Chapter 8: Ang likod

43 1 0
                                        

Buti na lang talaga na dumating si kuya Kenneth. Ewan ko na lang kung ano ang mangyayari kapag hindi pa siya dumating ng tama.

Napangisi lang yung Cyruse. Parang hindi naman siya natinag sa pagbabanta ni Kuya. Kumamot na lang ito ng ulo.

"Ganun ba? Akala ko one of your bitches. Diba inuuwi mo lang ang mga iyon dito to f*ck them?", bastos na turan nito sa mas matanda sa kanya.

Abat! Hindi ko masikmura ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Napakabastos ng lumalabas sa bibig nya,hindi ko keribels. Pero napatingin din ako kay kuya Kenneth na nakayukom na ang mga kamay. Hindi naman siguro totoo ang sinasabi nya diba?

"Shut up, Cyruse!", halos hindi na bumubuka ang bibig nito habang nagsasalita. Sa dalawang araw,este isang araw lang pala kasi kasa- kasama ako ni Aldrich sa taping, wala naman siyang pinakitang masama sa akin. Magalang pa nga siya sa pag- approach sakin eh tapos bonus pa ang pagtulong niya kaya hindi ko talaga mapaniwalaan ang sinasabi ng manyak na ito.

"Okay,whatever. ", bored na nitong sabi. "Dito muna ako,dear cousin. Ang boring sa bahay, ayoko rin sa bar", pagkatapos ay umupo na ito sa sofa.

So pinsan pala nya ito. Napakunot na lang ang noo ko. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko. Basta ang mahalaga,andito si kuya Ken.

Humarap sakin si kuya.

"Lyn,magpahinga ka na. Pagod ka na siguro", nakapagenuine ng ngiti nya,ibang iba sa sinabi nung Cyruse kani-kanina lang.

Kahit na hindi naman ako pagod kasi nakatulog naman ako sa daan,tumango na lang ako. Isa pa,ayokong magstay sa sala kung saan nandun din ang manyak. Baka mapano pa ako,mahirap na.

Umalis ako sa harapan ni kuya at tinungo na ang hagdan. Hay,sa kwarto na lang rin siguro ako at pipilitin kong matulog kahit ang totoo,hindi ako inaantok.

Nakasunod lang ang tingin sakin ni kuya kaya nung lumingon ako,nakita ko siyang nakamasid sa akin. Paglingon ko naman dun sa Cyruse,nakasunod din ang tingin niya pero iba ang tingin nyang iyon. Nakakatakot. Inalis ko na lang rin ang tingin ko sa kanila at mabilis na humahakbang sa hagdan.

Wala naman akong gadget na pagkaabalahan kasi nga wala akong cellphone kaya nagdedaydream na lang ako kahit alas- 9 na ng gabi. Dalawang oras na rin pala ang nakakalipas nung umakyat ako sa kwarto. Hindi ko na rin alam ang nangyari sa sala pagkaalis ko dun. Hinihiling ko na sana,suntukin ni kuya ang manyak na iyon para sakin. Hindi kasi ako ganun kalakas para upakin ko ang gwapo pero manyak na mukhang iyon.

May terrace naman sa labas ng kwarto ko kaya naisipan kong lumabas muna at tumungo roon. Baka maganda ang view at doon ko na lang itutuloy ang pagdedaydream ko este pagnanight dream. Hindi rin naman ako sanay na matulog ng maaga at hindi ko talaga mahagilap sa katawan ko ang antok.

Nakita ko si Aldrich na nakatingala habang ang dalawa niyang braso ay nakalagay sa balkonahe. Nakatingala ang ulo nya at hindi ko alam kung nakapikit ba siya o ano. Nakatalikod kasi sya sa akin kaya hindi ko makita ang mukha niya.

Nanatili muna ako saglit at hindi ko alam kung tutungo ba ako at samahan siya o hindi. Sayang,naunahan ako. Gusto ko pa naman mag isa para magnightdream. :3

Napapatitig ako sa likod nya. Ang yummy talaga,pero winawaglit ko lang talaga sa isipan ko yun kasi hindi ko naman siya crush. Nayayabangan kasi ako sa kanya dagdag na ngayon na suplado pa siya ng makaharap ko siya ng personal. Ang built nya ay pang teenager,yung hindi mamuscle pero hindi naman payat. Tamang tama lang para sa edad nya. Kapre pa ang height niya kaya lalo syang nagkaroon ng overload na appeal.

Napalingon siya sakin kaya nagulat ako. Kumunot ang noo nya pagkakita sakin. Naramdaman nya siguro na may nakamasid sa kanya.

"Why?", malamig nitong tanong.

Because It's MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon