Nanlilisik ang mata niya nang nilingunan niya ako pero unti-unti naman itong naglaho.
"A-Aldrich...", halos hindi ko mabigkas ang pangalan niya. Parang may nakabara sa lalamunan ko at hindi ako makagbigkas ng salita.
Lumaki ang mata ko ng hinila ni Aldrich ang pulso ko at mabilis na lumabas sa kusina. Nagsidatingan na pala ang mga kasambahay at nakiusyoso sa nangyari.
Nagpatangay lang ako sa kanya. Buti at nahahakbang ko pa ang mga paa ko kahit na nanginginig na ang mga tuhod ko.
Nasalubong namin si kuya Ken na nagtataka. Nagtatanong ang kanyang mukha.
"Kick that crap out of my house", galit na sabi nito patukoy dun sa lalaking nasa kusina.
Lalo tuloy nagtaka si kuya Ken. Gusto sana niyang tanungin kung ano ang nangyari pero tumango na lamang siya.
Nilagpasan na namin siya. Nakahawak pa rin si Aldrich sa pulso ko at mabilis na humahakbang sa hagdan. Nagkanda-dapa na nga ako kasi hindi naman ako katulad niya na mahaba ang bias.
Tinungo niya ang kanyang kwarto at binuksan iyon. Napawow ako sa ganda ng pagdedecorate sa kwarto,lalaking lalaki.
Binalibag niya ako sa king size bed niyang blue.
Aray naman! Hindi ba ito marunong maging gentleman,reklamo ko sa utak ko. Kailangan ba kapag hawak hawak niya ako o buhat buhat,ibabalibag pagkatapos?
Marahas kong pinunasan ang mukha ko gamit ang likod ng palad ko. Masusura lang ako lalo eh.
"What did he do?", narinig kong tanong niya. Nakatayo lang siya sa harapan ko. Nakaupo ako sa kama kaya nag angat ako ng tingin para makita ko ang mukha niya. Wala namang pag-aalala ang mababakas sa kanya. Blangko lang.
Nakagat ko ang ibabang labi ko kapag naiisip ko na muntik na akong marape. Tumulo ulit ang mga luha ko,hindi talaga masink-in sa utak ko na nabastos ako. Natatakot ako at nagagalit sa Cyruse na iyon.
Bigla na lamang itong lumuhod sa harapan ko at hinawakan ang mga kamay ko.
"You're shaking", komento niya sakin. Nanginginig nga ang kamay ko,hindi ko napansin. Natatakot ako. Natatakot pa rin ako sa nangyari kanina.
"Natural! Ikaw ba naman muntikan ng marape,hindi ka matatakot",singhal ko sa kanya. Imbis na mainis sa balahura kong sagot ay nagpout lang. Ang cuteeee!
"Again,what did he do to you?",pangungulit pa rin nito. Tinitigan ko lang ang mga mata niya. Ngayon ko lang napansin ang magaganda niyang mata.
"Dinilaan nya leeg ko",pagsusumbong ko parang bata. Totoo naman na dinilaan niya yung leeg ko kaya nandidiri ako. Napakamanyak talaga ng lalaking iyon,mapapatay ko talaga!
Bigla niyang binitawan ang kamay ko. Nagtaka ako sa tinuran niya. Bigla ba naman iwanan habang nageemote ako?!
Pumasok siya sa isang pintuan sa kwarto niya. May bitbit na syang isang litrong alcohol paglabas nya.
Para saan naman iyan?! Siraulo ba ito?
Lumapit sya sakin at umupo na sa tabi ko. Binuksan niya ang alcohol. Hindi kaagad ako nakahuma ang hinawi niya ang nakalugay kong buhok at nilagay iyon sa likod ko. Litong lito na talaga ako sa ginagawa na.
"Waaah!",napahiyaw ako sa gulat. Ibuhos ba naman sa iyo ang alcohol? Este,ibuhos ba naman ang alcohol ang leeg mo? Isang litro yun! Napatayo ako kama.
"Siraulo ka ba? Paliliguan mo ba ako ng alcohol?!"galit kong tanong sa kanya.
Hinigit niya lang ako at ipinaupo ulit sa tabi nya.
BINABASA MO ANG
Because It's Magic
HumorAldrich Morales. Pangalang tinitilian ng kababaihan. Madelyn Fernandez. Gabriellang Amazona. Typical story of a normal girl and a superstar.