Chapter 11

27 1 0
                                    

Ahmm... Medyo iba po to sa nauna kong itype na chap 11. Nakakasura lang kasi napakatagal kong tinayp !. Kaso nga lang nung ipapublish ko ,lalabas  Kaya yung mga nakatype ritow eh yung narevive pa nung utak ko. Enjoy :P

----

Mabilis kong tinungo ang kwarto ko at isinara agad ang pinto. Grabe! Nakakahiya! Ano na lang ba ang sasabihin ko kapag nakaharap ko ulit siya? Asus,nipples lang iyon...parang hindi ka na nasanay...

Yuck! Napailing ako sa naisip kong sasabihin sa kanya. As if naman...

Hinagis ko ang katawan sa kanya. Naiistress na ako sa nangyayari ngayon. Napahilamos ko ang mukha ko sa palad.

Hay, kelan na ba ako makakauwi samin? Miss na miss ko na sila.

Bumangon ako sa kama dahil sa katok na naririnig ko. Agad akong tumayo at binuksan ang pinto.

Napataas ang dalawa kong kilay pagkatapos ay kumunot ang noo ko. Si kuya Ken ang kumatok.

"Pwede ba kitang makausap?", mahinahon nitong tanong na may tipid na ngiti sa labi.

Dahil sa curiosity ay niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto at niyaya ko siyang pumasok sa kwarto. Pagkapasok niya ay sumunod ako. Tumabi rin ako sa kanya nung umupo siya sa kama.

"Ano po yun?", tanong ko kaagad. Hindi kaagad siya nagsasalita kaya lalo tuloy akong nacucurious.

Nakayuko lang siya at ang mga palad niya ay nakadikit. Nagbuntong hininga muna siya bago nagsalita.

"I'm really sorry about dun sa nangyari sa inyo ni Cyruse", pag-uungkat nito sa nangyari kahapon. Napatulala ako. Fresh pa rin sakin ang nangyari sakin kaya kapag naalala ko yun, nababalik ang takot ko.

Hinarap niya na may apologetic eyes.

"Alam kong jerk si Cyruse pero hindi ko alam na hahantong sa puntong mamimilit na sya ng babae", pagpapatuloy nito ng sinasabi. Tahimik lang ako sa kanya at inaaabangan ang susunod pang sasabihin. Wala rin naman akong sasabihin para sumingit ako.

"About dun sa sinasabi ni Cyruse,yes. Im that kind of guy. Marami na rin akong karanasan. Siyempre lalaki lang rin ako", this time napatitig na ako sa ganya. Manyak siya,ganun? Bakit parang hindi naman.

"We share when it comes to girls. Ang akin ay kanya. Kaya nga lang napagkamalan ka nyang isa ka sa mga babae ko kaya nabastos ka nya ng ganun", habang sinasabu niya iyon ay napayuko ulit siya. Dahil sa hiya? Hindi ako sigurado.

Naakagat ako sa ibabang labi ko. Ganun ba ang itsura ko? Mababang babae?

"Lahat kasi ng dinadala ko rito ay yung girls ko nga. Tapos nung dumating siya,napag-interesan ka rin niya"

"Kaya po ba dinala nyo ko rito kasi yun ang tingin nyo sakin?" ,lakas loob kong tanong sa kanya.

Umiling siya at humarap ulit sakin.

"No,of course not. You're not that kind of girl, I know. Its just that I help you so I brought you here. Hindi na rin kita dineretso sa hospital kasi hindi naman kita mababantayan dun coz I have stuff to do unlike here, mapapabantay kita sa kasambahay",pagpapaliwanag nito.

Because It's MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon