Madelyn POV
Kumunot ang noo ko ng tumayo siya sa kinauupuan nya na ganoon pa rin ang titig nya sakin. Ewan ko ba pero nakaramdam ako ng takot . First time kong makaramdam ng ganoon sa kanya.
Napaatras ako ng lumapit siya sa pwesto ko . Nakatingala pa ako sa kanya kasi napakatangkad nya.
“Who told you to talk to me like that?” , galit nitong sabi sa kin at mahigpit na hinawakan ako sa braso.
Napamaang ako sa tinuran nya.
Ano ba ang kinagalit nito?
“Aray, nasasaktan ako! “ , pilit kong pagbawi sa braso ko.
“ ikaw na babae ka, mag ingat ka sa mga sinasabi mo. Hindi mo alam ang sinasabi mo!” ,singhal nya sakin.
Ewan ko ba,bigla na lang tumulo ang luha ko. Siguro, hindi talaga ako sanay na sinisigawan ng ibang tao.
Binitawan naman ako ni Aldrich ng Makita na may luhang pumatak sa mata ko.
“I’m sorry” , pagpapaumanhin nto
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Basta ang alam ko lang, nagugutom na ako. T.T
“What’s happening here?” , pasok ni kuya pogi sa kusina kung nasaan kami.
Naabutan nya kami ni Aldrich na nakatayo malapit sa isat isa. Ako na umiiyak at siya na nasa malayo ang tingin.
Nang Makita ni Aldrich ang kuya nya ay agad na siyang umexit. Nilagpasan nya lang ang kuya niya na parang walang nangyari.
“Anong nangyari? Narinig ko kasing sumigaw si Aldrich kaya sumunod agad ako rito” , pagtatakang tanong ni kuya Kenneth sakin .
“Oh, bakit ka umiiyak?Ano ba talaga nayari huh?”, pagkatapos ay lumapit siya sakin at inalo ako.
“Hindpi ko po alam kuya. Nag aasaran lang kami kanina pagkatapos ayun na, nagalit lang sya bigla sakin”, para akong batang nagsusumbong sa kuya ang peg ko nito .
“ I know my brother very well. Hindi sya yung tipo ng tao na magagalit na lang basta basta, so tell me, What’s your conversation all about?”
“ Siya po ang unang nangasar eh. Tapos sa sobrang inis ko sa kanya, sinabihan ko siya ng tanga tapos ayun na, nagalit na siya”,
Nagiba rin agad ang timpla ni kuya.
“What? Ginawa mo yun? “ gulat na gulat si kuya sa kwento ko.
Ako naman, lalong naguluhan.
“ Po? Ang alin?”

BINABASA MO ANG
Because It's Magic
HumorAldrich Morales. Pangalang tinitilian ng kababaihan. Madelyn Fernandez. Gabriellang Amazona. Typical story of a normal girl and a superstar.