Chapter 7: Stay away

35 1 1
                                    

Nagising ako na parang nawala ang bigat ko sa upuan ng sasakyan. Biglang nanigas ang katawan ko kasi buhat buhat ako ni Aldrich papasok ng kabahayan. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nasa byahe. Nakakahiya.

Nakatuon lang ang isip nya sa daan kaya malaya kong napagmamasdan ang bawat detalye ng kanyang mukha,minsan iniiba ako ang tinguin para hindi nya mapansin na nakatingin ako sa kanya.

Kahit papaano pala ay gwapo ang isang ito. Shete,sino ba ang pinaglolokoko? Gwapo talaga ito kaya nga naging artista dahil ang puhunan ng lokong ito, karisma.

Nakakatuwa kasi may pagkagentleman din pala siya. Akala ko hindi nya alam ang salitang iyon pero-

"Aray!", angal ko. Kasi ba naman padabog kang binagsak sa mahabang sofa sa sala. Nasa sala na pala kami, hindi ko namalayan.

Nag inat sya ng katawan. Iniikot ikot nya ang magkabila nyang braso na parang nangawit sya dahil sa bigat ng dala nya.

"Hindi yata tao binuhat ko,baboy yata", panglalait nya sa timbang ko.

Abat- . Akala ko gentleman ang loko, akala lang pala.

Tumayo ako ng padabog din at masamang nakatingin sa kanya. Hindi naman ako ganun kabigat no?

"Hoy! Bakit,in the first place ba ay nagpapabuhat ako sayo?", asik ko sa kanya. War na naman itech, I'm sure.

Nilingunan nya ako na bored na bored.

"Can you just say thanks? At least I brought you here even though you're busy staring at may face".

Namula ako. Shete,nahalata pala nya. Buset kasing mata ka! Hindi mo alam kung saan pwede tumingin.

"Hoy! Ang kapal naman ng mukha mo! Hindi ko tinitignan ang mukha mo kasi pinagnanasaan ako. May nakadungaw kayang kulangot sa ilong mo at nagha- hi sakin", pagsisingungaling ko. Shete,talino mo talaga Madelyn. Ang ganda ng excuse mo.

"Good evening guys," pasok naman ni kuya Kenneth sa eksena. Half naked sya at nakaikot lang ang puting twalya sa bewang nito.

Lalo akong namula. Ganda kasi ng abs eh.

Napangiwi si Aldrich sa itsura ng kapatid.

"Will you just get dressed kuya? You look like a porn star", sakastikong sabi ni Adrich sa kapatid nya.

Parang doon lang nito napansin ang anyo.

"Oh,sorry. Narinig ko kasing may tao sa sala kaya nilabasan ko. Puro kasi lalaki ang bisita natin dito at bihira lang ang babae kaya kahit anong bihis ay okay lang. Nakalimutan ko palang may lady dito", paliwanag nito sabay tingin sa akin. Ako naman ay lalong namula.

"Tss,whatever. Just wanna rest." Pagkatapos ay iniwan na kami sa sala at tumungo na ng hagdan.

Napasimangot ako sa kabastusan ng lalaking iyon. Kapag ako nakahanap ng pagkakataon,sisiraan ko talaga siya sa mga kaklase kong fans niya. Paano ko naman magagawa iyon? Pagkakitaan ko na lang kaya siya.

"Sandali lang Lyn,iwanan muna kita. Magbibihis lang ako",paalam nito saglit at agad na tinguno din ang hagdan. Ngumiti na lamang ako at tumango.

Umupo ulit ako sa sofa at nag-inat. Mahaba haba pa naman ang byahe kaya siguro ay mahaba haba rin ang tulog ko. Hindi pa naman ako inaantok kasi nakatulog naman ako sa daan. Ano kayang susunod na gagawin ko?

Manood kaya muna ako ng television?

Kinuha ko ang remote at pinindut ko ang red button. Bumukas ang t.v. Ang boring ng mga palabas. Nilipat lipat ko ng channel hanggang sa matigilan ako sa isang programa.

Biglang uminit ang gilid ng mata ko. Naiiyak ako sa tuwa. Sila mama at papa iyon na hinaharap ang larawan sa camera. Ganda ko naman sa picture,chos lang. Pero natutuwa ako. Tuwang tuwa ako!

"Siya po si Madelyn Fernandez, 17 y/o. Naiwan po siya sa fieldtrip nila. Sana po kapag nakita nyo po sya ay tawagan nyo po ang numerong ito", malungkot na sabi ni mama habang nakatingin sa camerq. Namimiss ko na sila. Si papa naman ay hinimas himas ang likod ni mama at malungkot din ang aura.

Papel! Kailangan ko ng papel! Shete,san makakakuha nun?

"09********* o kaya ay ay sa hotline na ..", shete,ang bilis ni mama magsalita! Wala pa akong nahahanap na papel sa paligid. Tang inis naman! Ang pagkakataon ko! Ang pagkakataon kong makauwi samin, unti unting naglalaho! Peste!

"Maraming salamat Mr. And Mrs. Fernandez, sana po ay makita nyo na ang anak nyo." Ang host na ang nagsasalita.

Anak ng- . Tapos na iyon?

Humarap agad ung host sa camera. Hindi ko na nakikita sila mama at papa.

"Pakitawagan po ang numerong nasa screen kung sakaling makita nyo ang anak ng mag-asawa ", seryoso nitong saad.

Pagkatapos ay may lumitaw na mga numero sa screen. Shete,mahina ako sa memorization. Kapag inasahan ko ang utak ko para makabisado ko ang mga numero ay aabutin ako ng mahabang oras at hindi ko pa rin kabisado!

Wala na, nagpatalastas na. Wala na talaga. Wala na talaga ang pag-asa kong makauwi samin. Napapaluha na lang ako sa frustrations. Marahas kong pinahid ang luha ko. Naiinis ako! Naiinis ako sa sarili ko. Wala akong kwenta!

Argggggg! Gusto kong saktan ang sarili ko! Hindi na maipinta ang mukha ko sa inis. Buset! Buset!

"Hi-ohhhh. Hi cutie!" Bati sa akin ng sino mamg poncho pilato na ito. Ako naman siguro ang kinakausap nya diba? Ako lang ang cute dito eh,este tao sa sala.

Mabilis ko siyang nilingunan at masama ang tingin na ipinukol ko sa kanya. Sino ba itong mahangin na ito?

Tumabi sakin ang mokong na parang close kami. Feeling close lang kuya?

"Frustrated? I'll bring you to heaven, trust me", malamanyak nitong pahayag sakin.

Nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan. Bigla akong kinabahan. Sa way ng pagkakabigkas nya ng trust, parang may letter H. Shete, nakaramdam ako ng takot.

Mabilis akong tumayo at lumayo sa kanya. Ang bastos ng lalaking ito! Nakikita ko sa mga mata nya ang pagiging manyak kahit na gwapo siya.

"Excuse me, pwede ba lumayo ka? Hindi ako nakikipag usap sa stranger at lalong lalo na sa manyak! ", bastos ko ring turan sa kanya.

Imbis na mabastusan ay ngumisi lang ito. Shete, napakabastos talaga.

"Sa una lang yan ikaw mahihiya. Trust me, maabot mo ang langit sa sarap", tumayo na rin ito. Hanggang leeg lang ako ng bastos na estranghero.

Hindi ko alam kung ano ang lumalabas sa bibig ng lalaki pero ang alam ko, hindi ako ligtas sa lalaking ito.

Tinulak ko sya ng napakalakas! Ang lapit ng katawan nya at naasiwa ako. Napahakbang lang siya ng paatras pero hindi sya natinag.

Natatakot na talaga ako rito.

Lalo nitong nilaparan ang ngisi. Ano yung nakikita ko sa mata nya? Lust?

"Stay away from her, Cyruse. She's not the type of the girl that you thinking.",ani ng isang lalaki.

Pareho kaming napalingon sa nagsalita. Labis na lamang ang tuwa ko ng makita ko na si kuya Kenneth iyon na nakatayo sa hagdan. Nakabihis na siya ng maayos.

Bumaba siya at pumagitna sa amin kaya nasa likod nya ako.

"Stay away from Madelyn",maawatoridad nitong sabi sa nagngangalang Cyruse.

Because It's MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon