Chapter 14: Hindi Pwede

62 0 0
                                    

Pinapatay na naman ako ng boredom. Nakahiga lang kasi ako dito sa kwarto mag-isa at tulalers again. Hindi ko rin kayang bumaba ng hagdan para manood sa sala kasi walang aalalay sakin. Parehong wala ang magkapatid saka kahit nandyan yung gunggong na yun-alam nyo naman na kung sino ang tinutukoy ko-hinding hindi ako magpapatulong. Siya nga dahilan ng pagkahulog ko eh kasi-

Ah basta, ayoko na isipin pa iyon. Gusto ko na talaga makauwi samin. Kahit na wala na ang magulang ko, kakayanin kong mamuhay mag-isa. Hindi naman siguro ako pababayaan ng mga kamag-anak ko dun. Eh? Ang papangit nga pala ng angkan ng papa ko, siya lang mabait saka yung isa kung tita na hindi ako sigurado kung ligtas pa. Matagal na rin palang wala ang mga lolo at lola ko sa magkabilang side kaya wala akong makakasama. Napakasama talaga ng buhay para sakin, sinimot na lahat.

May kumatok sa pintuan. Pinapasok ko na lang, hindi naman na ako makakabangon dahil sa medyo nahihirapan akong tumayo at halong katamaran na rin. Hindi ko naman nilock ang pinto so walang problema.

Inangat ko mula sa unan ang ulo ko para mapagsino ang pumasok. Si manang Alen lang pala, may dalang tray ng pagkain at gamot.

"Lyn, oras na para sa gamot", sabi niya at nilapag muna sa bedside table. Okay lang sakin na Lyn ang itawag nila kasi hindi naman ako amo rito, amo-amohan lang, haha.

Inalalay niya muna akong umupo. Inayos niya ang unan sa likod ko para maging komportable ako sa pag-upo.

"Salamat po manang Alen,", sabi ko sa kanya. Nilagay niya sa kanlungan ko ang tray. Isang pritong hita ng manok at mainit na sinigang ang bumungad sakin. Lalo tuloy akong nakaramdam ng gutom.

"Mauuna na ako, hindi pa kasi ako tapos sa ibaba. Ibinilin ka kasi sakin...", sabi nito. Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita siya bilang pagpapakita ng paggalang kahit na gustong gusto ko na sunggaban ang pagkaing nakahain sa harapan ko."... ni sir Aldrich", pagpapatuloy nito sa sinabi at umalis na ng kwarto ko.

Natigilan ako sa huling sinabi niya. Nakapagtataka, akala ko si kuya Ken ang nagpahabilin sakin kay manang. Thoughtful kasi ang lalaking iyon, napagkakamalan ko nang tipo ako nun. Umarangkada na naman pagiging assumera ko. Pero kay Aldrich? Kumunot noo ko. Ang labo naman.

Nakakasura nga lang. Kasi parang kiniliti ang puso ko. Nagiguilty lang yun, uy. Wag ka nga ano diyan.

Pagkatapos kong kumain ay nagpalipas muna ako ng sampung minuto bago inumin ang gamot ko. Ang laki naman kasing tableta nito. Hanggang ngayon ay nabubulunan pa rin ako pag nilululon ko ang gamot kong ito.

Napatingin ako sa wallclock. Mag-aalauna na pala. Hindi muna ako kaagad humiga dahil pinapababa ko pa ang kinain ko. Hindi ko alam kung ano ang susunod kong gagawin pagkatapos nito. Ayaw ko namang mamatay sa boredom no? Wala nga lang akong maisip na pagkakaabalahan.

Napansin ko ang I.D ko na medyo natatakpan ng tray ng pagkain. Pilit kong inaabot iyon. Nang makuha ko iyon, napaluha na naman ako. Hanggang ngayon kasi, ayaw ko idigest sa utak ko na ulilang lubos na ako. Mabilis masyado ng pangyayari. Naiwan lang ako ng letseng bus na iyon tapos ito ako ngayon, wala nang magulang na uuwian.

Napatitig lang ako sa I.d ko. Ito na sana ang paraan ko para macontact sila mama at papa. Nung pangatlong araw ko na nandito, saka naman ako nahulog ng hagdan. Makakauwi na sana ako samin kung hindi lang sumulpot ang katangahan ko. Kaya heto ako ngayon, kahit na ayaw ko rito, magtatatlong araw na ako rito simula pagkalabas ko sa hospital.

Marahas kong pinunasan ang mga luha ko. Dapat akong magpakatatag. Dapat kong tignan ang mga nangyari sakin in a positive way. Paano kung nakauwi ako samin? Eh di kasama ako sa mga namatay? Paano kung nakauwi ako samin? Eh di walang Madelyn Fernandez na nabubuhay na bibigyan ng parangal ang mga yumaong magulang? Isipin ko na lang ang iba, nag-aaral sila mabuti kahit na mag-isa lang sila sa buhay para maparangalan ang mga namayapang magulang. Tama, yun dapat ang gawin ko. Hindi dapat ako magmumukmok dito. Hindi lang naman ako ang namatayan. Sabi nga ni John Lloyd Cruz,"hindi titigil ang pag-ikot ng mundo kahit mawala ka pa". Ganoon ba iyon? Basta ganoon din thought nun. Papahirapan ko pa sarili ko sa pag-alala eh. I'm not good in memorization. Konting singit lang ng english.

Ginalaw galaw ko ang paa ko.

Napangiwi ako sa sakit. Ang sakit pa rin pala. Naiinip na kasi ako. Wala kasi ako gaanong magawa.

May kumatok na naman sa pinto. Pinapasok ko siya. Akala ko si manang Alen ulit yun, babalikan ang tray na wala nang laman. Si kuya Ken pala.

"Bakit po?", tanong ko sa kanya. Napatikhim ito at parang kinakabahan. Nakapoloshirt ito na skyblue at walking shorts. Bakit kaya hindi ito mag-artista? Gwapo naman.

"Lyn, okay lang ba sa iyo kung...", hindi nito matuloy ang sasabihin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya para kabahan siya ng ganun."...huwag ka nang umuwi sa inyo?"

Sabay na kumunot ang noo at lumaki ang mata ko na nakatingin sa kanya. Naguluhan ako sa sinasabi nya. Anong- papaanong-

"I'm telling you, hindi ka ligtas doon.", nakita siguro nito ang di ko paggusto sa sinabi niya.

"Nangako ka sakin! Nangako ka na iuuwi mo na ako! Ano ba pinagsasabi mo kuya Ken?! Hindi ko maintindihan!", singhal ko sa kanya. Bigla bigla na lang uminit ang dugo ko. Ano bang kalokohang ito? Aware naman siya na gusto ko nang umuwi samin. Pero heto siya at sinasabing huwag akong umuwi? What the?

"Lyn, please calm down. Alam kong gustong-gusto mo nang umuwi. Pero hindi pupwede ngayon, please", pakiusap nito. Nakataas pa ang dalawang kamay na parang inaawat ako.

"Hindi kita maintindihan kuya! Sabihin mo sakin kung bakit hindi, please!", ako naman ngayon ang nakikiusap sa kanya. Nagsimula na namang tumulo ulit ang mga luha sa mata ko. Ano ba ito biruan? Nangungulila na nga ako samin at hinihintay lang ang tuluyan kong paggaling tapos heto ako ngayon? Pinipigilang umuwi?

"I'm sorry Lyn. I can't tell you right now pero hindi ka muna uuwi sa inyo hangga't sinasabi ko", yun lang at lumabas na ito mg kwarto niya. Is this a joke ? Punyeta naman! Kumuha ako ng unan at binato sa pintuan na nilabasan niya. Nanggigigil ako. Bakit ba nangyayari sakin ang lahat ng ito? Oo nga, buhay mayaman ako rito pero nasa puso ko ang bumalik sa amin at maging buhay mahirap ulit. Tapos heto, hindi ako pinapauwi?

Nagkamali ako ng pagkakilala kay kuya Ken. Siguro kaya hindi niya ako pinapauwi kasi gusto niya kunin lahat sakin. Kasinungalingan ang sinabi niyang hindi ako ganoong klaseng babae. Katulad din pala niya ang manyak na Cyruse na iyon.

"They're cousins, afterall", sarkastikong sabi.

Hindi pupwede ito. Hindi na ako hihingi ng tulong sa kanila kung hindi rin naman nila ako tutulungan. Makakauwi rin ako samin, makikita niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Because It's MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon