Tumili ako ng napakalakas samantala naibuga niya ang iniinom niyang tubig.
Nagpanic ang buong sistema ko nang makita kong may tao sa kusina. Hindi ko alam kung paano ko matatakpan ang bakat sakin! Anong gagawin ko?!
Wala na akong ibang maisip kundi ang umalis doon. Tumakbo ako ng mabilis para lang makapunta ako sa kwarto ko. Pagkasara ko ng pinto ay napasandal ako at hawak hawak amg dibdib kong hingal na hingal. Ginawa ko ang pinakamabilis kong takbo para lang makaalis sa lugar na iyon. Ang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko iyon mapakalma.
Shete! Nakita nya! Nakita ni Aldrich!
Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Namumula ako sa hiya! Dagdag pa na ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. First time ko lang makaharap ang isang lalaki na walang anumang saplot sa katawan. Correction,meron namang t-shirt. Pero kahit na! Pakiramdam ko ay nakahubad ako.
Tumalon ako sa kama at nagtalukbong ng comforter. Naiiyak ako! Naiiyak ako na ewan. Hindi ko alam kung para saan pero feeling ko,nabastusan ako. Si Aldrich pa ang nakakita nun! Nakakahiya talaga! Hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko sa susunod na magkaharap kami. Ang tanga-tanga ko! Hindi dapat ako nagpadala sa utak ko at sa tyan ko! Dapat pinagpabukas ko na lang ang pagkain eh di sana hindi ako natataranta ngayon!
Patay gutom kasi eh...
Busit kang utak ka! Arggh! Naiinis ako sa sarili ko. Anubayan, nagutom ka pa kasi eh,ayan tuloy.
Sa kaiisip ko sa nangyari kanina ay nakatulog na pala ako, masyado kasing naoccupied ang utak ko sa sari-saring naisip ko at hindi na ako bumaba pa sa kusina para kumain. Nagising lang ako sa katok sa pintuan.
Bumangon ako sa kama. Pinikit pikit ko pa ang mata ko kasi nanlalabo pa iyon sa biglang pagmulat. Lutang pa ang isip ko kaya wala pa akong pakialam sa ayos ko.
Tinignan ko ang wallclock. One thirty am pa lang ng madaling araw. Ang aga aga,nambubulabog. Sino ba itong istorbo na ito?
Binuksan ko ng maluwag ang pinto ko. Nakapikit pa konti ang mata ko pero bigla na lang ito bumuka ng malaki ng makilala ko kung sino iyon. Namula siya pagkakita sakin at sa ibang direksyon napatingin.
Bigla kong naalala ang ayos ko kaya pabalibag kong sinara ang pintuan. Binuksan ko ulit iyon pero maliit na lang at ang ulo ko lang ang nakalabas.
Nandoon pa rin sya na nakatayo at inibang direksyon ulit ang tingin nung binuksan ko ang pinto.
Wag sana niyang ungkatin ang kanina...
Panalangin ko sa utak ko kasi hindi ko talaga alam ang sasabihin. Sana...
"Bakit?", mahina kong tanong. Itinapat niya sa mukha ko ang isang plastic bag.
"Anong gagawin ko riyan?",pagtataka ko. Bigla bigla ba naman ipresent sakin. Aanhin ko naman yan,diba?
"Tss,kainin mo",. Ang sunget na naman niya. Siya na lagi may mens.
Nang hindi ko pa inaabot ang plastic bag na iyon ay bigla na lamang niyang idinikit iyon sa mukha ko. Hinawi ko iyon at kinuha sa kanya. Ang bastos naman!
Pagkakuha ko nun ay agad na siyang umalis sa tapat ng kwarto ko at mabilis ang mga hakbang na pumasok sa kwarto niya. Pabalibag pa ang pagkakasara niya ng pinto.
Problema nun? Sinara ko na lang ulit ang pintuan ko. Umupo ako sa kama saka ko tinignan ang laman ng plastic bag na bigay niya.
Huh? Undies? Mga bra iyon at panties. Mga nakabalot pa ang lahat. Halatang hindi pa nagagamit. Saan naman kaya siya nakabili sa gànitong oras?
Iba iba ang laki ng bra,siguro hindi niya alam ang sukat, haha..tapos ang mga panty rin,iba iba ang size. Meron pa ngang XL eh. Grabe,hindi naman siguro aabot sa ganito ang laki ng panty ko no? Siraulo talaga iyon. Naisipan niyang isa ang XL sa pwedeng maging size ko. Teka,bakit ba ako nagrereklamo rito? Eh sa binilhan niya ako? Napangiti ako sa inisip kong iyon. Ako bibilhan ng isang Aldrich Morales? Haha,assumera na naman ako. But somehow, I feel like i'm the luckiest girl on earth. Bakit ba ako nageenglish? Basta ang alam ko...kinikilig ako,tapos!
Nilabhan ko iyong undies,yung sizes ko lang. Hindi ko nilabhan lahat kasi hindi ko naman magagamit ang lahat ng iyon. Napapangiti pa rin ako kapag naiisip ko yun... At konting kilig. Hala,bakit ba ako kinikilig? Hindi ko naman siya crush! Saka suplado pa rin siya!
Okay,heto na naman ako...nagagalit ng walang dahilan. Baliw na nga yata talaga ako.
Bumalik ulit ako ng tulog pagkatapos ko gawin ang mga dapat kong gawin. Naudlot kasi ang tulog ko kanina kaya babawi ako ngayon.
Naalimpungatan ako ng gising. Bumalikwas na rin ako ng bangon. Chineck ko ang wallclock, 8:00 na pala ng umaga. Nag inat ako. Ang sarap matulog. Gusto ko sanang bumalik ulit sa pagkakahiga pero dapar ko nang asikasuhin ang pag-uwi samin. Sigurado akong todo na ang pag aalala ng mga magulang ko sakin. Miss na miss ko na rin sila pati na ang yakap at halik ni mama. Mama's girl ako eh.
Pumasok na ako ng banyo at ginawa ang dapat ginawa. Naligo na rin ako at ang undies na suot ko ay yung bigay ni Aldrich tanda ng pag appreciate ko sa bigay nya. Teka,papaano ko naman ipapaalam ang appreciation ko?
Aldrich,suot ko pala ang bigay mo. Salamat ah? ,natawa ako sa naisip ko. Mukha naman akong pokpok nun. Wag ko na nga lang ipaalam.
Sinusuklay ko ang buhok ko habang nakaharap sa salamin. Habang ginagawa ko yun ay napapaisip ako kung ano ang gagawin kong paraan para makauwi samin. Eh kung manood kaya ulit ako ng t.v? Baka ianunsyo ulit ang pagkawala ko?
Napabuntong hininga ako. Yun na nga siguro ang magagawa ko,ano pa ba? Wala naman akong pera at hindi ko alam ang pasikot sikot rito sa maynila. Isa pa, napakatanga ko sa direksyon. Ang alam ko lang ay kung paano pumunta sa school at umuwi samin galing dun. Hindi kasi ako laking maynila kaya wala akong alam.
Pagkatapos kong magsuklay ay naghagilap ako ng papel sa bag. This time,sisiguraduhin ko na may papel sa tabi ko para kapag ianunsyo ulit ang number,ready ako.
Sana ianunsyo...
Patuloy kong dinadasal iyon habang nakaharap ako sa television. Solo ko ang t.v dahil umalis raw ang magkapatid sabi ni manang. May kanya kanya sigurong lakad ang mga iyon.
Ano ba?! Naiinip na ako. Maghapon lang akong nakatutok sa kaparehong channel kung saan ko napanood ang mga magulang ko pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Nagpadala na lang ako ng pagkain at dito na lang ako kumain para wala akong malagpasan. Kapag naiihi naman ako, ipapabantay ko muna ang t.v sa kasambahay at pagbalik ko,itatanong ko kung may pinalabas na mag asawa na nananawagan...wala naman daw.
Napatingin ako sa orasan sa may dingding. Mag aalas otso na ng gabi. Tapos na rin ang programa kung saan saktong ipinalabas sila mama at papa. Ang napanood ko lang ay ang bagyo na tatama rito at sa lugar namin. Malakas daw pero hindi iyon ang inaabangan ko kaya dineadma ko nalang ang news.
Ganun na lang iyon? Naluluha ako sa disaapointment at frustrations. Nasayang na naman ang araw ko na nakanganga sa t.v buong maghapon,umaasa na pagkakataon ko na para makauwi samin...hindi naman pala. Napahilamos na lang ako ng mukha. Hindi ko kaya mag-isa ito. Kailangan ko humingi ng tulong. Habang tumatagal ako rito, baka lalong maisip nila na masama ang nangyari sakin at sumuko sila na hanapin ako.
May bumusina sa labas. Hindi ko alam kung kaninong sasakyan iyon. Paakyat na sana ako ng hagdan nang magtama ang paningi namin. Siya ang unang umiwas pero nahalata ko ang pamumula niya ng makita ako at tuloy tuloy lang siyang pumunta ng dining room.
Bakit naman mamumula iyon? Baka kinikilig siya sa ganda ko,haha ang hangin lang dre...
Buti alam mo...
Shete,inaaway ko na nman ang sarili ko. Pero bakit nga namula iyon? Malabo naman na crush ako nun kasi hindi naman ako kasing ganda ng mga leading lady niya. Ang layo nga ng itsura ko sa itsura ng mga iyon eh. Sila,laging naliligo samantala ako...nevahmind.
Napatutop ako ng bibig ng may pumasok na dahilan sa isip ko. Hala,ang eksena sa kusina... Naaalala pa rin nya?!
BINABASA MO ANG
Because It's Magic
HumorAldrich Morales. Pangalang tinitilian ng kababaihan. Madelyn Fernandez. Gabriellang Amazona. Typical story of a normal girl and a superstar.