***Cloe's POV***
6 o'clock na din nung natapos yung mass! Oraaayt. Peace be with you po ✌🏼️ at dahil gabi nanaman saan nanaman kaya kami kakain. Magluluto ba o kakain nanaman sa labas.
"Ate ganda bili kana po sampaguita sampung piso lang po" Sabi nung batang babae saken na lumapit at tinitinda saken yung sampaguitang hawak niya.
"Osige bata bilhin ko nalang lahat yan" sagot ko naman sakanya
"50 pesos po lahat ate ganda" Kaya inabot ko sakanya yung 100 pesos kaya kinuha niya at sinuklian ako ng 50 pesos pero hindi ko kinuha at hinawakan ko kamay nung batang babae na nagtitinda saken ng sampaguita at clinose yung kamay nya
"Sayo na yan ibili mo ng pagkain mo ha" Sagot ko sakanya
"Pero ate ganda ang laking halaga po netong binibigay niyo" woaaah! Medyo pumaltik yung tenga ko. Para sakanya malaki na yun pero saken ang liit lang nun. Huhu!
"Sayo na yan tulong ko na sayo"
"Salamat ate ganda" sabay yakap saken
"Nagaaral kaba bata?" Tanong ko sakanya
"Opo ate ganda kaso minsan laging absent dahil wala pambaon sa school kaya heto naglalako ako ng sampaguita para may pambaon at pambili ng pagkain" awww! Naawa tuloy ako gusto ko siya tulongan mukha naman syang mabait. Oh nooo! Cloe wag masyado magtitiwala at wag papadala sa awa. Kilalanin mo muna yang batang yan baka mamaya hawak ng sindikato. Naku patay kang Cloe ka!
"Ano bang pangalan mo?"
"Mary ann po ate ganda"
"Ilang taon kana?"
"8 years old po"
"Oh! Ang bata mo pa. Kumain kana ba?" Tanong ko sakanya
"Hindi pa po ate ganda sa bahay nalang po para po kasama ko si lola kumain"
"Gusto mo ba ihatid nalang kita sa bahay niyo?"
"Ayy wag na po ate ganda salamat nalang po pero kaya ko pong umuwi"
"Eh baka mapano ka tyaka medyo madilim na din"
"Hindi ate ganda kaya ko po. Sa susunod nalang na araw ate ganda" Hindi man okay sa loob ko dahil tinanggihan niya ako wala nako magagawa kundi respetohin desisyo ng batang to.
"Osige magiingat ka ha. Magkita nalang ulit tayo next time"
"Opo ate ganda babye po" at tyaka nagwave saken at umalis na. Nang mapansin kong wala na pala yung tatlong kasama ko.Makapunta na nga sakanila tyak nasa parking lot mga yun.
"Ang tagal mo manang Cloe nakailang call at txt na kami sayo!" Bungad na tanong ni Cai saken nandito na din ako sa parking lot. Kaya kinuha ko yung phone ko sa bag at tinignan.
Bespren Kyo Pogi 7missedcall
Bespren Cai Ganda 10missedcall
10 message receive Bespren Cute Ash
(Cloe asan ka?)
(Clooooe!)
(Where the hell are you now?)
(Hooy panget)
(Galit nako!)
(Galit na si Cai at Kyo asan kana ba?)
(Pangeeet mo Cloe)
(Huy)
(Bahala ka mauuna na kami)
(MAIWAN KANA! BYE) Ay halla ang daming txt at calls hahaha
"He he sorry mga bestfriends" Sabay nag peace sign ako sakanila
"Itapon mo na yang cellphone mo,useless ugh!" Sabat naman saken ni Kyo amp
"Sorry na nga diba?"
"Tsss" Tipid na sagot niya sabay pasok sa kotse nya kaya pumasok na din kami
"San kaba kasi galing ha?"Tanong naman ni Cai saken. Kaya pinakita ko yung hawak kong sampaguita sakanila
"Kaya pala may naaamoy akong sampaguita eh" Sabat naman ni Ash na katabi ko dito sa likod
"Oh bakit yang sampaguita?" Iritang tanong ni Cai hahaha
"Ipapakain ko sayo ng hindi ka Slow forever ugh!" Kaya sinimangotan niya lang ako hahaha
"Oh Cai paki sabit dyan sa harap" utos ko sakanya
"Ayoko nga amp!"
"Eh kung ipakain ko talaga sayo to gusto mo?" Pantataray ko sakanya iss
"Eh kung sumagot ka nalang kasi ng maayos kanina amp akin na nga yan!"
"Galit ka nyan?" Sinimangotan lang niya ako sabay sabit sa may mirror ng kotse ni Kyo at tumingin sa labas.
"Tama na nga yan!" Sabat ni Ash samin
"Magsorry ka Cloe"
"Duh? Bat ako magsosorry?" Heto nanaman ako sa pagtataray.
"Mas lalo naman ako!" Sagot naman agad ni Cai
"Katatapos natin magsimba tapos ganyan kayong dalawa? Gusto niyong ako ang magalit sainyo ha?" Seryosong tinig ni Ash kaya emeged nakakatakot sya kaya wala nako nagawa kaya nag sorry nalang ako
"Sorry na Cai,ang slow mo kasi"
"Ahaaays!" Sagot naman ni Ash
"Oo na sorry na din Cloe wag kasi pilosopo ang panget mo pa naman"
"Anong panget ka dyan eh ako pinakamaganda sating tatlo tsk"
"Huy! Gumising ka nga sa katotohanan ako kaya pinakamaganda" Sabat naman ni Ash
"Anong ikaw manang Ash. Ako kaya,Dyosa pako" Sabat naman ni Cai
"Urrg! Ang drama talaga ng mga babae nakakainis!" Sabat naman ni Kyo kaya binatokan ko siya
"Pag ikaw nagdrama tamo malilintikan ka saken" Sagot ko sakanya
"Oo nga Kyo ang kontrabida mo" Sagot naman ni Cai
"Oyyy! Pinagtulongan ako. Bati na sila wahahahaha" Kaya binatukan ko siya pinalo naman siya ni Cai kaya nagtawanan kami apat na parang nakawala sa mental hospital hahaha
"Tara na uwi na tayo at gabi na din" Sabat ni Ash samin
"Hindi na tayo kakain?" Tanong ko sakanila
"Kaya ka tumataba eh kain ka ng kain" Sagot naman ni Kyo saken
"Isss. Gutom nga kasi ako"
"Padeliver nalang tayo ng Pizza" Sabat naman ni Cai saamin
"Mas mabuti pa nga,kaya tara uwi na tayo" Kaya pinaandar na din ni Kyo yung sasakyan.
.
.
.
🚘
.
.
Hanggang sa makarating na kami ng bahay si Ash naman yung nagbukas ng gate kaya pinasok naman agad ni Kyo yung kotse nya at dumiretsyo ng parking lot. After niya ipark bumaba na din kami at dumiretsyo sa bahay. Binuksan ko na dahil ako una pumasok at diretsyo salas sumunod naman yung dalawa si Kyo at Cai. Si Ash nalang dpa nakakasunod. At maya maya meron na din siya.
"Manang Ash tutal ikaw nakatayo paki tawagan yung greenwich" Utos ni Kyo
"Wow Kyo ah makautos lang wala manlang pagkaplease amp!" Sabay cross arm pa ang lola niyo hahaha
"Please?" Sagot naman agad ni Kyo
"Tsk! Oo na" Kaya dumiretsyo siya kung nasan nakalagay yung telepono.
