REMINDER:
This chapter is rated SPG. It contains scenes with themes, language, violence and sex which may not be suitable for children. Strong parental guidance is advised.
Cloe's POV
Abay gago din yun eh no? Ako pa ang maarte? Tsss! Ang higpit kaya ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Maniniwala na sana akong mabait siya pero hindi! Buset siya! Hayss, huhuhu! Ang sakit ng tuhod ko! Buset talaga yun! Malas siya. Haaays! Hindi na nga ako nakapagjetski. Sana hindi ko nalang siya sinundan. Pabebe kasi putek! Tapos sasabihan pakong maarte? Wow talaga....hanggang sa may tumawag sa pangalan ko.
"Cloooooooe!! Sandali! Antayin moko!"- Kaya na pahinto ako at napalingon sa taong tumatawag sa Napakagandang pangalan ko..Tss! Si Clark lang pala.
"Oh! Bakit? Problema natin Clark!?" - Pantataray kong bungad na tanong sakanya. At heto siya ngayon hingal na hingal.
"Oh! Kalma! Hindi tayo magkalaban!" - Paliwanag niya habang hingal padin ng konti. Kaya nagsimula nakong maglakad.
"tsss!" - Yan ang Bukod tanging naisagot ko sakanya. At sinabayan na din ako sa paglalakad.
"Alam mo bang kanina pa namin kayo hinahanap!"
"Kung hindi ba naman pabebe yung kaibigan niyo edi sana hindi niyo na kami hinanap pa! Tapos sasabihan pa akong maarte. Tss!"
"Ano ba kasing nangyari? At napano yang tuhod mo!?" - Tanong saken ni Clark habang tinuturo yung tuhod ko.
"Yang magaling niyo kasing kaibigan. Sabi ayaw mag jetski. Syempre nung una,masaya ako dahil masosolo ko yung jetski pero nakonsensya ako kasi umalis na palayo kaya hinabol ko siya. At Ayun may butas pala dun, Kaya napasubsob ang mukha ko. Buti na ngalang walang galos yung maganda kong mukha yung tuhod ko lang hahahaha"- Pagpapaliwanag ko sakanya habang tumatawa.
"Buhat Bangko si Medina hahahahhaha!" - Kaya nagsalubong agad yung dalawa kong kilay. Kaya pinitik ko yung tenga niya.
"Araaaaay! What was that for?" - Pasigaw na tanong niya habang hinahaplos yung tenga niya. Hihi sobrang red na.
"For Telling na buhat bangko ako tsss!" - Then bigla siyang napasmile. Lah! May sapak yata to
"I'm just kidding! Maganda ka naman talaga!" - At dahil sa sinabi niyang yan! Ayoooown! Uminit bigla ang mundo. Uminit bigla ang mukha ko.
"You're Blushing Medina!" - Patuloy padin ang pang tutukso niya saken.
"tsss! No, I'm not!" - Depensa ko sa sarili ko kahit na totoo yung sinasabi niya.
"Yes! You do hahaha!" - Kaya napayuko nalang ako sa sinabi niya at binilisang maglakad kaya nauuna nako. Pero sadyang mabilis ding maglakad ang loko
"Ang cute mo!" - Sabay Smile saken. Halla sige! Mambola kapa.
"Hoy Clark! Tumigil ka sa pambobola mo at baka gawin kitang bola bolang siopao dyan" - Pambabanta ko sakanya. Pero syempre jk lang yan. Dko pa naman kaya magluto na tao. Hahaha. Hindi lang din kasi ako sanay na may gumaganyan ulit sakeng lalaki. Si Kyo kasi puro lait lang yun e.
"nakakatakot ka naman! Ate wag po! Bata pa po ako! Sayang po ang lahi ko kapag gagawin mokong bola bola"- Sabay! Yakap sa mismong sarili niya hahahah Lakas din ng tama neto.
"hahahahaha buset! Kaya tumigil ka sa pambobola mo. Baka totohanin kong gawin kang bola bolang siopao!" - at dahil hindi din papatalo. Napangisi ang loko.
"Okay lang basta ikaw kakain saken!" -Sabay kindat ang loko.
.
"hahahaha ayoko! Hindi ka masarap! Konti lang laman sayo!"- Pambibiro ko sakanya.
" Huwag ako Medina! Baka pag natikman mo ako! Balik balikan mo ko!" - Kindat sabay ngisi si loko! Hype yan! Grrr.
"Utut mo Clark! Kulay Pink" - Kaya napa isip siya sa sinabi ko
"Bakit Pink aber? Nakikita mo ba yung utot ko ha?" - Tanong niya habang naniningkit ang mga mata niya
"kasi Pinnnnk! Naiipit yung utot mo! Hahahahaha"
"ha-ha-ha!" - Sarakastikong tawa ni loko sabay sabing "Last muna yan Medina ha? Last muna yan!"- Kaya napapoker face ako sakanya. At napapouty lips
"tseeee! Isa ka ding buset! Dyan kana nga!" -Kaya mas binilisan ko maglakad at Ayuuuun! Natatanaw ko na ang mga bespren ko hahaha. Pero mas sinigaw padin ang loko
"Next time wag mo ng gagawin yun kundi hahalikan kita! Hahahaha" - ay! Loko! Pektusan ko yun eh. Pero hindi ko nalang pinansin. Hanggang sa magsalita si Cai.
"Ayan na pala siya eh!" - Sabay buntong hininga. Okay! Hindi sila natutuwa sa nangyayari.
"Hoy Cloe Joy Medina! At saang lumalop ng lupa ka nanamang nang galing ha? Kanina ka pa namin hinahanap!" - Nakapamewang habang pinapagalitan ako ni manang Ash. Akala ko tapos na siya pero hindi pa pala nagsalita nanaman.
"At yang cellphone mo itapon muna ha! Hindi manlang matawagan!" - tsss! Lowbat nga eh. Hindi ko dala powerbank ko kanina.
"lowbat po. Sorry na mga bespren!" - Paghihingi ko ng paumanhin sakanila. Hanggang sa mapansin kong nandito na din pala si Sky na kanina pa ako pinagmamasdan. Tss! Kaya napakunot noo ako. Pero syempre hindi makakawala yung bandage sa tuhod ko.
"oh! Anong nangyari dyan sa tuhod mo Cloe?"-Tanong saken ni Kyo. At syempre si Kyo yan. Overprotective pag dating sa kutis,pangangatawan, kasuotan,damit basta overprotective. At ng mapansin kong yumuko si Sky. Ay wow! Payuko yuko pa. Tsss!
"Wala to! Nadapa lang kanina pero okay na!"- Paliwanag ko sakanya.
"Next time nga magingat ka Cloe! Hay naku!"- Paalala ni Kyo saken habang salubong ang kanyang nga kilay
.
"Oo na! Tsss"-Tanging sagot ko sakanya. Hanggang sa magsalita na ulit si Ash.
"Total kumpleto naman na din tayo, Tara na sa mga room natin ng makapagpahinga konti then kakain na. Isang oras nalang din. Panghaponan na" - At nagsimula ng malakad. Wow! Walang pa antay. Si Cai naman busy sa pagpipicture. Yng boys naman naglakad na. Sumunod na din si Cai.
"Hoy Cloe! Tara na!" - Tawag saken ni Cai.
"Oo heto na! Ikaw kaya masugatan! Tsss!" - Pero huminto ako saglit at pinagmasdan yung dagat. Grabe! Ang ganda!
"Tama na yan! Maglakad kana!" - Pambabasag ni Clark saken. Ay wow! Nandito pa din pala to.
"Kahit kelan talaga panira ng Momentum haaays" - Kaya inirapan ko siyabat nagsimula ng maglakad. Pero si Loko ayun nakangiti lang. Haaays! Baliw na yata yun.
"Caiii wait lang! Antayin moko!" - Sigaw ko kay Cai at ayun inantay naman din ako.
**********
Hi Guys! Thankyou for reading this Chapter!
Don't forget to Vote and leave a comment.
Have a nice day everyone!
Godbless!