Chapter 6: Si Crush!

49 0 0
                                        

Wala akong kaide-ideya kung paano ang maging Personal Assistant ng isang Aldrich Morales. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ako pumayag na inutus utusan ako. Ako nga itong madalas mangutos sa mga kaklase ko kasi ako ang bully samin tapos hinahayaan ko lang ang mokong na ito na ibigay sa kanya ang gusto nya.

"Water," utos nya at pasalampak na umupo sa isang silya. Grabe,inabot silang ilang take para lang matapos iyon, let me say 15 times?

Inabot ko sa kanya ang isang bote ng mineral na tubig at face towel.

Nandito kami sa lugar sa Batangas pero hindi ko alam kung san sa Batangas, basta Batangas. Ang ganda nga dito eh. Ang ginagawa kasi nilang eksena ay yung hinahabol ng character ni Aldrich yung co-star nya na si Isabela Rodriguez dahil naabutan daw nito na may babae siya.

Speaking of Isabela,super gorgeous nya. Ang puti saka napakaganda ng katawan. Nakakainsecure tuloy. Tapos ang tangkad pa nya kaya ang haba ng legs nya. Gusto ko nga sana magpa-autograph kaso sabi ni Aldrich wag ko daw siya ipapahiya. Sayang lang.

"Hi Aldrich," malambing na bati ni Isabela sa aking "boss". Heto namang si Aldrich, deadma lang.

Ano kaya iyon? Ang sweet sweet nya sa harap ng camera kapag kaeksena nya ito. Sabagay, artista nga pala sila. Magagaling umarte.

Nakatayo lang ako sa likod nya at naghihintay ng iuutos nya. Nakacross arms pa ako.

Nilalagok ni Aldrich ang tubig. Grabe,uhaw lang si boss.

Naiinip na ako. Hindi ko naman alam kung ano ang pagkakaabalahan ko dito. Napanguso na lang ako.

Pagkatapos ubusin ni Aldrich ang boteng walang laman ay bumalik ulit sya doon sa set para gumawa ulit ng ibang eksena. Hindi man lang nagthankyou. Bastos ng mokong.

Naiinip na talaga ako. Anubayan, bakit ba kasi ako pumayag? Nagsisisi tuloy ako. Dapat ang inatupag ko ay kung paano ang umuwi sa amin pero heto ako ngayon, pinagsisilbihan ang lalaking ito. Baka nag aalala na sila mommy at daddy kasi dalawang araw nang nawawala ang maton nilang prinsesa.

Napabilog ko ang bibig ko. Oh my goodness! Is that Kris Santiago?

Shet! Hindi ko alam na kasama pala siya sa eksena. Hindi ko kasi siya nakikita kanina. Lumabas siya sa isang tent. Iyon siguro ang parang dressing room nya.

Oh my! Si crush! Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Tama si Aldrich,hindi ko dapat ipahiya ang sarili ko kasi nandito si Crush!

Pinapaypayan ko sarili ko kasi hindi talaga ako makahinga sa sobrang kaba. Ngayon ko lang sya nakita ng personal. Akala ko talaga imposible kasi nga artista siya at ordinaryong tao lamang ako. Pero nandito na siya at nakikita ko ng personal ang mukha nya,hindi talaga ako makapaniwala.

Napatingin siya sa gawi ko kaya nanigas ako. Shet,mukha akong tuod nito. Ang gwapo nya talaga. Ang cute ng mata niya at ang tangos tangos pa ng ilong nya. Ang moreno niyang balat ay bagay na bagay sa suot niyang tshirt na Leopard ang design. Shete, so gwapo talaga.

Napansin ko si Aldrich na napatingin din siya sa gawi ko pero wala akong pakialam. Saglit lang naman siyang tumingin sakin pagkatapos ay bumalik ang tingin nya sa kaeksena nya na si Isabela.

Totoo kaya na nililigawan ni Kris si Isabela? Ang sakit naman nun.

Pinapanood ko na ang ginagawa nilang eksena,kanina kasi ay wala akong pakialam.

"Okey Guys pack-up na. Good job", rinig kong sabi ng baklang direktor. Pinuri nya ang lahat ng staffs kasama na ang mga artists.

Lumapit ulit sakin si Aldrich habang ako ay nakasunod pa rin ang tingin kay Kris.

"Fix my things, I want to go home early", mariin nyang utos at iniwan na ako.

Napasimangot na lang ako. Buti na lng narinig ko ang utos nya kahit tulalers ako kay Crush.

Sinunod ko ang utos ni boss. Niligpit ko ang mga gamit nya at nilagay sa tamang lalagyanan ang mga bagay bagay. Pinulot ko pa ang mga nagkalat na tissue na ginamit ng make up artists sa pagmake up sa mga artista. Hindi kasi nashoot sa basurahan.

Inayos ko na ang mga bag. Yes, mga bag talaga at hindi lang malilit kundi yung bag na pangmountain hike. Ayos ah? Paano ko naman dadalhin ito?

Kumuha ako ng dalawa. Nabigla ako kasi nung binuhat ko napasama ang bigat ko sa lupa. Ganto kabigat ang mga ito? Hindi kasi ako ang nagbuhat ng mga ito kundi ang drayber kaya wala akong kaide- ideya na ganito ang mga ito kabibigat. Kahit hirap ako ay pinagtiisan kong ilagay sa magkabila kong balikat ang isang trap ng dalawang bag. Huhu, may dalawa pa pala. Wish ko lang, mas magaan ang mga iyan kaysa sa dala dala ko ngayon.

Nilingunan ko kung nasaan na ang lokong iyon. Nasa van na pala at nakasandal lang habang nasa magkabilang taenga ang eraphone.

Huminga ko ng malalim at hahakbang na sana nang-

"Need help?", tanong sa akin ng nasa likod ko. Inikot ko bahagya ang likod ko para malaman ko kung sino iyon.  Hindi ko kasi kayang isama ang buong katawan ko sa paglingon.

Napaawang ang labi ko ng makita ko na si Kris iyon at genuine ang kanyang ngiti. Totoo ba ito? Pinansin nya ako? Pinansin nya ang isang tulad ko?

Napatango ako ng dahan dahan habang nakanganga pa rin. Shete, Madelyn! Umayos ka nga!

Kinuha nya sa isa kong balikat ang bag at sinukbit nya iyon.

"Kanino palang bag ito?", tanong nya sakin pero ako,nganga pa rin. Nakakaintimidate talaga ang kagwapuhan nya.

"Maddie!",rinig kong sigaw ni Aldrich pero hindi ko alam kung sino ang tinatawag niyang Maddie. Lyn ang nickname ko kaya hindi ko sya pinansin, nakatingin pa rin ako sa mukha na Kris na kumakaway na sa mukha ko. Hanggang ngayon kasi ay nakanganga pa rin ako sa kanya.

May humablot sa pulso ko. Doon lang ako nakabalik sa totoong mundo. Sa imahinasyon ko kasi ay kinakasal na kami ni Kris tapos bente na anak namin at may alagang sampung teacup poodle.

"Oh Morales,  new P.A mo ba siya?", tanong ni Kris sa Morales.

Tumango lang siya at kinuha ang bag niya kay Kris. Ang sungit naman nito. Hindi sumagot ng oo.

Napa-oh na lang si Kris at binigay naman yung bag at ako naman ay pakaladkad na hinila ni Aldrich palayo sa kanya.

Ang sakit ng pagkakahawak nya. Ang higpit kaya. Tapos ang bigat bigat pa ng bag na nakasukbit sa likod ko.

Nang marating na namin ang van ay tinulak nya ako sa loob. Muntik na nga akong mapasubsob sa upuan eh.

"Aray naman! Hindi nyo ba alam ang salitang gentleman!", angal ko sa kanya. 

"I dont care." Sabi nya at padabog na nilagay ang bag sa upuan na nasa likod. "You're wasting my time,flirting with that bastard", walang kagatol gatol na sabi nya at umupo na rin sa tabi ko.

Napasimangot ako sa sinabi nya. Ayoko na ring sumabat, inspired kasi eh. Saka wapakels na lang. Ang mahalaga nakita at nakausap ko ang Crush ko.

Nilagay ko na rin ang bag sa likod.

Natigilan ako ng may maalala.

"Yung dalawa pang bag?", tanong ko sa kanya na nakasandal na sa upuan. Magkatabi kami ng upuan kaya nakakaramda mako ng awkwardness agen.

Wala lang siyang pakialam. Hinarap ko na lang ang drayber.

"Kuya,pwede pakibalikan yung dalawang bag?", pakiusap ko sa dalawa.

Lumabas si kuya at sinunod ako. Pagbalik nya ay dala dala nya ang dalawang bag at inabot sa akin. Kinuha ko naman at nilagay na rin sa likod. Pagkatapos ay pinaandar na nya ang van...

 

Because It's MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon