Madelyn's POV
"Wait lang po,sandali lang!!!",habol ko dun sa bus namin. Wala akong pakialam kahit nasa gitna na ako ng highway.
Shete!!! Kasalanan ko kasi eh, hindi kasi ako nakinig sa pananakot ng adviser namin. Eh hindi ko naman akalaing iiwanan talaga ako? Ang sabi kasing balik ay 7:30 pm eh bumalik ako ng 8:00 pm.Akala ko hihintayin talaga ako , eh buset naman ,oo. Iniwanan ako.Kaya eto ako ngayon parang tangang aso na humahabol sa bus namin tapos ang mga lecheplan ko pang mga kaklase, hindi man lang ako maalala? Hindi man lang sabihin na, "ma'am, si Madelyn po naiwan ng bus,, ma'am, si Madelyn po wala pa po"
Okey, wala talagang pakialam sa akin ang mga butihin kong kaklase, kaya nagmumukha talaga akong tanga dito!!!
Hindi ko na alam ang gagawin ko, nagkandahalo halo na ang frustrations,nerbyos kasi hindi ko alam ang gagawin ko, inis at tampo dahil hindi man lang ako maalala ng mga hinayupak kong kaklase, pagod sa kahahabol sa bus na yan at mahihimatay pa yata ako dahil sa halong halong emosyon. Ang bigat pa ng bag ko dahil sa marami kong biniling souvenir....
Naman oh, napaupo na lamang ako sa gitna pa mismo ng daan kasi kahit anong habol ko ay hindi ko na natatanaw ang bus na iyon. Wala akong pakialam sa mga naririnig kong sasakyan na nagbubusina dahil nakahambalang ako sa daan, ang gusto ko lamang ay umuwi akong ligtas sa amin. Packing tape!!!!!!!!!!!!!wala na rin akong pera kasi nagastos ko na lahat .
Great, oh great!umiyak na lamang ako at hindi ko namalayan na nagdilim na rin ang paningin ko at nawalan ng malay sa gitna mismo ng daan pero bako tuluyang mawala ang ulirat ko naramdaman kong may kumarga sa akin at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

BINABASA MO ANG
Because It's Magic
HumorAldrich Morales. Pangalang tinitilian ng kababaihan. Madelyn Fernandez. Gabriellang Amazona. Typical story of a normal girl and a superstar.