Wala nang mas sasakit pa sa nalaman mong namatay nang sabay ang magulang mo. Hanggang ngayon, hindi ako naniniwala sa napanood ko. Kanina pa ako iyak ng iyak at kanina pa rin ako pinapatahan ni kuya Ken. Hindi niya kaya kasi hindi naman siya ang kailangan ko ngayon, kundi ang mga magulang ko.
"Lyn, kumain ka muna", narinig kong sabi niya pero wala akong pakialam. Hindi ko na rin alam kung ilang araw na akong hindi kumakain. Nakapagtataka nga at hindi pa ako namamatay.
Gusto ko nang mamatay. Alam kong masama itong nasa isip ko pero iyon lang ang patuloy na tumatakbo sa isip ko. Gusto kong makasama sila mama at papa.
Ewan ko ba, kung dati patay gutom na ako kung ituring ng mga kaklase ko dahil sa kadamutan ko sa pagkain, ngayon wala na akong pakialam. Kung ang solusyon para mamatay ako ay ang gutumin ang sarili ko, gagawin ko.
Panay lang ang tulo ng masaganang luha sa mga mata ko. Hindi ko iniinda ang sakit ng buong katawan ko, mas masakit kasi ang nasa loob ko. Parang pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni kuya Ken sa tabi ko. Nakatutok lang ang paningin ko sa kawalan.
Akala ko ay aalis na siya sa tabi ko dahil sa sawa na siyang kulitin ako ay hindi pala. Medyo nagulat ako sa paghawak niya sa kamay ko pero nanatili pa ring blangko ang mukha ko at patuloy na tumutulo ang luha ko.
"Lyn, kailangan mong magpalakas. Huwag mo namang gutumin ang sarili mo", wika pa niya sakin. Nanatili lang akong walang imik. Paano ako magpapalakas gayong ang kalakasan ko ay wala na sakin? Hindi pa nga ako nakakauwi sa amin ay sinigurado nang wala na akong uuwian.
"Bakit ka ba nagtyatyaga sakin? Hindi naman tayo magkaano-ano?" ,hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para itanong sa kanya iyan. Siguro manhid na ako kaya wala na akong pakialam sa iba. Napakasama ko para sabihin ko kay kuya Ken ang mga salitang iyan na walang ginawa kundi kundi ang tulungan ako.
Nakita ko sa sulok ng kanyang mata ang pagkagulat sa biglaang pagsalita ko.
Sasagot pa sana si kuya Ken nang biglang bumukas ang pinto at niluwal doon si Aldrich na nagagalit ang aura. Great, wala naman itong pakialam sakin.
"Ano ba ang inarte-arte mo dyan? Oo nga naman, tama ka. In the first place, bakit ka nga namin tinulungan. Sana hindi na kami pumayag sa operasyon at hinayaan kang mamatay dahil ikaw naman ang pumapatay sa sarili mo", singhal niya sakin.
Lalong naging masagana ang mga luha saking mga mata. Operasyon? Naguluhan ako at tumingin sa kanya.
Inaawat siya ni kuya Ken.
"Kung sinusumbat mo sakin iyang pagtulong niyo,sana hinayaan nyo na lang ako. Hindi ko naman hinihingi ang tulong niyo", matapang kong saad sa kanya. Ang lakas ng tibok ng puso ko sa pinagsasabi ko. Alam kong wala akong utang na loob sa pinagsasabi ko, masakit lang kasi saking sabihin ng harapan na sana hindi na lang nila ako binuhay.
"Dapat hindi ka na namin binuhay pa, wala ka rin palang kwenta", mapakla nitong sabi at tinanggal ang kamay ni kuya Ken na nakasabit sa balikat niya. Pabalibag niyang sinara ang pinto pagkalabas.
Yumuko lang ako. Tama naman siya, wala akong kwenta. Hindi ako mabait sa mga kaklase at adviser ko at matigas din ang ulo ko sa mga magulang ko. Kaya nga ako iniwan sa bus at kinuha sakin ang mga magulang ko.
Natanaw ko ang dalawang paa na nakatayo sa harapan ko.
Unti-unti kong inangat ang ulo ko. Si kuya Ken na malungkot ang mga mata.
"Lyn, pagsubok lamang iyan. Sana malagpasan mo", yun lang at iniwan na akong mag-isa sa kwarto. Napahagulhol ako. Ang sakit. Mas masakit pa ito kaysa sa katawan kong parang nabugbog ng gangsta.
BINABASA MO ANG
Because It's Magic
HumorAldrich Morales. Pangalang tinitilian ng kababaihan. Madelyn Fernandez. Gabriellang Amazona. Typical story of a normal girl and a superstar.