Chapter 12: Dante

24 0 0
                                    

Aldrich POV(For the di-ko-alam-pang-ilan times)

Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko. Kanina pa ako naglalakad habang nasa emergency room ang babaeng iyon. Nasapo ko na lang ang noo ko dahil sa pag-aalala.

Napaisip ako. Bakit kailangan ko mag-alala? Why am I here,pacing back and forth,scared of something I don't know? In the first place, hindi naman kami magkaano-ano. Hindi rin kami close so bakit ako nandito at hindi mapakali?

"Al!"

Nilingunan ko ang tumawag sa pangalan ko. Nakita ko si kuya na patakbong lumalapit sakin.

"What happened? Bakit sya nahulog sa hagdan?", pangungulit nito at inaya akong umupo.

Maski man ako hindi ko alam. Masyadong mabilis ang nangyari. Nakita ko na lang na tuloy tuloy lang siyang gumulong pababa at hindi ko kaagad naagapan. Heto siya ngayon sa loob ng kwarto na ito at walang malay.

Umiling ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sakin. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Maybe its because of guilt,yes, its only a guilt. Nothing more,nothing less.

Napalamukos ako ng mukha. I'm not used to it. Let me say, its always a part na mahulog ang isang character sa hagdan,but for Pete's sake! Its only for acting! Hindi naman totoo, hindi tulad ngayon. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa kanya...alam ko lang,kapag na nahulog sa hagdan ang isang character...its either malaki ang matatamong pinsala or mamamatay dahil sa bagok sa ulo.

Kinabahan ako sa last part. Hindi sana mangyari iyon sa kanya. Kahit na hindi ko siya trip,still babae pa rin sya.

Narinig kong bumukas ang pinto  at inuluwal ang isang doctor kaya na napatayo kaagad ako sa upuan. Ganun din si kuya ko.

"How is she?", mabilis kong tanong sa kanya. Hinubad niya ang gwantes at tinanggal ang mask.

"Sino ang kamag-anak niya?", tanong niya at hindi sinagot ang tanong ko.

"Guardian niya ako", maagap na sagot ni kuya kahit na hindi naman totoo. Mukhang hindi sasabihin ng doctor ang resulta kung walang magpapakilalang family nito.

Napabuntong-hininga muna ito.

"I'm sorry,Sir..." Hindi pa siya tapos magsalita,parang binuhusan na ako ng malamig na tubig. "...unfortunately, malaki ang natamo niya. Nagkafracture siya sa likod at medyo may tama rin ang ulo niya.", hindi ko alam pero nakahinga ako ng maluwag kahit na iyon ang sinabi niya. At least,hindi siya namatay. Still,masama pa rin ang nangyari sa kanya.

"Ligtas na po ba siya?"maagap kong tanong. Gusto ko masigurado kung ligtas na siya dahil...dahil...

"Yes,but kailangan niyang operahan sa madaling panahon sir. Kapag pinatagal pa natin ito, hindi maganda ang mangyayari sa kanya", dugtong ng doctor. Nakatingin lang ako sa kanya. It can't be. Hindi kami pupwede pumayag sa operasyon lalo na't hindi kami totoong magkamag-anak ng babaeng iyon. Kailangan pa rin ng desisyon ng pamilya niya.

Napatingin ako kay kuya na malalim na nag-iisip. Maski man ito ay hindi alam kung ano ang gagawin. Siguro ay alam din nito na hindi basta-basta ang gagawin naming desisyon.

"Pag-iisipan muna namin doc. Thankyou", nasabi na lang niya.

Napatulala ako sa kanya.

Tumango lang ang doctor at magalang na nagpaalam.

"Hindi natin hawak ang desisyon para diyan, Al. You know that we don't have rights", napansin siguro nito na napatulala ako sa sinabi niya kanina.

"But kuya,we need to find them as soon as possible. Baka kung ano ang mangyari sa kanya pag pinatagal pa natin ito", desperado kong sabi.

Walang nasabi si kuya na ikinainis ko. Umalis na lang ako sa lugar na iyon kasi pakiramdam ko,napakasikip doon.

Because It's MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon