Madelyn POV
Nakakainis na Aldrich nayon. Napakabastos! Akala mo kung sinong gwapo! Ehem ,gwapo nga sya pero kahit na. Kailangan nya akong patunguhan ng ganon?Buset sya. Akala o kung sino. Kaya dapat lang na hindi ako nagka crush sa kanya! Ang yabang! Unang tingin ko palang sa kanya, halata nang napakayabang!
Puro na lang akong yabang no?Hehe, nakakainis kasi ang tukmol na yon. Napakabastos! Ngayon naman bastos? :P Hahaha,gulo ko. Ah basta! HIding hindi ako magtatagal sa bahay na to. Yung mission ko sanang asawahin yung may ari nito? Wag na! NEVAH!
Padabog kong isinara ang pinto pagdating ko sa kwarto. Badvibes na badvibes ako ngayon! Kumulo pa man din ang tyan ko sa gutom kanina , nawala nung nakausap ko yung tukmol na yon. Hay, ang init talaga ng mga dugo ko sa lalake kaya napagkakamalan akong lesby nito eh. No boyfriend since birth! Masisisi nyo ba ako ! eh lahat ng lalaki para sa akin ay mayayabang! Tenamo! Tulad ng mokong yan ,
Hmpp!
Buksan ko nga muna tong bag ko. Bawasan ko nga lang ng konti ang pasalubong ko para sa family ko.
Pagbukas ko ng bag, kumuha lang ako ng kaunti para sa akin . Buko pie mula sa amusement park. Hmmmm,,ang chalap chalap.
Hala, T.T . Durog durog na yung pie. Pano ko kakainin to aber?Wawa aman ako nito. Bukod sa inaway na nga ako ng tukmol na to, mukhang malilipasan pako ng gutom!
Bakit pa kasi sa sobrang strict ng magulang ko, hindi man lang ako mabilhan ng phone? Buset na buhay naman oo. Tulad na lang ngayon, pano ko sila kokontakin nyan! Akala nila , magboboyfriend agad ako dahil sa cp? Hello, hindi ako ganoong babae no? Nakakasura talaga! Mom, Dad! Ayaw ko rito! Punyemas naman kasi eh!
Itulog ko na lang siguro to. Baka mawala rin maya maya.
Aldrich POV
Nagpaalam na ako sa kuya ko na daig pa sa pari kung mangaral. Oo nah! Ako na ang mali! Heto na nga oh. Napagtripan lang naman eh. -_-
Umakyat na ako ng hagdan at pupunta sa kwarto ko. Pero pagdaan ko dun sa isang kwarto bago ang sa akin ay may naririnig akong humihilik.
Grabe naman yon. Parang baboy na kung matulog ang isang yon. Ito siguro yung babaeng inuwi ni kuya. Makapunta na nga lang sa kwarto at makapagpahinga na.
Madelyn POV
Nagising na ako mga bandang alstres pagtingin ko sa wallclock.
=_=. Antok pa ko.
Kruuu--- Kruuu---
O.O
-_- Oo nga pala. Hindi pa nga pala ako kumakain kanina pa.
Gutom na gutom nako.!
Bumangon na akoo sa kama at tumayo na. Pakapalan na lang ng mukha keysa naman mamatay sa gutom diba? Di bale na lang.

BINABASA MO ANG
Because It's Magic
HumorAldrich Morales. Pangalang tinitilian ng kababaihan. Madelyn Fernandez. Gabriellang Amazona. Typical story of a normal girl and a superstar.