagising?"- Tanong ko sakanya at umupo naman siya sa tabi ko
"Hindi kasi ako nakapag empake kagabi eh kaya inagahan ko nalang gumising"
"Ibig bang sabihin niyan sasabay ka samin?"- tanong ko sakanya kaya tumango naman siya "Paano yung work mo?"
"Okay na yun tyaka bahala na yung secretary ko. Kung may problema kako tawagan nalang ako agad"
"Good"
"Oh kumukulo na yung tubig"- Sabat niya saken. Kaya dali dali ko namang pinatay. Kaya kumuha ako ng baso naming dalawa at nilagyan to ng mainit na tubig.
"Oy Cloe ikaw na kumuha ng 3 in 1 dyan tutal mas malapit ka naman"
"Yes maam hahaha"- Tumayo naman siya at kumuha.
"Mamayang 9 pa alis natin diba?"- Tanong niya saken kaya tumango ako.
"Hanggang kelan pala tayo dun?"- Tanong ulit niya saken
"Ewan ko din eh. Basta ako nagpaalam na"- Saka ako humigop ng kape
"Sa tingin mo Ash mababait kaya yung ipapakilala ni Kyo satin?"
"Ewan ko.Malalaman palang natin mamaya"- kwentohan lang kami ng kwentohan kung ano mangyayari kung mageenjoy daw ba kami bla bla bla
"Oh 7:45 na pala manang Ash. Magluto kana ng ulam at gigisingin ko na yung dalawa"- Utos niya saken kaya tumayo na din ako.