Chaper 5: Be my P.A

37 1 0
                                    

Nandito na ko ngayon sa kwarto ko at nag iipon ng lakas ng loob para magsorry sa siraulong iyon.

"Ahmmm,sorry nga pala. Hindi ko sinasadya. Hindi ko naman alam eh",pagkakausap ng sarili ko sa salamin na kasingsize ko lang.

Pagkatapos ay nagpuppy eyes naman ako.

Ewwww,di bagay. Baka batuhin lang ang mukha ko ng flowervase kapag iyon ang ginawa ko.

"Hmmm,Aldrich...So sorry for what happened earlier ah? I dont even know your past eh so I said that word to you...",malandi ko namang sabi.

Yuck! Baka hindi flowervase ang ibato niya sakin kundi aparador na.Saka hindi ko nga alam kung tama yung grammar ko eh. Wala naman si mama para icheck yun. -_-

Hindi rin ako ganung kalandi magsalita.

Napasabunot na lang ako sa sarili ko,so hirap pala. Pero kung tutuusin, mas mahirap ang pinagdaanan nya.

Hindi naman pala buong magkapatid si kuya Kenneth at Aldrich. Magkapatid lang pala sila sa ama. Pero,tanda ko sa kwento ni kuya Kenneth,walang kwenta ito. Walang ibang ginawa kundi saktan ang naging asawa nito kaya naghiwalay ang mama nya at papa nya. Sunod naman ay nagkakilala ang nanay ni Aldrich at ama nya. Nagpanggap itong mabait para lang mapasagot nito ang nanay ni Aldrich at magpakasal ang mga ito kahit na hindi pa na pormal na hiwalay ang mama niya at ang papa nya.

Kaya lang hindi naglaon ay lumabas dun ang tunay nitong kulay ,nung panahong iyon ay naipanganak na si Aldrich at sampung taong gulang na ito. Nakakatanggap ang mag-ina ng bugbog at malulutong na mura mula sa ama nila. Pero dahil hindi nakayanan ang pambubugbog ng asawa ay bumigay na rin ang ina ni Aldrich at namatay. Nagkatrauma si Aldrich dahil sa napagdaanan pero dahil mabait ang ina ni Kuya Kenneth ay ginawa nila ang lahat para mabawi sa pangangalaga ng walang kwenta nilang ama si Aldrich.

Hay, akala ko OA lang siya yun pala ganun ang napagdaanan nya. Wala kasing tabas ang bibig kong ito eh.

Tumungo ako sa kama ko at nahiga. Napatitig ako sa kisame at nag isip ng  bagay bagay. Swerte rin pala ako sa pamilya ko kahit only child lang ako, yun nga lang walang cellphone. Kapag naalala ko yun,nagngingitngit talaga ang loob ko sa inis. Pisti!

Bumangon na ako sa kama at tinignan kung anong oras na. Magdidinner na pala,ayos! Pagkain na naman. Iba talaga ang mayaman,kahit anong masarap makakain. Hahaha

Lumabas na ako ng silid . Pagkapihit ko ng doorknob para isarado ang pinto ay siya namang labas ni Aldrich sa kwarto niya. Natigilan siya saglit pero nagpatuloy lang din sa paglalakad at nilagpasan ako.

Napayuko ako ng kaunti kasi hindi ko alam kung ano ang irereact ko. Nakaramdam tuloy ako ng awkwardness.

Nauna nang bumaba si Aldrich ng hagdan. Sumunod na lang ako sa kanya.

Tinungo niya ang dining table. Nakabuntot pa rin ako. Gusto ko magsorry sa sinabi ko kanina pero hindi ko alam kung paano sisimulan. Hindi kasi ako sanay magsorry eh. Anubayan...

"Susundan mo lang ba ako?",bigla ay tanong nya sakin pero nakatalikod siya.

Nauntog ako sa likuran nya. Ang sakit! Tumama ang noo ko sa matigas nyang likod. Hindi ko kasi namalayan na nakatigil na pala sya.

Nakagat ko labi ko kasi hinding hindj ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya,promise.

Nasa tapat na pala kami ng lamesa.

Hinarap nya ako na nakayuko. Siya na pinagkalooban ng height. Nakatingala namam akong napatitig sa kanya.

"Kung wala kang sasabihin,pwede wag kang bumuntot na parang aso?"

Ayan na naman ang pagkamasungit nya. Ano ba ito? May mens?

Napabuntong hininga ako.

"Sorry," mahina kong sabi.

Kumunot ang noo nya. Hindi nya ata narinig.

"What?"

Wat-wat ka dyan. Watwatin ko ang mukha mo eh.

"Sabi ko,gutom na ako. Kaya kita sinusundan kasi nalilito pa rin ako kung saan kainan",pagmamaldita ko.

Bahala sya dyan. Iniwanan ko nga at naghanap ako ng pwesto at umupo na. Nawala tuloy lakas ng loob kong magsorry sa pagsusungit nya.

Umupo na rin sya sa tapat ko.

Kasalukuyan ng naghahain ang kasambahay ng pagkain.

Sininghot ko ang amoy, ang bango... lalong nakagutom.

Hindi nagtagal ay dumating na rin si Kuya Kenneth at binati ako.

Binati ko rin sya at ningitian.

Tahimik lang kaming kumakain. Ramdam siguro ni Kuya Kenneth ang awkwardness kaya sya na ang bumasag ng katahimikan.

"Oo nga pala, Aldrich. Your assistant called me a while ago that she can't assist you tomorrow because her mama needs her now. Sorry daw," sabi nito habang naghihiwa ng karne sa plato.

Ako naman, hindi ko alam kung paano gamitin ang kutsilyo kaya tinusok ko na lang ang malaking karne at kinakagatan.

Napatigil si Aldrich sa pagkain at tumingin sa kanyang kuya.

"What? She can't absent tomorrow. She knows how much I need her to be my assistant. I badly needs a P.A", inis nyang sabi.

"Hindi nga pupwede, may sakit nga mama nya at sya ang mag aalaga",sagot naman nito at nakatingin na rin kay Aldrich.

Ako naman,palipat lipat ang tingin ko sa kanila. Ayokong sumabat,baka màboljak na naman ako sa mokong na ito. Enjoyin ko nalang ang pagkain ko.

"You," tawag sakin ni Aldrich.

Kakagatin ko na sana ang malaking karne pero hindi ko muna ginawa at hinarap ko sya.

"Bakit?,"

"Dont you have anything to do?",

Nag isip ako saglit. Sa totoo wala naman, wala naman talaga eh.

Umiling ako.

"You want my forgiveness? Then be my P.A," walang kagatol gatol na sabi nito sakin. 

Because It's MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon