Nakakunot ang noo niyang tumingin sa akin kaya tinapatan ko rin siya. Eh di nagkunutan noo naming tumingin sa isat isa.
Natawa naman si kuya gwapo sa ginawa ko.
"Halika ka muna rito miss, ipapakilala lang kita sa baby brother ko." sabi nito sakin kaya bumaba na ako ng tuluyan sa hagdan at hindi na nakanoot ang noo ko. Baka kagkawrinkles pa ako no? Mahirap na.
Pumunta na ako sa tabi ni kuya gwapo kasi sa tingin pa lang nung tukmol na yun parang kakainin na ako ng buhay.
" Aldrich, I want you to meet...." tumingi sakin si kuya kasi hindi pa pala kami magkakilala.
"Madelyn, Madelyn po name ko but you can call me Lyn for short", pagakatapos ay ngumiti ako dun sa tukmol.
Tumingin sakin ng matalim yung kapatid ni kuya gwapo. Grbe naman itong isang ito. Ang dilim ng aura.
"So?" maldito nitong sagot.
Abat! Punyemas naman oh. Sinasabi ko nga bat maldito tong tukmol na ito eh .
"Al,dont be rude to our visito,"saway nito sa kapatid.
"I dont care. At bakit mo dito dinala yang babaeng iyan?Nag uwi ka naman ba ng mapagpapalipas ng oras mo ha?", bastos nitong turan sa kuya.
Ewan ko ba pero nag init bigla ang pakiramdam ko sa sinabi niya.
" I didnt expect na kahit ganitong kabata ay pinapatulan mo na", dagdag pa nito.
Sasagot pa sana si kuya sa sinabi ng kapatid nito paero inunahan ko na siya ng.....SAMPAL.
Sinampal ko ang sikat na teen actor na si Aldrich Morales. Binuhos ko lahat ng lakas ko para sampalin ko siya at tumagal pa sana ng ilang araw ang bakat ng kamay ko sa kanya.
Nagulat si kuya sa ginawa ko lalong lalo na si tukmol. Huh? Anong akala niya sakin ,ganoong babae?
"Anong tingin mo sakin huh? Ganoong nga babae? Excuse me, baka nga ikaw ang pumapatos sa mga fans mong babae eh. Baka nga 10 y/o ay INAANO mo pampawala lang iyang libog mo sa katawan mo!!!", pagdidiin ko talaga ng mga salitang iyon sa kanya. Bastusan na kung bastusan! Siya ang nauna kaya pinagpatuoy ko lang ang nasimulan nya.
"How dare you talking to me like that?",sighal niya sakin at mahigpit ang pagkakahawak nya sa braso ko pagkatapos ko siyang sampalin.
"At bakit? Hindi ba totoo? Hindi mo ba alam ang kasabihan na kung ano ang hinala, siyang gawa? Binibintangan mo kami pero ikaw pala ang gumagawa?"
"Abat! Sino ka ba para akusahan ako ng ganyan?" mataas pa rin ang boses nya sakin.
Eh nagkamali ka ng hinamak ,boy. Akala mo porket dead na dead sayo ang mga kababaihan ay walang lalaban sa iyo at magmimistulang aso ng susunod sunod sayo?
"Okay, masyado nang mainit dito. Al, she's only a lady. Wag mo syang patulan", awat samin ni kuya.
BINABASA MO ANG
Because It's Magic
HumorAldrich Morales. Pangalang tinitilian ng kababaihan. Madelyn Fernandez. Gabriellang Amazona. Typical story of a normal girl and a superstar.